Epilogue
"Krystal, may naghahanap sayo" sabi ni Luna, officemate niya
"Nasaan siya?"
"Sa reception"
"Sige, thank you"
Tumayo sa kinauupuan niya si Krystal at madaling pumunta sa reception at nilapitan ang receptionist.
"Anna, may naghahanap daw sakin?" tanong ni Krystal
"May delivery ka lang. Doon nakaupo oh. Sorry, bawal namin papasukin kaya naabala ka pa"
"Okay lang"
Nilapitan ni Krystal ang lalaki.
"Hinahanap niyo daw ako?" tanong niya sa lalaki"
"Ms. Krystal Sy?"
"Ako nga po"
"Delivery po para sa inyo. Papirmahan na lang po dito"
"Okay, thank you"
Pinirmahan at kinuha ni Krystal ang teddy bear at maliit na box na kasama nito. Agad siyang bumalik sa pwesto niya sa opisina pagkatapos nun. Tiningnan niya ang maliit na card na nakatali sa teddy bear.
'I hope to see you soon. You are still the most gorgeous girl I know'
Napaisip siya sa nakasulat sa card. Hindi niya din naman napigilan ngumiti kahit na hindi niya kilala ang nagbigay ng card na iyon. Wala din naman siyang boyfriend at wala siyang manliligaw sa ngayon kaya hindi niya maisip kung sino ang nagbigay sa kanya noon.
"Babae ka na ngayon! Dapat tayong magparty Krys! May manliligaw ka na" pangugulit ni Victoria, officemate at bestfriend niya
"Ano ka ba Vic, ni hindi ko nga alam kung kanino ito nanggaling. Baka mamaya, masamang tao ang nagbigay"
"Hello Krystal Sy! Use your mind. Kung walang pangalan na nakalagay dyan, secret admirer mo yan"
"Uso pa ba yung ganun ngayon?"
"Well, it may sound old but I find it sweet especially to girls like you who are trying to act like a guy"
"Oo na nga lang!"
Ilang taon na din ang lumipas simula ng umalis si Xyriz. Kinalimutan na siya ni Krystal at simula noon ay naging boyish na ito at hindi tumatanggap ng manliligaw kaya iba ang dating sa kanya ng mga natanggap.
"Sana gwapo siya girl! Kung gwapo yan, sagutin mo na kaagad!" dagdag ni Victoria
"Hindi ako interesado sa mga ganito, okay? Kaya pwede tigilan mo na ako"
"Ang taray mo talaga! Sige, magtatrabaho na ako"
Kinuha ni Krystal ang maliit na box at tiningnan ang laman. May singsing doon at pamilyar ang itsura ng singsing na iyon sa kanya.
'Kaparehas na kaparehas ito ng binigay ni Xyriz noon sakin' naisip niya
Pagkauwi niya galing sa trabaho, inisip niya ng inisip kung kanino pwedeng manggaling ang mga natanggap niya. Unti unti din na napapaalala nun sa kanya ang nakaraan na pinilit niyang kalimutan noon.
'Why does this ring have to remind me of my bitter past? Could Xyriz be the one who gave this to me? No, it can't be. I know that he will never come back and if he did or he will, he shouldve went to see me if he knows where I am' naisip niya
Napailing na lang siya sa mga naiisip niya. Alam niya na hindi na babalik pa si Xyriz at kung bumalik man ito, hindi niya na papayagan pa itong makapasok sa buhay niya ulit.