VOTE || COMMENT || LIKE || BE A FAN
Join na kayo sa group :) search niyo na lang aine_tan's stories. Dun ako nagaannpunce regarding sa updates :)
Picture on the side is Xyriz Lee :)
============================================
CHAPTER 4: Meet Up
Summer na ngayon. Ilang buwan na ang nakakalipas simula ng sinimulan ko yung libro na ginagawa ko at ilang update na lang, tuluyan ko na siyang matatapos.
Sa mga nakalipas na buwan, marami na ang nangyari. Nagkaroon na ng pagpapalit ng operator sa mga facebook account ng characters. Mas malapit na din ako ngayon sa mga operators dahil na din sa mababait sila pero sa ngayon, ang pinakamalapit sakin, yung operator ni Steven. Sa story din kasi, may something sa pagitan namin kaya siya yung talagang nakakausap ko.
Simula nang matapos yung sa dating operator ni Gab, hindi na ako ulit nagpakasweet sa mga operators. Oo, dating operator kasi bago na yung ngayon. Bakit hindi ako nagpapakasweet? Hindi naman sa sinasabe ko na maganda ako, pero yun ang tingin ng iba. Malakas lang din yung dating ko kaya may mga nagkakagusto sakin na mga operators.
Bihira na ako magonline ngayon at palatext na lang ako. Hindi kasi kagaya dati na talagang naadik ako sa pagoonline. Sa totoo nyan, makikipagkita ako ngayon sa operator ng account ni Steven dahil sa malayo siya nakatira at nagbabakasyon siya dito sa Manila ngayon. Sayang yung chance kasi. Kasama ko din si Raine na makikipagkita sa kanya.
*Raine calling..*
"Raine! Waaaah! Excited na ako"
[ Same here! Excited na ako makita si papa Steven mo! ]
"E ano pa ako te? Kami kaya yung sweet oh! Hahaha!"
[ Edi kayo na. Dapat talaga dinala ko dito yung operator ng account ni Axel ]
"Palibhasa kasi boyfriend mo na. Ano ulit pangalan nun?"
[ JC te! Hahaha! Hindi pa nga kami nagkikita e. Buti pa kayo nyan. Mukha lang akong yaya doon mamaya ]
"Hindi yan! Ano ka ba? Mabait kaya yun si Xyriz. Hindi ka maoop dun. Baka nga siya pa yun e. At isa pa, maglalunch lang tayo together"
[ Fine. Sige girl, magaayos na ako. Tatalbugan ko yang beauty mo! Hahaha! See you! ]
"See you"
Binaba ko na yung phone at nagayos na din. Sabay sabay lang naman kami maglalunch e. Nasa Glorietta kasi ngayon sina Xyriz at yung kuya niya. 12 pm kami magkikita at 11 na ngayon. Bihis na din naman ako at naghihintay na lang ako ng oras.