short update. pagpasensyahan na po :) tutuloy tuloy ko na po ito ulit ^o^
---------------------------------------------
CHAPTER 8: Caught In The Act
*After 3 weeks*
Matagal na din simula ng maging boyfriend ko si Xyriz at masaya naman kami ngayon. Syempre normal na yung mga araw na may pagtatalo pero yun naman ang nagpapatibay sa isang relasyon hindi ba? Kagaya ng sabi niya, tiwala lang. Pinilit ko na din na medyo dunistansya sa kapatid niya na si Vuhren. Kadalasan kasi, siya ang nagiging dahilan ng pagtatalo naming dalawa.
Nandito ako ngayon sa room. Absent yung prof namin kaya naman naghihintay lang kami dito para sa susunod na klase namin.
"Balita ko monthsary niyo ng kapatid ko ah?"
Napalingon ako sa nagsalita. Si Vuhren lang pala. Nakangiti siya sakin.
"Do you mind if I sit right next to tou?"
"No. Go on"
Umupo na lang din siya sa tabi ko at may napansin ako na nilagay niya sa table ng armchair na inuupuan ko.
"Para san to?"
"It's a gift"
"Gift? Hindi ko naman birthday ah?"
"Well, sabihin na natin na monthsary gift ko sa inyo"
"Hindi ko to kukunin"
"Fine. It's not a gift. Binigay lang din yan sakin. You like chocolates don't you? Nasaktuhan pa na tobleron yung binigay sakin. Naisip kita so I'm giving this to you"
"I can't accept this"
"Wag mo isipan ng iba yung ginagawa ko. You are my brother's girlfriend and I respect that. Wala na din akong gusto sayo kaya wala kang dapat ipagalala"
"Well, if that's the case. Sige, tatanggapin ko to"
Nginitian ko siya at ngumiti din siya. Wala na pala siyang gusto sakin kaya pwede na maging maayos yung lahat. Ang problema ko lang naman ngayon, yung babae na may gusto kay Xyriz, si Kate.
"Nasaan na pala mga kaibigan mo?" tanong ni Vuhren
"Lumabas. Naghahanap na naman yun ng gwapo"
"Ah ganun ba? Bakit di ka sumama?"
"Magagalit si Xyriz. Ayoko naman na mangyari yun"
"Wala namang masama doon. Okay lang naman na gumawa ka bg kalokohan basta wag ka lang magpapahuli. Tama naman hindi ba?"
"Tama pero ayoko pa din naman na gawin yun sa kanya. Alam ko naman na wala siyang ginagawang kakaiba habang nakatalikod ako"
"It's up to you"
Biglang may nagtext sa phone ko kaya tiningnan ko kung sino. Si Xyriz.
'Happy monthsary goegeous. I love you :* Sorry d matutuloy lakad natin mamaya. May practice kami para sa play. Bawi ako sayo sa susunod'
Medyo nadisappoint ako sa text niya pero ano nga bang magagawa ko? Studies first. Nagkacutting nga siya para sakin e. Importante siguro yung play na yun kaya kailangan niya magpractice talaga. Naiintindihan ko naman yun. Mareplyan nga.
'Happy monthsary din babe. 3 months na tayo. I love you too :* okay lang po. Naiintindihan ko. Pwede ako manood sa practice niyo?'
Pagkasend ko nun, napabuntong hininga na lang ako. Gustong gusto ko pa naman siya makasama. Hirap kasi gumala kapag weekends. Hindi ako papayagan ng parents ko -__- Masyado silang strikto.
"May problema ba Krys?"
"Hindi kasi matutuloy yung gala namin ni Xyriz ngayon. Nakakapanghinayang pero okay lang din naman. May mga bagay na mas importante. Babawi naman daw siya sakin"
"Want to go out with me later? My treat. Wala ka naman sigurong ibang lakad hindi ba?"
"Wala pero pass muna ako dyan. Next time na lang. Deretso uwi na lang muna ako ngayon"
"Sige ikaw bahala pero kung sakaling magbago isip mo, dito lang ako"
"Thanks Vuhren"
"Anytime"
Nginitian ko siya. Nakareply na din si Xyriz kaya agad ko yung binasa.
'Wag na. Baka mahiya lang ako pati mga classmate ko kapag nandun ka. Sige, lowbat na ako. Tawag na lang ako mamayang gabi'
Hindi na ako nagreply. Ang daya naman! Gusto ko pa naman manood sa kanila kahit sa practice lang nila. Kung sabagay, may point siya, ayoko naman na hindi sila makapagpractice dahil nahihiya sila sakin.
***
Uwian na namin. Nandito ako ngayon sa library dahil nagbalik ako ng libro na hiniram ko kanina pero uuwi na din ako pagkatapos. Tinatamad na din kasi ako na gumala pa at gusto ko na lang na umuwi at matulog.
Naglalakad ako sa hallway ng 5th floor ng school namin ng mapadaan ako sa isang classroom. Agad kong napansin si Xyriz kaya naman lumapit ako sa pinto at sumilip. Nakita ko siya na nakatayo sa isang sulok at katabi niya si Kate. Hinawakan niya yung mukha ni Kate at para niya itong hinalikan. Nakatalikod kasi sila dito sa pwesto ko ngayon kaya hindi ko masyadong makita pero sapat na yung nakita ko para mapaalis ako sa kinatatayuan ko.
Bakit siya ganun? Niloloko niya lang ba ako? Bakit sila ganun ni Kate? Bakit siya ang nagfirstmove? Akala ko ba practice para sa play? Yun ba yung dahilan kung bakit ayaw niya akong manood? Ang dami kong tanong.
Nasasaktan ako na nakikita siya na ginagawa iyon. Dapat pala hindi na ako sumilip pa edi sana hindi din ako nasasaktan ngayon. Kagaya nga ng sabi ni Vuhren kanina. 'Okay lang na gumawa ng kalokohan basta wag kang magpapahuli'. Tama si Vuhren. Okay na nga siguro sakin na magloko siya kapag hindi ko nakikita. Nasasaktan lang talaga ako ngayon dahil sa nakita ko. Okay lang naman sa iba niya gawin kaso bakit kay Kate pa?
Hindi ko na mapigilan yung sarili ko. Pumunta ako sa library at doon ako pumwesto sa may cubicle para hindi ako madaling mapansin. Buti na lang at kaunti lang yung tao ngayon dito. Agad akong tumungo at unti unti na tumulo yung luha sa mata ko. Hindi ko na kaya pang pigilan. Alam ko na hindi dapat ako umiyak pero masakit kasi sa dibdib kapag pinigil mo e. Pilit kong pinipigilan yung luha ko sa pagtulo. Iisipin ko na lang na kasama yun sa play kaya ko nakita na ganun sila.
Nagvibrate yung phone ko kaya tiningnan ko agad. May text na galing kay Xyriz.
'Ingat ka sa paguwi. Miss na kita. I love you babe'
I love you? Miss na kita? Ewan ko sayo Xyriz. Diba kapag mahal mo hindi mo dapat sinasaktan? At kapag namimiss mo gagawa ka ng paraan para makita siya? Effortless.
Napansin ko na may nagaabot sakin ng panyo. Dahan dahan kong sinilip kung sino dahil natatakpan naman ng buhok ko yung mata ko. Si Vuhren pala.
"Ang ingay mo. Nagaaral ako pero nakakarinig ako ng hikbi. Take it. Ang pangit mo kapag umiiyak"
Tiningnan ko lang siya at sa tingin niya sakin, parang sinasabe niya na kunin ko yung panyo na inaabot niya sakin. Agad ko naman yun na kinuha at pinunasan yung luha ko. Umupo din naman siya sa tabi ko.
"Hindi na ako magtatanong kung anong nangyari. Akala ko ba umuwi ka na? Bakit nandito ka pa?" tanong niya
"Ikaw? Akala ko din umuwi ka na. Bakit nandito ka pa?" pagbabalik ko sa kanya ng tanong
"Studying. Hindi mo pa sinasagot yung tanong ko"
"Vuhren"
Sinimangutan ko siya. Bigla naman siyang umiwas ng tingin sakin.
"Want to go out with me? I mean have fun. Just in case you changed your mind"
"Sige Vuhren. Sasama ako. Ngayon na ba?"
"Oo"
"Sige. Tara"
Inayos ko yung gamit ko at ganun din naman siya. Magpapakasaya na lang muna siguro ako. Kapag umuwi kasi ako, panigurado magmumukmok lang ako nito.