CHAPTER 12: Miss
Matutulog na sana si Krystal nang may marinig siyang tawag galing sa cellphone niya. Kaagad niyang hinanap ang phone niya at sinagot ang tawag.
"Hello"
[ Babe, kita tayo bukas ]
"Ha? Bakit biglaan naman?"
[ Namiss lang kita ]
"Tatlong araw pa lang naman tayo hindi nagkikita ah?"
[ Kahit na, namiss pa din kita. Hindi mo ba ako namiss? ]
"Syempre namiss kita"
Tatlong araw na silang walang pasok. Tapos na ang semester at hinihintay na lang ang bigayan ng grades at enrollment para sa susunod na semester.
[ Ano? Pwede ka ba bukas? ]
"Saan naman tayo pupunta?"
[ May lugar ka ba na gustong puntahan? ]
"Wala naman"
[ Dito tayo sa bahay ]
"Bakit dyan pa? Nakakahiya"
[ Wala sila dito bukas. Ako lang pati yung mga katulong ]
"Talaga? Sige punta ako"
[ Sunduin kita sa inyo ng 11 ]
"Sige babe. Kailangan ko na din umuwi ng 4 ng hapon ah?"
[ Okay lang. Matulog ka na ]
"Maaga pa"
[ 11 na gorgeous ]
"Para namang hindi ka sanay ng puyat ako"
[ Hindi ka dapat nagpupuyat ]
"Fine. Matutulog na ako. Goodnight babe"
[ Goodnight. I love you ]
"I love you too"
Pinutol na ni Krystal ang tawag at saka naghanap ng damit na susuotin niya. Gusto niya palaging magmukhang maganda sa harap ng boyfriend niya.***
Nang marinig ni Krystal ang tunog ng doorbell sa unit niya, agad niyang tiningnan kung sino at napangiti siya nang makita ang boyfriend niya.
"Let's go?" tanong nito sa kanya
Tumango si Krystal at agad na kinuha ang gamit niya at saka lumabas. Pinagbuksan siya ng pinto ng sasakyan ni Xyriz at agad din siyang pumasok.
"Gutom ka na ba?" tanong ni Xyriz sa kanya
"Hindi pa naman"
Hindi na sumagot pa si Xyriz at nagsimula na itong magdrive. Napansin ni Krystal na iba ang dinadaanan ng sasakyan at hindi iyon ang daan papunta sa bahay nina Xyriz.
"Xyriz, bakit iba yung dinadaanan natin?"
"Pupunta tayo sa MOA"
"Akala ko ba sa inyo?"
"Mamaya na tayo pumunta dun"
"O-okay"
Nang makarating sila sa MOA, agad silang pumunta sa bowling center.
"Bakit dito mo ako dinala?" nagtatakang tanong ni Krystal
"Maglalaro tayo gorgeous"
"Ha? Hindi ako marunong. Nakakahiya"