Chapter 13: Farewell
Ilang araw na na hindi nakakausap ni Krystal si Xyriz o kahit si Vuhren man lang. Simula noong gumala sila ay hindi na nagtext o tumawag si Xyriz sa kanya. Hindi na din ito nagoonline pa sa facebook.
'Anong nagyari satin Xyriz? Bakit bigla ka na lang hindi nagparamdam? Okay naman tayo ah?' tanong ni Krystal sa isip niya
Nakahiga siya ngayon sa kama niya at hindi pa makatulog kakaisip kay Xyriz. Namimiss niya na ito at gulong gulo na siya sa mga nangyayari. pilit niyang tinetext at tinatawagan si Xyriz pero hindi ito sumasagot. Sinusubukan niya din na kontakin si Vuhren pero wala ding sagot. Ang daming tanong sa isip niya. Napagdesisyunan niya na pupunta na lang siya sa bahay nina Xyriz kinabukasan para malaman kung ano ang nangyari.
***
Pagkagising niya ay madali siyang nagayos at nagtaxi papunta sa kung saan nakatira si Xyriz. Maligaw ligaw pa siya kaya napamahal siya sa taxi pero buti na lang at nahanap niya na din ito. Nagdoorbell siya kaagad pagdating niya doon. Desperada na talaga siyang makita si Xyriz.
"Xyriz? Vuhren?" Sigaw niya galing sa labas
Paulit ulit niya pang pinindot ang doorbell pero walang tao na nagbubukas ng gate para sa kanya. Sinubukan niyang tawagan sina Vuhren at Xyriz pero hindi na ito matawagan.
'Bakit ganun? Kagabi nagriring pa mga phone nila pero cannot be reached na ngayon? Nasaan ba sila?' tanong niya sa isip niya
Pinindot niya pa ng pinindot ang doorbell at nagtatawag sa labas pero wala pa ding sumasagot. Magkakalahating oras na siyang ganun sa labas ng bahay nina Xyriz at inis na inis na siya.
"Krystal?" tawag sa kanya ng isang pamilyar na boses
Lumingon siya at nakita si Kate. Nagjajogging siya nang makita niya si Krystal doon. Agad din siyang tumakbo papalapit doon.
"Kate"
"Bakit ganyan yung mukha mo? Wag mo sabihin na nagbreak na kayo?"
"Hindi pa"
"Why are you here? Hindi ba dapat nasa airport ka ngayon?"
"Anong ibig mong sabihin?"
"O-M-G! Hindi mo alam?! Ngayon na ang alis ng pamilya nila papunta sa Canada. Doon na sila titira!"
"Ano?! Niloloko mo lang ba ako?"
"I'm not joking! Grabe, hindi mo pala alam? Birthday niya pa lang, alam ko na yung tungkol dito"
Natahimik si Krystal doon. Pakiramdam niya, napakawalang kwenta niyang girlfriend. Ni hindi niya man lang alam na aalis ang boyfriend niya.
'Yun pala ang dahilan kung bakit ganun siya sakin nung huling beses na lumabas kami' naisip niya
Inalog alog siya ni Kate. Napansin kasi nito na tulala siya.
"What are you doing?! 1pm ang flight niya! 12 na kaya! Pumunta ka na sa airport! Hahayaan mo na lang ba siya umalis ng ganun lang?!"
"Thanks Kate. Alam ko na hindi tayo magkaibigan pero natulungan mo ako ng sobra"
"Wala akong naitulong. Umalis ka na at puntahan mo na siya! Cut the drama, okay?"
"Sige, thank you!"
Agad siyang tumakbo palabas ng village at sumakay sa taxi papunta sa NAIA. Kailangan niyang maabutan si Xyriz bago pa man ito makaalis. Hindi niya napigilan ang luha sa mata niya.
'Wala man lang akong kaalam alam na aalis ka. Bakit ka ganito Xyriz? Wag ka muna umalis! Hintayin mo ako' sabi niya sa isip niya
Pinilit niyang pigilan ang tumutulong luha niya dahil sa nahihiya siya sa driver. Kanina pa siya nito tinitingnan.