[ 7 ] First Date

1.9K 56 6
                                    

Guys, ON-HOLD na po muna itong Wattpad Love :) Tatapusin ko muna yung An Orphan's First Love bago ko ituloy ulit para hindi na sobrang tagal ng updates. Busy din kasi with school kaya hindi ko kaya ng sabay sabay yung 3 stories. Hope to update this again SOON. Baka sa December po ulit. :)

Sa mga readers nito na hindi pa nabasa yung ibang works ko, you might as well read GAME OF LOVE and AN ORPHAN'S FIRST LOVE. Thank you :)

Xyriz and Krystal on the side :)

VOTE || COMMENT || LIKE || BE A FAN

================================

CHAPTER 7: First Date

*The next day*

Nandito ako ngayon sa library at hinihintay si Xyriz na dumating. Usapan kasi namin, sabay kami maglalunch. Maaga kasi kaming dinismiss ngayon tapos wala na din akong sunod pa na klase kasi wala daw kaming prof.

Nilalaro ko yung phone ko habang hinihintay yung reply niy. Pinapaikot ikot ko sa kamay ko. Nagulat ako kasi may biglang bumangga sakin at nahulog yung phone ko.

"Aaaah!"

May nakasalo ng phone ko at pagtingin ko kung sino, nagulat ako kaya napaatras ako at muntik na matumba yung upuan. Buti na lang at napigilan niya. Sobrang lapit ng mukha niya sakin kanina tapos nakasmile pa siya. Umupo din naman siya kaagad sa tabi ko.

"Phone mo oh" sabay abot niya sakin at kinuha ko din kaagad.

"Thanks"

"Sorry babe"

"For what?"

"Binangga kita pero sinasadya ko tlga yun"

"ANG--" bigla niyang tinakpan yung bibig ko

"Ssh. Nasa library tayo"

"Ang sama mo *roll eyes* bahala ka nga dyan"

Kinuha ko yung gamit ko saka ko lumabas sa library. Sinundan niya naman ako kaagad.

"Sorry na"

"Bakit kasi kailangan mo pa ako gulatin?"

"Hindi ko kasi alam kung paano kita kakausapin kaya ganun. Sorry na. Hindi ko na uulitin"

"Sige na nga"

Hinawakan niya yung kamay ko at saka kami umalis sa school at habang naglalakad kami, nakasalubong namin si Vuhren.

Wattpad Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon