[ 1 ] Wattpad

4.9K 134 11
                                    

CHAPTER 1: Wattpad

"Te, gawa tayo ng story sa wattpad!" pagyayaya ko

"Hindi ako marunong!" sagot ni Raine, classmate ko

"Sige na! Gusto ko kasi maexperience yung feeling na character ka tapos madami kumakausap sayo. Gawa tayo ng story tapos tayo magoperate. Dali na! Please!"

"Sige na nga"

Yes! Napapayag ko din siya ^.^ Ako nga pala si Krystal Sy. 16 years old pa lang ako at first year college student sa isang sikat na university dito sa Pinas. Kung idedescribe ko sarili ko, hindi ako pangit pero hindi din ako maganda. Medyo lang pero hindi ako pansinin. Salamat na lang dahil maputi ako at may lahi akong intsik kaya nagmukha akong cute. Yung kausap ko, si Raine Bautista. Blockmate ko siya.

Bakit ko gustong gumawa ng story? Simple. Gusto ko lang maexperience yung feeling na maging operator ng isang character account. Nakakainggit kasi kapag nakikita ko yung facebook ng characters tapos madaming kumakausap sa kanila. Inggitera kasi ako! Hahaha. Hindi naman siguro pwede na kausapin ko yung author tapos sabihin ko na gawin niya akong handler ng character account. Nakakahiya >.<

****

Uwian na namin. Nandito kami ngayon sa labas ng building ng school.

"Raine! Gagawa talaga ako! Ikaw maghahandle ng character account ng isa sa mga gagawin kong characters ah? Ipopost ko na mamaya sa wattpad yung story. Sana madaming magbasa"

"Sige te. Gagawa din ako. Uwi na ako ah? Layo pa ng inuuwian ko. Sige bye Krystal!"

"Bye!"

Nagmadali ako na umuwi. Buti lang talaga at hanggang 3 lang yung pasok ko. Madami pa akong oras. Magiisip pa ako ng plot ng story tapos pangalan ng characters at kung sino yung gagamitin kong mukha para sa characters.

Pagkauwi ko, nagonline ako kaagad at gumawa ng account sa wattpad. Gumawa ako ng pen name na hindi ko kapangalan. Ayoko kasi na mahanap ako ng mga kaibigan ko. Nakakahiya. Isa pa, for fun lang naman gagawin ko para lang maexperience ko yung pagiging character.

Prologue? Paano ba gumawa nun? -___- Ang daya naman! Hindi ako marunong. Ang dami daming ideas na pumapasok sa utak ko pero hindi ko maitype. Akala ko naman madali lang basta alam mo yung gusto mo mangyari.

Nakaisip ako ng title. 'Game of Love' yung naisip kong title ng story. Hm, ano ba gagawin ko sa story? Pinaglalaruan yung feelings ng babae? Yun na nga lang! Naghanap na din ako ng mga gaganap at ipapangalan ko sa characters at saka ako nagtype ng prologue pero hindi ko muna pinost. Syempre yung pinili kong gaganap, yung mga maganda at gwapo! Hahaha. Ang hirap naman pala gumawa ng story >.< Madali lang magbasa pero mahirap gumawa.

Gumawa na din ako ng facebook account na yung pangalan ko, yung pen name ko din sa wattpad at nagadd ako ng kung sino sino na mukhang mga characters din. Naghanap din ako ng mga online na lalaki at babae at kinausap ko sila na magoperate ng account. Yung iba pumayag tapos yung iba naman, hindi -___-

*The next day*

"Krystal, wala ka namang pinost na story e. Gumawa na din ako ng story ko sabay na natin ipost mamaya" -Raine

"Sure! Sige na nga, ipopost ko na"

***

Pagdating ko ng bahay, pinost ko na yung story at gumawa na din ako ng mga character accounts at pinahandle ko sa mga nakausap ko kahapon na pumayag magoperate. Ui online si Raine. Makausap nga :)

"Raine!"

"Nabasa ko na yung prologue mo! Hahaha! Oo nga pala, handle ko na yung isang account ha? Naopen ko na tapos nagadd na din ako ng friends"

"Ako din"

"Ui online sina Spencer at Axel"

Si Spencer at Axel yung ilan sa mga characters sa story na ginawa ko. Gumawa ako ng secret group para sa mga characters at nagpost dun.

Krystal: guys! Post niyo yung real picture niyo dito dali! Gusto ko kayo makita :) eto nga pala ako.

Nagpost ako ng real picture ko at hindi nagtagal, nagpost din si Raine. Nagcomment din naman yung iba na magpopost sila ng pictures nila mamaya. Sana gwapo sila *O*

====================================================

Picture ni Krystal sa side. :)

Guys, hindi po ito real life story. This is fiction po. I used my first story (Game of love) as a basis lang tutal akin naman yun. Para na din madali :) Inuulit ko, FICTION. Hindi to nangyari sa totoong buhay.

Hanggang dyan muna chapter 1 :) vote kapag nagustuhan. Comment nalang mga reactions/ suggestions for the story. Maiksi lang din po pala to. Mga 30 chapters lang sguro :)

Pasensya na pala. Napapangitan ako sa chapter 1. Nangangapa pa ako ee. Hirap tlga magstart ng new story. Gaganda din to pag tmagal :)

-Aine.

Wattpad Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon