- Chapter 16 : The man I met years ago was my 1st love -

1.2K 22 0
                                    

"Wala ba ditong chicks?" he said looking around.

The jokes on him wala siyang mapapala kakalingon niya dahil wala talagang mga babae dito. Asa pa siya no. Sinadya ko talaga na sa restaurant ng friend ko na si Theo kami pumunta. Dito kasi, walang babae, puro lalaki lang. Nagtaka ka no? Theo's gay. Pero siya yung gay na hindi mo mahahalata na gay. Ang gwapo kasi niya atsaka lalaking lalaki mag salita pati manamit. Nung first na nagkakilala kami ni Theo, nabiktima ako ng kagwapuhan niya. Akala ko kasi lalaki siya so I  flirted with him. Tinawag niya pa ako na 'babe' sa husky voice niya at tinawag pa ako na maganda ,so kinilig naman ako. Tapos biglang sinabi niya na di niya ako type dahil bakla siya. At first akala ko nag jojoke lang siya, pero hindi pala. Ugh, tapos the rest was history. Kaya naman nung namatay yung father at mother niya , at his very young age , siya ang nagmana ng restaurant nila. I'm amazed on how he divides his time on school and his bussiness. He's also popular in their university. Sayang nga di kami maka school.

His restaurant  is strictly for boys only. Ang gwa-gwapo din ng mga empleyado niya basta lahat gwapo . Pati costumers strictly boys lang dapat. Sympre dahil kaibigan ko siya, exempted ako. First time ko pumunta dito. Actually dati pa niya ako iniinvite dito sa restaurant niya pero lagi akong busy.

"Hi, ma'am what's your order?" tanong sakin ng gwapong waiter sabay wink niya saakin. Taray talaga si Theo, pati ba waiter kalevel ni Adam Levine? Ugh.

Sinabi ko yung order ko at ngumiti naman yung waiter. "Ano pong name nila?" he asked me.

"Uhm, Alice." I smiled.

"Ba't ka ba tanong ng tanong." sabat ni Danger sa waiter. "Trip mo ba 'tong girlfriend ko? Gusto mo bang mamatay ng wala sa oras?" He said at tinignan niya ito ng masama. Kaya naman nag sorry yung waiter at umalis na.

"Hoy, bakit ba ang sungit mo dun sa waiter. Para kang ewan , he was just being nice. Naging nice lang , trip na agad? Yang utak mo nga." inis na sabi ko.

"I'm a guy. Alam ko kung pano tumingin ang lalaki. His case, hinuhubaran ka na niya."

"Ang manyak mo talaga." binato ko siya ng tissue. "Pati simpleng pagtingin napaka bastos ng meaning sayo."

"Just stating a fact." He shrugged.

"Pano ka ba nagustuhan ni Bella. I just can't find kung anong nagustuhan niya sayo." I shook my head.

"Hindi ko rin alam." he shrugged. "Ewan ko nga bakit ako napagtiisan ng kapatid mo, e ang gago ko." he said.  Napabuntong hininga nalang ako. "Sa tingin mo? Anong nagustuhan niya saakin?"

Ano nga ba? Hindi ko rin alam. Looking at him, he's not that bad. When I'm with him everything just feels so good. Ang  ironic kasi, lagi naman akong naiinis sakanya pag kasama ko siya pero ang sarap sa pakiramdam but at the same time I feel like I'm being deprived of something. Ang weird lang kasi parang nasasanay na ako sa presence niya ,kaya pag once na  hindi ko siya nakita sa campus, hinahanap hanap ko siya. Reflex na siguro yun.  Kainis nga e.

"Ewan ko  dun." I said. "Siguro minanyak mo. Ganyan ka naman e."

He laughed.

Isa pa yan. Pag minsan mag isa ko sa bahay nag hahallucinate ako na naririnig ko yung tawa niya out of no where. Ganon na ba ako kasanay na lagi siyang kasama at pati tawa niya naririnig ko kung saan saan. I should stop this non sense.

Dumating na yung order at nagsimula na kaming kumain. Nakita ko siyang patingin tingin sa paligid.

"Bakit ba ganito dito. Puro lalaki nakapalibot dito. Kaasar."

The Sneaky Plan (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon