- Chapter 32 : Choke -

1K 19 0
                                    

Nagising ko sa pag vibrate ng phone ko.

From Drake...

Sunduhin kita? Bilisan mo. Ang kupad e.

Agad ko namang tinignan ang oras, 7:30 palang. Ugh! Drake!

Ang aga aga parang ang sarap manapak ng tao e. Hay nako. I rolled my eyes and shook my head. Napaparanoid nanaman siya.

To Drake...

Drake!! 7:30 palang! Sira ulo ka. Get lost. I hate you!


Nahiga uli ako. Ipinikit ko ang mga mata ko at agad uli tumunog ang phone ko. Uhh! Kainis naman, gusto ko pa matulog Drake for pete's sake!


From Drake....

Hahaha. I love you too.


I shook my head. Sira ulo talaga. Bumaba ako to have some breakfast. I saw Bella on the table eating like a pig. She's been like this lately. Oo nga pala kasi, she's pregnant. Naramdaman ko nanaman yung pagkirot ng puso ko. Ugh.

"Alice, kain." she said. "Join me, wala sila dad and mom.. umalis kaninang madaling araw. They have some business  going on , in korea daw."

"Ahh." I said and nodded. Gusto ko sanang sabihing 'well that answers the question, I didn't ask' pero since buntis siya, I'm trying not to be rude as possible.

"Kain tayo." she said.

"Sige, ikaw nalang." I said.

"Busog ka? Sayang naman 'tong mga foods." I saw her pouted. "Grabe feel ko, naglilihi na ako. Kain ako ng kain ng pancakes at waffles. Sabi ko nga kay Danger, ibili ako ngayon non." she laughed.

"Ahh." sabi ko sabay deretso sa fridge. Kumuha nalang ako ng milk. Lagi bang ganito ang scenario na magaganap araw-araw? Parang di ko ata kakayanin.


Pagkalabas ko ng bahay, gulat na gulat ako dahil andon na si Drake na nag -aantay.

"Drake?" I said.

"Ang tagal mo." he said at hinila na ako palabas.

"Bakit sinabi ko bang hintayin mo ako? I told you, okay lang ako." I said. I lied actually kasi naman paranoid kasi 'tong lalaking 'to. Akala niya magpapakamatay ako dahil nasa isang bahay kami ni Bella nakatira ngayon. Kulang nalang kasi makitulog na siya sa bahay namin para i-secure kung  okay lang ako at kung pinapaiyak daw ba ako ni Bella. Parang sira lang e, but I know all he wanted is to make me happy.

We walked  since walking distance lang naman  talaga yung bahay nila mom and dad  mula sa school.  Hindi kami naguusap ni Drake habang naglalakad. Marami padin kasi akong iniisip. Halo halo na.

"Ugh, it's really bothering me. Are you sure you're really okay?" he said breaking the silence. Ganon talaga siguro no? Kahit ilang beses ko nang sinasabi sakanya na okay lang ako , alam niya parin ang totoo. Alam niya parin na hindi ako okay. Ganon na ba ako ka transparent? Kaya siguro ganito siya, hindi siya makampante. Lagi akong tinatanong kung okay lang ako. I feel bad for him, imbis magpakasaya siya sa mga babae niya, nag wawaste siya ng time saakin. Naiinis na rin ako sa sarili ko. Bakit ba ang gulo gulo ng buhay ko.

"I know you're not okay." he said . I looked at him and he was serious. Ibinalik ko ang tingin sa daan. He's too good. Bakit ba hindi nalang siya? Siya naman talaga ang gusto ko in the first place pero parang mali lang talaga yung timing.

"Bakit mo sinasayang oras mo sakin?" I asked. I don't know where it came from but it just spilled right from my mouth.

"Because it's worth it." he said. Gustong gusto kong sabunutan yung sarili ko, bakit ba hindi nalang siya?! Why is it that timing's a bitch! Ilang beses na rin sinasabi saakin ni Drake na, gusto niya ako but why is it that I can't do the same. He always know how to make me feel precious and yet here I am not returning back the same feelings he's giving me.

"Pero, s-si Drake ka. You should be having fun pero look at you, you're here and I'm making your life miserable. " I said feeling bad. Talaga naman diba? Nadadamay lang siya sa mga nangyayari. Hindi ko sanay na nakikita si Drake na seryoso. It seems off.

Siguro nga talaga ako lang pang-gulo dito. See? Everything are fixed. Ako lang talaga ang gumugulo. Maybe mom was right. Maybe I should go to LA and start a new life. Maybe everything will be fine here. Wala na ako e.




Oo.

Tama.



"Stop talking non-sense. Hindi ka pa siguro kumain no." he said and hinila niya ako sa isang pagkainan.


"Wait.." I said. Tumigil siya sa paghihila saakin. "May sasabihin ako.."


"Mamaya na. Kain muna tayo. Para naman maalis ang negative na mga naiisip mo. " he smiled at hinila ako paloob.

Sira talaga.

He ordered lots of food. May curry rice, may ramen , may ice cream. Seryoso ba siya? For breakfast 'to?







We started eating. Napatingin ako sakanya. Muntik na siyang mabulunan kasi naman hindi ata ngininguya yung pagkain. Gutom na gutom lang? I smiled at my thoughts. Narinig ko naman siyang umuubo kaya naman kumuha agad ako ng tubig at ipinainom sakanya.

"Hoy, nguyain mo naman kasi. Wala ka namang kaagaw e." I laughed. Grabe makita niyo lang mukha niya namamaga. "Hahaha. Pano nalang kung umalis na ako, sinong magpapainom sayo ng tubig pag nabubulunan ka. Sira ka talaga. Nguyain mo nga. Hahaha." I said at tawa parin ako ng tawa.

Napatigil siya sa sinabi ko. Napatigil din ako sa pag tawa.

"Ano?" he said with confusion. I bit my lip. "Anong sabi mo?"


"Ah," I said. "Yun yung sasabihin ko dapat sa-"

"Aalis ka?"

The Sneaky Plan (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon