Ang sakit. Ang sakit sakit magmahal, ay joke ulo ko lang pla masakit.
Nico kasi eh. Spoiler, ang sarap sapakin. hehe joke 'wag, gwapo eh. :))))
AY ANO APELYIDO NIYA?
'di ko nakita huhu. di ko massearch sa fb HAHA.
Hay salamat, friday na ngayon.
Isa lang ang ibig sabihin neto... sabado na bukas! duh ano ba -.-
Walang pasok bukas. Di ko makikita si Azrael at si Bea yaaaass!
'Di naman ako galit, masakit lang talagang nakakakita ng couples ish na sweet sa isa't isa.
Medyo bitter lang naman ako kasi uhhh... basta masakit.
"Good morning class! Surprise quiz today, get 1 wholesheet of paper, #1!"
TEST ??????????
Hindi ako nag-aral, malay ko bang may ganitong sorpresa dito.
Ay, may nakarinig.
"Ok lang iyan, susubukan kong pakopyahin ka."
Waw. Mukha ba akong ganung klaseng tao? Mas gusto ko pang bumagsak noh.
"Hindi na bali, papabagsak nalang ako. Quiz 1 palang naman eh. Babawi nalang ako sa susunod."
"Eh di 'wag."
Ay sorry, naoffend ko ba yung kind offer mo. Don't care :>
"#1, What is love? Explain your answer in not less than 2 paragraphs with at least 5 sentences each. Minus one for wrong grammar and wrong spelling."
HAHAHAHAHAHHAHA. sobrang nakakatawa yung tanong. DIBA MATH SUBJECT ITO.
Nagtawanan buong klase.
As a pabida student, Denise shouted, "ma'am seryoso ba iyan?"
"Ay hindi joke lang iyan. 'During practice, a softball pitcher throws a ball whose height can be modeled by the equation h = -16t 2 + 24t +1, where h = height in feet and t = time in seconds. How long does it take for the ball to reach a height of 6 feet?' yung totoong tanong. I'll give you 5 minutes to answer, time starts now."
Boom! nganga si Denise.
Pero ano ba talaga totoo na ba 'to hahahaha, d parin ako marunong eh.
Well, mas mabilis naman siguro 'to kumpara sa pagsagot kung ano ang pag-ibig.
Eh ngayon ko nga lang narinig yung salitang yun eh. Ano ba yun? Scientific term for pain?
"Pass your paper forward, 5 4 3 2 1, late papers will not be accepted."
Nagdidiscuss na mga tao kung ano sagot. Nakakatawa sila, sagot ko nga lang "God knows." eh, tapos box final answer daw. Okiiiiee.
"Dalawa sagot diba? 0.25 seconds tsaka 1.25 seconds?" tanong ni Bea.
"Yup." mabilis na sagot ni Azrael.
"Yay!" sabay ngiti nilang dalawa.
Eh di, wow. God knows parin. :p
"Azrael, kindly show your complete solution on the board."
Agad tumayo si Azrael at pumunta sa harap at sinulat ang kalokohang iyon. I mean, yung tamang sagot.
"Okay, your answer is right but there's no unit. -1 each. Sayang"
"WAAHAAAHHH ANO BA 'YAN SAYANG!!"
"Okay lang iyan, at least marunong ka naman, 'di kagaya nung nagsulat ng 2-word-phrase kasi hindi marunong."
Aba aba pinapatamaan ba ko nun?
Actually, tama din naman sagot ko ah, God knows everything naman po talaga. Magdasal ka nga, ma'am.
Nagturo na ng bagong lesson, jusmeyo, ano ba itong pinasok kong gulo.
BAKIT MAY DRAWING AT NUMERO SA BOARD.
Ano iyan, airplane?
"hahahahaha" sabay sabay na pag-tawa ng buong klase.
Anong nakakatawa???
"Athena, please, ibabalik ka namin sa grade 7. Cartesian Plane kasi." pagleleksyon ni.. sino ba yung epal na yun, d ko nga kilala eh.
"At graph kasi tawag diyan, hindi drawing." sabat ni Shaye, yung top 1 ng klase na magaling sa pagaaral at maging sa arts.
"Komedyante ka talaga, Athena. Hahaha!" pagpapalubag-loob ni Azrael.
hehehe thanks, but no thanks.
"Haha" sagot para lang masabi na sumagot ako.
"Hindi mo ba talaga alam or nagpapatawa ka lang?" tanong ni Bea.
"Alam ko naman, nakalimutan lang siguro 'saka malabo mata ko, akala ko eroplano nakasulat." pagpapaliwanag ko.
"Ahh haha, magsalamin ka na siguro."
"'Di na kailangan nun. Kakain nalang ako ng maraming carrots HAHA"
"Hahahaha! Tsaka kalabasa ha." pagdadagdag ni Azrael
Ok. corny na po. Bye.
"Haha oo yun din." sagot ko nang hindi ko siya ma-heardzoned.
"Pero kung hindi mo talaga magets or maalala yung lesson pwede naman kitang turuan eh, basta yung Filipino ah, uy, ayaw ko bumagsak doon."
"Diba sabi mo kakain tayo mamaya sa Shakey's, Az?" pahabol na sabi ni Bea bago pa man ako makasagot.
"Ay oo nga pla, sorry Athena, next time hehe"
Seen.
Ayoko nang sumagot, baka mamaya umabot pa sa NAIA yung usapan namin tapos may magselos at i-FO pa ako ni Bea.
No please, siya nalang ata ang tao sa paaralang ito, ay jk ibig kong sabihin na matinong tao.
K.
Whatever.
BINABASA MO ANG
143 Ways ❤
Teen FictionCliche nga siguro 'yung transferee student, at naging close friend ang isa sa heartthrob ng school, pero kung ang bestfriend mo ang involved sa love story na dapat sa'yo, paano na?