Grabe , hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa mga nangyari kahapon..
Balisa ako nang dumating sa klase, bangag pa. San ka pa.
Tapos bigla akong nagising nang may sumigaw ng apelyido ko.
"Ferrer! We need to talk!" sigaw ng isang stranger na ang asim ng mukha kaaga-aga.
Inilapag ko muna ang aking bag sa upuan ko.. Sumunod yung hndi pa nagpapakilalang stranger..
"Bakit magkasama kayo ni Azrael kahapon?!!"
"Uhmm... Nagpatu---"
"Hindi iyon ang nakita ng aking mga mata."
"Eh bakit ka pa nagtanong?? Nagpaturo lang ako ng science. "
"Eh bakit kailangan niya pang punasan ang labi mo habang kumakain kayo?!"
"May chocolate daw kasi... Sabi ko nga ako na eh, pero ipinagpatuloy niya pa rin.."
"Wala akong pakealam sa paliwanag mo! Malinaw na sa akin ang mga nakita ko kahapon! KAYO BA NI AZRAEL?!"
Wow agad agad? Ilang araw pa lang ng klase, jowa agad?? Yan ang hirap sa mga tao ngayon eh, kung ano ang nakita, yun na yun, di ba pwedeng magtanong muna, manigurado muna? Pag nagpaliwanag ka naman, sasabihin nagsisinungaling ka. Like ugghhh. Kainisss.
"Hindiii, magkaibigan lang kami. Kung ano man ang nakita mo kahapon, balewala lang iyon. At nag-group study lang kami, walang ibang kahulugan."
"Mabuti at malinaw ang usapan.. Pero sa oras na mapagalaman kong may namamagitan sa inyo ni Azrael, hinding-hindi kita mapapatawad."
Tumango na lang ako upang lumisan siya sa pwesto ko.
Pagdating ni poging stranger sa klase...
Sumigaw si stranger #2.. Juice ko, 'di ako nainform na palengke pala 'tong school. -_-
"Hi Azrael! Good morning!"
"Uhh morning din"
Umupo si Azrael sa tabi ko at nagsalita..
"Ui Athena, Mamaya uli ah! Same time and place" kasabay ng nakakatunaw niyang killer smile.
"Ahh sige."
Narinig ni stranger #2 at sumabat sa usapan.
"Psst Azrael, ano iyon? Maaari ko bang malaman?"
CHISMOSA DETECTED! :O
"Ahh wala, group study lang."
"Wow! Pwedeng sumama? Kailangan ko palang magpaturo ng science."
"Ahh ano kasi Jamie eh... Uhh.. Tanong mo si Athena kung ok lang ba."
"Athena, ok lang ba makisali sa "group study" niyo?"
As if may choice naman ako. Eh kung sabihin kong hindi, edi gumawa 'to ng skandalo.
"Oo naman, bakit naman hindi."
"Yayy! Salamat! Saan nga pala at anong oras?"
"Sa lobby after class" mabilis kong sinagot ang tanong niya.
"Ge. Makakarating."
Nagbell na at dumating ang guro..
Social.
"Magandang umaga. Ako si Ms. Sanchez, social studies teacher" "Sige maupo na kayo."
"Magkakakilala naman kayong lahat diba?"
"Ma'am, may new student po kami." sabi ng isang stranger.
"Ahh ganon ba, sige, siguraduhin niyong magkakakilala na kayo bago matapos ang period na 'to ah."
"Opo ma'am!" sagot ng karamihan.
Isa-isa akong dinagsa ng mga kaklase ko..
Tumalikod 'yung kaharap kong babae na 'di ko napansing nag-eexist pala. At ang ganda niya :/
"Ako nga pala si Beatrice Buenaventura."
TUNOG MAYAMAN ANG APELYIDO.NITO AH. Pero wow, hindi nag-english! Yesss.
"Hi Beatrice"
Tapos ngumiti siya, 'yng ngiting walang halong kaplastikan.
Pinagawa kami ng collage ng mga pangalan ng mga magkaka-column... Kaharap ko si Beatrice.. Humarap siya sa akin at nagsalita..
"Athena, gawa tayo mamaya after class, may gagawin ka ba?"
YESSS. DI TALAGA SIYA ENGLISHERA!!! HAHA
Hala, pano na yung free tutor namin.ni Azrael mamaya?
Tumingin ako kay Azrael.. Nakatingin na siya sa akin nang tumingin ako sa kanya.. Narinig niya ata ang usapan namin ni Beatrice..
Tinanguan niya ako.
Humarap uli ako kay Beatrice..
"Wala naman.. Sige.. Saan?"
"Sa library, sinabihan ko na ang iba nating kagrupo pero mukhang wala naman silang pake, kaya tayo na labg kaysa manggulo lang sila habang gumagawa tayo."
----
Lumabas ako agad ng klase.
Sinundan ako ni Beatrice at sinabayan na maglakad papuntang library..
"Athena! Pwede ba kitang maging best friend?"
Hala? Ano daw? Toot-toot-toot. Wrong number ata.
"Ha? Oo naman. Pero bakit naman ako? :O"
"Kasi ikaw lang ang hindi maarte eh.. 'Saka feeling ko magkakasundo tayo."
"Sa tingin ko rin, hehe."
"O, tara, at dahil magbestfriends na tayo.. TARA! CANTEEN!"
"Pero wala naman akong pera eh.." pagpapaliwanag ko. Tsaka may baon ako.."
"Tssk! Ano ka ba, best friend kota kaya libre ko na! Akong taya!"
"Nako wag na nakakahiya naman." pagmamatigas ko.
"Sus! Walang hiya-hiya... TARA! Gutom na 'ko!" sabay hila. Eh ano pang magagawa ko?
Kumain kami ng siomai at kanin bago dumirecho ng library.. Aaahhh! Ang sarap ng libreee! :)))
Umakyat na kami papunta sa Lib.. Dumaan kami kung saan ko nakabangga si poging stranger.. at bigla akong napangiti.. Na-weirdohan sa akin si Beatrice at nagtatakang nagtanong..
Huy! Bakit ka nakangiti?
Nasobrahan ba sa toyo at chili sauce yang pagkain mo?"
"Hahaha! Hindi, may naalala lang ako..."
"Luhhh ano yaaan?"
"Wala haha, naalala ko lang nung unang araw ng klase, may nakabangga akong poging stranger dito.."
HALA KA. Bakit mo naidulas ang codename ni Azrael!!! Athena Jane Ferrer, meron kang isang malaking bunganga! Ang ingay ingay mo. Pero bahala na, best friend ko naman si Beatrice eh
"Yiieee! At sino naman yun? Share share rin."
"Wala, wala, nevermind! Bilisan na natin, sayang oras.."
"Sige naaaa!!" pangungulit ni Beatrice na may halong pambobola "Best friend mo ko dba, walabg sikre-sekreto"
Hindi nagtagal ay nakumbinsi niya ako. Ang bilis ko palang mabola.
"Sige na nga! Si Azrael si poging stranger, na-crush at first sight ako sa kanya nang makabanggaan ko siya sa lobby nung unang araw ng klase.." pagpapaliwanag ko. "Shhh! Satin satin lang ah!" dagdag ko pa.
"Oo naman! Kunwari wala tayong napagusapan ngayon"
BINABASA MO ANG
143 Ways ❤
Teen FictionCliche nga siguro 'yung transferee student, at naging close friend ang isa sa heartthrob ng school, pero kung ang bestfriend mo ang involved sa love story na dapat sa'yo, paano na?