Chapter 8 - Flashbacks

168 2 0
                                    

"Athena.. pwede ba kita makausap?"

SORRY HINDI. Pero s'yempre pwede ko bang sabihin 'yun? Well, actually pwede nga, pero gusto ko ring malaman anong sasabihin niya. 

"Ano yun, Bea?"

"Nanuod kami ng sine.."

"So anong kinalaman ko?" with matching poker face.

"Kasi.. kasi.."

Biglang tumakbo papuntang CR si Bea. Parang nang-inis lang siya, tapos umalis agad kasi 'di niya mapigilan tumawa. Nakakapunyeta. 

S'yempre buong araw na akong BV. Alam ko naman sa sarili ko na naging mabait ako sa kanya. OA nga siguro. Pero ganito ba talaga turing ng lahat 'pag transferee? Na parang wala akong karapatan sa kahit ano? Kahit crush lang? Kaya pinili ko na lang mag-isa, pinili ko na lang na walang kaibigang makakasama 'pag lunch, recess, o kahit uwian. It's better this way, I don't need to deal with everyone else's bullshit. Pagod na ako.

== FLASH BACK ==

"Okay class, may activity tayo, 5 per group, sit in a circle together."

"Hi Athena, may group ka na ba?" tanong sa akin ni Denise.

"Wala pa nga eh.. pwede bang sumal--"

"'Puno na grupo namin, natanong ko lang.. hahahaha." 

Hindi lang siya 'yung tumawa, kundi halos buong klase.. nilapitan ko 'yung seatmate ko.

"Kevin, pwede ba akong sumali sa inyo?" 

"Uhm, kasi.. ano eh.. nireserve namin 'yung pang-limang member sa absent.. ayun."

-

"Excuse me, gagamit kasi ako ng locker ko." sabi ko sa mga nakaharang na mga babae.

Nilabas ko na ang susi ko n'ung napansin kong iba na 'yung padlock na nakalagay.. hindi akin.

"Excuse me Athena, bakit ka nandyan?"

"Uh kasi ano.. bubuksan ko kasi 'yung locker ko.. pero iba na 'yung lock.."

"Ay, sorry, locker mo ba 'yan? Nilipat kasi namin lahat ng laman at gamit mo malapit sa Faculty Room, tutal sipsip ka naman 'di ba?"

Wow, just great, Faculty Room, na nasa kabilang building, 3rd floor.

and there goes another in-chorus laughter, na para bang kahit hindi sila magkapareho ng group of friends, nagkakasundo silang lahat para pagkaisahan ako..

== END OF FLASH BACK ==

N'ung nalaman kong ita-transfer na ulit ako ng school dahil sa trabaho ng tatay ko, laking tuwa ko kasi alam ko I can start over again. Pero 'yun pala, pare-pareho lang ang tingin ng lahat sa transferee. Hindi ko na napigilan sarili kong maiyak. Parang pinagdadamutan ako ng kakayahang makibagay, makisalamuha at makausap ang kahit sino nang normal. 

Mas masaya mapag-isa. Dahil in the end, sarili mo lang talaga ang kakampi mo.

"Miss, panyo oh." 

Isang lalaking 'di ko kilala nag-abot ng panyo sa akin. Kinuha ko for courtesy. Matangkad siya, taas-taas 'yung buhok, mukhang gwapo kahit may maliit na peklat sa pisngi niya, nakatingin siya sa malayo habang inaabot 'yung panyo sa akin. Pagkuha ko ng panyo, naglakad na siya papalayo. Kung 'di lang ako sobrang lugmok sa pagfa-flashback ng memories, siguro may love story na nabuo run, parang sa mga telenobela..

Tumunog na ang bell at bumalik na ako sa room. Wala si Bea at Azrael. Wala na akong pakealam.

After 5 minutes, bigla sila pumasok ni Bea.. and to think, si Bea galing CR.. it means..

"Athena Ferrer, answer number 2 on the board."

"x=14 'yung sagot." bulong ni Azrael.

Hindi ko siya kinibo. Alam ko magmamali sagot ko, pero okay lang, atleast hindi ko kinailangan ng tulong niya.

Dear Diary,

Mula ngayon, mag-aaral na lang ako ng mabuti. Screw crushes.

143 Ways ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon