Siguro, sobrang nag-expect lang ako sa closeness namin ni Azrael. Alam ko 'di naman 'yun kasalanan ni Bea, pero masakit pa rin talaga. Bakit ko pa kasi siya nakabangga, bakit ko pa siya naging kaklase, bakit ko pa siya naging kaibigan, bakit ko pa siya nagustuhan? :<
12am na, at 'eto ako, nagmumukmok. Sino ba naman kasi mag-eexpect na gan'un ang mangyayari. Scroll scroll lang sa Facebook habang tina-try kong hindi isipin.. Kaso..
-----------------------------------------------------------------------------------------------------
| Friend Requests |
| Azrael San Sebastian (2 mutual friends) Confirm Not now |
-----------------------------------------------------------------------------------------------------
Confirm.
Hindi ko alam ung dapat pa ba akong matuwang in-add niya ako o hindi.
Azrael messaged you on Facebook.
Azrael: Ang tagal kita hinanap ah!
Athena: O, bakit?
Azrael: Bakit kasi Athena Jane 'yung pangalan mo sa FB? Wala man lang Ferrer.
Athena: Baka 'yun po 'yung pangalan ko, koya.
Azrael: Malay ko ba may second name ka.
Athena: Sorry kung 'di kita nainform a. -.-
Azrael: Ang sungit mo naman ngayon.
Athena: Sinong masungit? -_-
Azrael: Ikaw. sorry 'di ako nakapunta kahapon.. medyo.. uh.. nahiya lang ako sa inamin ko..
Athena: Okay lang, maganda nga naman si Bea..
Azrael is typing..
Hinintay ko yung tina-type niya for a while, pero I guess, hindi na niya nagawang ituloy. Sorry if I was expecting him to say "Mas maganda ka.. 'saka ikaw naman talaga gusto ko.. nabigla lang ako." Pero wala, hindi mangyayari 'yun, kaya natulog na lang ako.
---
Sabado pala bukas, I mean, mamaya.. Nagyaya manuod ng Frozen si Bea, at dahil gusto ko rin mapanuod 'yun, s'yempre sumama ako.
Isang large popcorn at Iced Tea. Okay na 'to.
Habang pinapalabas ang mga movie trailers habang wala pa 'yung viewing time, nagkakwetuhan kami ni Bea, guess sino ang topic.
"Bes, hindi ko alam kung dahil sinabi lang niya na gusto niya ako ha.. pero.. parang gusto ko rin siya.."
At s'yempre, hindi talaga makukumpleto ang linggo mo 'pag wala pang dumagdag sa nararamdaman mong kirot sa puso. Pero ano nga ba magagawa ko?
"Edi good.."
Pero ang totoo iba ang gusto kong sabihin.. "Sana ako na lang.."
Ayaw kong pagsimulan ng away namin ni Bea 'yung love love na 'yan, dahil 'di naman talaga ako naniniwala doon. Pero totoo pala 'yung sinasabi nilang 'pag nandyan iba na.
"Sorry.. Athena.."
"Para saan?"
"Para sa kung ano mang pwede mangyari.. para sa nararamdaman ko.."
Ngumiti nalang ako at napatingin papalayo..
--
"Okay class, maghanap kayo ng partner ninyo. Ang PE natin ay sayaw to b specific, Waltz."
A week after lang nagstart ang PE classes namin, every Tuesday, 5pm.
'Di ko naman pwede ipagpilitan sarili ko kay Azrael para maging partner niya, kaya napunta ako sa isa naming kaklaseng 'di ko naman talaga ka-close, si Gian.
"Okay.. 1, 2, 3.. 1, 2, 3.."
Siguro kung mahina ako sa mga subjects, sa pagsayaw siguro ako magaling, dahil bata pa lang ako ay hilig ko na siyang gawin. Kaya 'di ako masyado nahirapan na alalayan yung partner kong parehong kaliwa ang paa.
---
Nagpunta ako sa locker para kunin 'yung book ko sa Filipino, biglang lumapit sa akin 'yung isang taong ayaw ko sanang makausap.. si Azrael.
"Athena.. pwede bang tulungan mo ko sa Waltz? Medyo uhh.. 'di ako mahilig sumayaw."
"Oh, asan si Bea?"
"Uhm, Busy daw kasi siya.. eh natatakot ako bumaba grades ko at matanggal 'yung scholarship ko dahil sa PE."
"Ah O sige.. mamaya.."
I just want to just get it over with dahil tinutulungan niya rin ako dati. Pero maling desisyon yata 'yun..
"Oh game na, Azrael."
Kaliwang kamay sa baiwang, kanang kamay.. sa kamay ko..
Mahirap pala 'yung ganito.
"Kamusta kayo ni Bea?"
"Ah.. okay lang.."
Pero kitang kita sa kanyang mga mata ang blangkong expression na 'di na ko nag-abalang tanungin para minsan maisara ko naman 'yung bibig kong dahilan kung bakit ako nasasaktan.
---
Dear Diary,
Bakit kailangan akong matorture ng ganito? Ang ginawa ko lang naman ay magkagusto. </3
BINABASA MO ANG
143 Ways ❤
أدب المراهقينCliche nga siguro 'yung transferee student, at naging close friend ang isa sa heartthrob ng school, pero kung ang bestfriend mo ang involved sa love story na dapat sa'yo, paano na?