Ilang linggo ko nang napapansin na mas lalo kaming nagiging close ni Azrael simula naging best friend ko si Bea. Bakit kaya?
Meron kaming spare times sa subject at naisip ng prof namin na magpa-"games". 3 per group. Edi yay. Magkakagrupo kami ni best friend at ni poging stranger, Azrael. Kailangan namin mag-TRUTH or TRUTH. Ibig sabihin, kahit baliktarin ang mundo, magsasabi ka ng totoo (pwera kung may lahing sinungaling ka). Ang hirap naman jusme. Kailangan daw namin ng ganitong laro para daw mas magkakilala ang isa't-isa. Ano ba naman 'to. Naghahanap ata ng gulo 'tong teacher namin eh.
Pagkaikot ng ballpen, tumapat kay Azrael! Tapos ako nagtanong. Nabigla ako sa lumabas sa bibig ko. Hindi rin ako makapaniwala. Sabi ko ba naman "Sino crush mo? Be honest please"
Sige. Ang daldal mo, Athena, panindigan mo yan ah. Baka masaktan ka lang niyan, nako, wag kang mag-eemo pagtapos ng aminan.
Napanganga si Bea, at napa-"uhmmm" naman si Azrael. Hndi niya alam ang isasagot. Pero sigurado akong meron yan. MERON.
Hindi ko alam kung binabangungot ako o ano eh, nang marinig ko ang hndi ko inaasahang kasagutan ni Azrael.
"Si Bea.. Si Bea ang g-gusto ko." Habang palipat-lipat ng tingin sa amin ni Megan. "Athena, meron akong gusto sa taong itinuturing mong pinakamatalik na kaibigan."
Nabigla kami ni Bea, pero ako, to the maximum level of shock. Mas lalo akong nabigla, syempre, sino ba naman hndi mangangamote at hindi makakahinga ng panandalian kung ang taong gusto mo ay may gusto sa best friend mo.
Athena, gising na please. Isa lamang itong masamang panaginip. Binabangungot ka na.
Nakatulala ako dulot ng napakalakas na ingay ng katahimikan sa pagitan naming tatlo. Hindi namin alam ang susunod na sasabihin o gagawin.
Biglang tumayo si Bea at lumapit sa guro, "Ms. Sanchez, may I go out?"
"Sure."
Bago lumabas ng klase si Bea, kinausap niya pa ako. "Sumunod ka, please."
Hndi naman ako makatanggi kasi best friend ko siya at parang meron siyang kailangang sabihin PRIVATELY sa CR pa talaga.
Ilang saglit ay nagpaalam na din ako. "Ma'am, may I go to the washroom?"
Akala ko hndi siya papayag kasi kalalabas lang ni Megan, pero buti pumayag! "Yes you may."
Napansin kong nakatulala't nalulungot si Azrael nang tingnan ko siya bago ako lumisab at pumunta ng CR.
Aww. Athena kasi, yung tanong mo. Ang ewan lang talaga. Kailan ba mananahimik yang bibig mo?
Pagkarating ko sa CR, nandun si Megan nakaharap sa salamin. Nang makita niya ko, "Athena, sorry kasi ----" Bago niya pa ituloy ay pinigilan ko na siya kasi alam ko naman na anong sasabihin niya.
"O-Ok lang yun. Hindi mo naman kasalanan eh"
"Pero ---"
"Tsssk! Ok nga lang ako."
"P-pero ---"
"Isa pang pero magagalit na ako"
"Uhm.. tignan mo Athena, mas maganda ka sa akin pero bakit ---"
Napalakas na ang boses ko kaso ang kulit ng lahi ng nilalang na 'to eh.
"BEA. SABI KO OK LANG AKO DIBA"
"S-sorry.."
"Tara bumalik na tayo sa klase at baka makahalata na si ma'am"
"Sige.."
Pagkabalik namin sa klase. Ni hndi manlang makatingin sa amin sa mata si Azrael. Hiyang hiya na siguro siya.. Athena, kasalanan mo naman kung bakit nagaalala para sa'yo si Megan at nagmumukmok ngayon ang puso mo eh.
Ilang minuto na lang ay nagbell na..
UWIAN NA.
May group study dapat kami ni Azrael, pero hndi siya sumipot. Kung hindi ba naman bastos na nilalang eh no?
Umuwi na lang ako at habang naglalakad ay nagsisisi pa rin ako sa tinanong ko kay Azrael.
Pero, sino nga ba ako?
---
Dear diary,
BAKIT???
BINABASA MO ANG
143 Ways ❤
Novela JuvenilCliche nga siguro 'yung transferee student, at naging close friend ang isa sa heartthrob ng school, pero kung ang bestfriend mo ang involved sa love story na dapat sa'yo, paano na?