Kinabukasan sa klase kasama ng mga strangers..
Nagpakilala ang teacher namin sa Science.. Ms. Gutierrez.. at nagsimulang magturo ng nakaka-Diarrhea na chemistry.. -.-"
Amp ano 'tong mga bwisit na letrang may katumbas na mga numero?!?! Ano ba 'tong inaaral ko? Parang mangkukulam kami eh. -.-
Kunot na ang noo ko habang nagtuturo ng nakakaantok ang guro.. "Aaahhh! Nakakaantok pala mangkulam!" pabulong kong sinabi sa sarili..
Sa pagbulong ko pala nun sa sarili ko'y narinig pala ni poging stranger! :O
Nako!! Nagdala ka nanaman ng kahihiyan sa sarili mo, Athena! Baka isipin ni Azrael napakabobo ko naman.
Ok bahala na. Nangyari na ang nangyari.
Nang marinig ni pogong stranger ang sinabi ko.. "Uhmmm.. Athena, gusto mo turuan kita ng lesson natin sa Science? Nag-advance study na kasi ako nung bakasyon eh. :)" nabilaukan pa ako nang sinabi niya yun.
"Talaga?"
"Oo nga :) after class gusto mo? Dun lang ako sa lobby hanggang 5:30 :)"
O, arte pa Athena? Wag kang ganyan, minsan lang yan sa buhay mo.
"Uhhmmm... Sigurado ka okay lang sa iyo?"
"Oo naman! Natutuwa kasi akong magturo eh, di ko alam bakit, basta masaya ako pag may natuturuan ako.. :)" "So ano? Mamaya after class? :)"
Wag nang pakipot Athena. Siya na nga nagyaya oh. :> Pero pano pag nandun yung nanunulak na Samantha?! -.- Please lang, wag naman sana. Imbis na matuto ako, baka makulam ko talaga yun sa ugali niya.
"Ahh sige, tignan ko :) Pupuntahan nalang kita kung wala akong gagawin.. :)"
"Sure, basta kung kailangan mo ng tulong, andito lang ako, wag kang magdalawang isip na humingi ng tulong."
Hala?!?! May ibang tao yata sa likod ko. Ako ba kausap niya? Talaga? Walang biro? Hindi ako.nananaginip? Pero paano kung 'yung pader pala yung kausap niya? Ako ba talaga?! :O
"Salamat! :)"
"Walang anu man! :)" nakangiting sinabi. "Wag ka mag-alala, wala dun yung nanunulak kung 'yun 'yung inaalala mo :D"
BOOM! TAGOS SA PUSO, TAGOS SA BUTO. SINAKSAK ANG DAMDAMIN. KAWAWA SIYA HAHA. Ooppss.
"Ahh buti naman, baka kasi magkatotoo yung sinabi ko kaninang parang nangungulam ang lesson natin eh."
"Hahaha! Oo nga. :) Ang galing, komedyante ka pala :) Gusto ko yan sa isang babae :D"
WHUUT? PAKI ULIT. DI KO NARECORD! DALI DALI, TAKE TWO!!
"Haha ahh.."
Ano Athena?? Wala ka na bang ibang magandang masasabi??
Pagkatapos ng Science.. Jusme, bakit naman Math pa ang sumunod?! Gusto ba talaga nilang matae kami ng buong araw sa hirap ng inaaral?!
"Good morning class, I'm Mr. Sarmiento. I'll be your math teacher, whether you like it or you like it."
Okay. Anong susunod na klase ng pangungulam ang ituturo samin?
Oh my gad. Stats. ok ok na natatae na talaga ako.
Biglang sumabat 'tong pogong stranger na 'to sa pag-iisipin kung may itatae pa ba ako sa mga susunod na mahirap na subject mamaya..
"Hmmm.. Nahihirapan ka din ba sa math? Pwede rin kitang turuan mamaya.. "
"Haha baka mamaya singilin mo ko.ng talent fee ah, wala akong pambayad."
BINABASA MO ANG
143 Ways ❤
Teen FictionCliche nga siguro 'yung transferee student, at naging close friend ang isa sa heartthrob ng school, pero kung ang bestfriend mo ang involved sa love story na dapat sa'yo, paano na?