Chapter 7 - Athena Bridge

173 2 0
                                    

"Ate, ate.. may nagpapabigay." tawag sa akin n'ung bata habang pauwi ako from school.

"Ha? Galing kanino?"

Isang bouquet ng puting rosas. Paborito.. ko. Tapos may maliit na card..

-Azrael.

ANO ITO? OMAYGASHOHGOLLYOHWHYWHATISTHIS.

HNGGGHHH. KINIKILIG AKO HAHAHAHA. OMG. HAHAHA. Ito na ba yoooonnn? Yung matagal ko nang gusto? <3 <3

Inamoy ko 'yung mga bulaklak at inimagine ulit lahat ng nangyari. Mga 10 times, repeat till fade. Sinulat sa diary ko, at nag-imagine ulit. 

ITO NA YUN. ITO NA TALAGA YUN.

Dear God, 

Kung bibigyan mo ako ng lalaki, sana, sana si Azrael na 'yun!

Pero kung hindi.. 

Ehhh.. siya na lang, please please please??

S'yempre tinext ko agad si Azrael.

"Thank you :D"

ANG TAGAL NIYA MAGREPLYYYYY. XDDDD Isa lang naman hinihintay kong sabihin niyaaaa.

Athena, Will you be my girlfriend... kdsjsalk'dgnjklhg. AHHH!! <3 <3

"You're welcome, salamat ha.."

"Saan?"

Sa walang sawang pagmamahal at nag-uumapaw na pag-ibig? Ahihihi. Kahit di mo alam, pero sana yan sabihin mo :>

"Sa paglalakad sa amin ni Beatrice, pasasalamat ko 'yan, kasi kung 'di tayo naging close, 'di rin kami magiging friends ni Bea :)"

Di ko na nagawang magreply, anong isasagot ko??

1. Ah.. hehe.. okay lang yun (kahit nakakapunyeta na yung sakit)

2. Walang anuman! Sana magng kayo :] (kahit nagsusumigaw yung puso kong sana ako na lang)

3. Ikaw pa! Kaya nga tayo magkaibigan eh :D (Kaibigan, LANG.)

Parang nagbukas yung impyerno at nagpadala ng maraming maliliit na demonyo para tusuk-tusukin 'yung puso ko, sobrang sakit pala 'yung nag-aassume ka ng mga bagay na IMPOSIBLE pala talaga. Alam ko naman crush lang 'yun. Pero 'yung sakit na sa best friend mo pa? <///3

Dear Diary, 

Kill me now please </3 Ayoko silang makita. TT___________________________________TT

Di ko kaya.. 

143 Ways ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon