One

323 9 0
                                        

Batman Ko!
forgottendaydreamer

••

The Encounter

Nasa daan pala ako ngayon, nagmamadali nang kumilos para umabot pa sa klase ko. Nagkanda pudpod na nga yung sapatos ko kakatakbo at kakalakad eh! Hindi naman ako nakasasakyan dahil wala kami nun. Di din ako namasahe, dagdag gastos pa! Eh walking distance lang naman.

Wait, ako nga pala si Mich Fajardo. 4th year high school student ako. Matalino, mabait, maganda? Wala yata yan sa bokabularyo ko. Wala rin naman talagang nagsasabi nyan sa akin kasi nerd ako. Palagi din akong binubully ng mga campus royalties kung tawagin. In short, yung mga mayayaman na nagfifeeling na leader ng mga estudyante dito sa school. Lalo na yung campus princess they called, kala mo kung sino pagnilalait ako. Maganda nga, panghalimaw naman ang ugali.

Okay, back to reality. Eto na, nasa tapat na ako ng room namin and thank god wala pa si ma'am! So pumunta na ako sa seat ko. Actually wala nga akong katabi eh! Ayaw daw kasi nila sa nerd. Edi sila na maarte. Porket mayayaman sila wala na akong karapatang maging kaibigan nila. Kung hindi lang talaga sayang ang scholarship na nakuha ko sa prestigious school na 'to hindi ko na aabalahing pumasok pa.

Ilang minutes pa at nandyan na si narin ang teacher namin sa Science. At as usual discussion na naman.

discuss..

discuss..

Then ayun! Tumunog narin ang bell. Sa wakas! Gutom narin kasi ako eh. Hindi na ako nakapagalmusal kanina sa bahay sa pagmamadali.

Umupo na ako sa seat ko sa canteen. Oo may sarili akong seat. Yung upuan na pang forever alone. Walang napunta o naupo dito kasi lahat sila may kanya kanyang mga tropa at barkada samantalang ako eto, magisa. Kinuha ko na ang lunch box na dala ko at nagsimulang kumain. Oo lunch box talaga, di ko afford ang food dito eh.

Kain..

Kain..

Kai---

Teka, bat may tao sa harap ko? *tingala* Shet! Bat andito si Brigitte? Ano to pagtitripan na naman ako? Pakshet lang! Oh by the way, sya nga pala yung campus princess si Brigitte Solomon. Sya lang naman ang prinsesa ng mga demonyita. Haha!

"Hoy nerd!" pagtawag sa 'kin ng impakta. Leche lang diba?

"Oh bakit impa-- este Brigitte? Kailangan mo?" tanong ko. Grabe, muntik na madulas dila ko kundi patay na ko nyan!

"Well, I'm just here to warn you na bawal ang patay gutom na nerd dito!" sabi nya sabay tawa. Nakijoin na din sa pagtawa ang dalawang nyang friend na mukhang aso. Pano ba naman daig pa aso kung makabuntot ka Brigitte!

"Hoy hindi ako patay gutom ha! Baka ikaw dyan! Kunwari ka pa, gusto mo naman ng kinakain ko tapos ibubully mo 'ko para makuha mo tong pagkain ko!" sabi ko sa kanya na may halong pang-aasar. Whoah, nagawa ko yun.

"How dare you! Don't you ever talk to me like that! You don't do that to me!" sabi nya. Sus! Dinaan sa english para di mapahiya! Nag-feeling Willie Revillame pa!

"Hoy wag ka mag-english dyan! Baka imbes na duguin yang ilong mo, uhog ang lumabas dyan! At isa pa wag mo ngang gayahin si Willie di bagay sa'yo!" sabi ko. Syempre, ngayon lang 'to magagawa. Minsan lang makaganti! Kaso alam ko namang ako parin ang kawawa sa huli.

Alam nyo ba ang next na nangyari? Well, itinapon lang naman nya sa uniform ko ang orange juice na iniinom ko kanina. Bastusan lang ang peg? Kaya eto ako, speachless at parang estatwa na di makagalaw sa kahihiyan habang sila kung makatawa parang walang bukas.

"Hoy! Tigilan nyo nga si Mich kung ayaw nyong ilibing ko kayo nang buhay!" sabi ng knight in shining armor ko na hindi ko kilala.

"Hmp!" sagot nalang nila Brigitte na naka-cross arms at nagwalk-out.

"Okay ka lang?" Tanong nya sa akin. Sya na talaga! Ang batman ko. Shet! Ang landi ko! Kaya tumango nalang ako.

"Oh, eto t-shirt ko suotin mo. Dali! Pumunta ka na sa CR. Hindi na din pala ako magtatagal kasi may practice kami. Bye, see you around!" sabi nya sabay abot sakin ng shirt nya then tumakbo na agad. Sayang, di man lang ako nakapag-thank you at di rin ako nakapagpakilala. Dibale may next time pa naman diba? May next time pa ang katangahan ko.

At ayun, nagpalit na ko ng damit then pumunta na ko sa next class namin. Napagalitan pa nga ako kasi "wear proper uniform" daw. Kasalanan 'to nung impaktang yun eh!

Natapos ang buong klase namin ng hindi ako nakikinig. Binato bato pa nga ako ng papel nung iba kong gagong classmates pero hindi ko na napansin. Masyado kasing occupied yung utak ko tungkol kanina. Sino kaya sya? He's such a mystery. Pero infairness ang gwapo. Dahil sa kanya, kahit papaano naramdaman kong sa school na 'to, hindi ako nagiisa. Na may taong gusto paring tumulong sa akin despite of my look. Sana magkita pa kami, para kahit pasasalamat lang maibigay ko sa kanya.

••

Note:

Uulitin ko, this is revised for the better. Sana nagustuhan nyo ang pagrerevise ko. Votes? Comments? Thank you. :)

-missfdd

Batman Ko!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon