~Chapter 8: Forgiving and courting..~

DANIEL'S POV

Matapos magsorry sa akin ni Mich at sinabing magbabalik na sya sa dati, automatikong lumambot naman ang puso ko. Siguro dahil ito sa labis na pagmamahal ko sa kanya.

"Shhh... Wag ka nang umiyak. Di naman ako talaga galit sa'yo eh! Kahit di mo na baguhin yang pisikal mong anyo okay lang, pero sana bumalik na yung ugali ng Mich na nakilala at minahal ko noon.." Sabi ko at naramdaman ko nalang ang pagnod nya dahil nga nakayakap sya sa akin...

Hinimas-himas ko naman yung likod nya para i-comfort sya. Grabe, ako pa yata yung mas nahihirapan kapag nakikita ko syang ganyan eh! Ayokong nakikita syang naiyak o nasasaktan kasi doble yung nararamdaman ko sa nararamdaman nya eh!

"Sorry den Mich.. Di ko naman talaga gusto na lumayo sa'yo eh! Sorry kung nasaktan din kita.." Sabi ko kasi alam ko may kasalanan din ako sa mga nangyayari, di naman kasi ako tanga no.

"Wala *hik* ka namang *hik* kasalanan eh!" Sabi nya sa akin. "Ako naman talaga yung may kasalanan eh! *hik* Binago ko kasi yung sarili ko pati yung ugali ko *hik* sorry.." Dagdag pa nya.

"Shhh... Tahan na di na ako galit sa'yo... Okayy?? Hindi na ulit ako iiwas. Promise!" Sabi ko with matching taas pa ng kanang kamay ba parang nanunumpa.

"Talaga?? Promise??" Tanong nya. "Promise!" Sagot ko naman. Yes! Bati na kami!! :DD

"Uhm.. Mich, may nanliligaw ba sa'yo??" Nahihiya kong tanong tapos yumuko nalang ako. "Meron naman pero wala akong type sa kanila eh!" Sabi nya. Yown! May pag-asa!! :PP

"Uhmm... O-okay lang ba sa yo kung manliligaw ako??" Nakayuko ko paring tanong sa kanya. Natigilan naman sya.

"S-sigurado ka??" Tanong nya. Syempre naman! Desidido na ako sa desisyon ko noh!

"Oo naman!" This time nakaharap na ako sa kanya. Nakasmile pa ako! :)))

"S-sige! Okay lang naman na manligaw ka!" Nakangiti nyang sabi sa akin. :DD

Tapos nila magkabati at mag-usap, pinakilala naman ni Daniel si Mich kay Jannah. Hindi na nga rin napansin ni Mich na dumating na sila Brigitte eh, kaya umalis na din sila. Nakipagbonding naman si Mich sa magpinsan at sobrang saya nila nitong araw na to.

~~

Months and days passed, hindi parin tumitigil sa panliligaw si Daniel. Hindi pa kasi sya sinasagot ni Mich eh! Pero hindi sya titigil sa panliligaw hanggat hindi sya sinasagot ng dalaga.

Febuary 10 na nga pala ngayon.. So, 4 days nalang before Valentine's day. Nag-isip naman si Daniel kung ano ang pwede nyang gawing surprise kay Mich sa araw na yon. Isang buong araw naman gulo-gulo ang utak nya para lang makaisip ng pwedeng surprise sa kanya at voila! Nakaisip na in sya!

Magpeprepare sya ng isang date pra sa kanila ni Mich. Plano din nya na doon na itanong kung pwede na nyang maging GF ang dalaga. Halos tatlong araw na hindi nagpaparamdam si Daniel kay Mich para paghandaan ang date nila. Eto namang si Mich, nagtataka lang. Iniisip nalang nya na baka may importanteng inasikaso kaya ganoon.

Araw na nang mga puso pero hindi parin nagpaparamdam si Daniel kay Mich. Nagtatampo na nga ito kay Daniel dahil wala manlang sinabi sa kanya ito kung ano ang ginagawa nya. Iniisip na nga rin ng dalaga na baka tumigil na ito sa panliligaw dahil hindi manlang nagtext ito sa kanya kahit 'happy valentine's' manlang.

Si Daniel naman, todo ayos sa date nila. Sinigurado nya na kumpleto na ang mga kailangan sa date nila. Alam nyo bang kasabwat ni Daniel ang parents ni mich?? Oo kasabwat nya ang mga ito para sila na ang magpapapunta sa anak nila sa lugar na pagdarausan ng date nila.

~~

Cut!! Bitin ba?? Don't worry.. Next chappy ang full coverage ng date nila.... :PP Full Coverage talaga?? XD

Ano kaya ang mangyari sa date nila??

Magalit kaya si Mich o matutuwa??

Abangan....

~AgentYellow26

Batman Ko!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon