~10 (Final Chapter)

127 4 0
                                        

~Chapter 10: Happy Ending With Batman KO!! :"> (Epilogue) ~

DANIEL'S POV

"Uhm.. Daniel..." Panimula nya. Grabe mga bregs, kinakabahan ako! Lalabas na yung puso ko sa sobrang kaba. Ano kaya ang sagot nya?? Cheer up nyo naman ako ohh!

"Hindi..." Sabi nya. Ouch naman! Ang sakit, tagos sa balat, sa buto saka sa mga lamang loob ko! Isang salita lang ang binitawan nya, halos gumuho na ang mundo ko! I know masyadong OA ako pero alam nyo naman siguro yung pakiramdam na mareject ka ng taong importante sa'yo at sobrang mahal na mahal mo. Alam nyo yung feeling na binuhusan ka ng sobrang lamig na tubig, partida sobrang daming yelo pa! Sus! OA mode na naman.. -____-

Tamah na nga ang kadramahan ko, wala naman akong mapapala kung magdadrama ako eh!

"Hinding hindi na ako makakatanggi Daniel! Balak ko talagang sagutin ka ngayon eh!" Sabi nya ng nakangiti pero may luhang bumabagsak mula sa mga mata nya. Sumaya naman ako agad-agad! I mean parang kisapmata lang! Grabe akala ko rejected na ako! Hindi ko expected to! Alam kong gusto nya rin ako, correction pala mahal din nya ako pero ang buong akala ko talaga hindi sya papayag kasi masyado pa kaming bata.

Niyakap ko naman sya. As in yung sobrang higpit na para bang wala nang bukas. Nag hug back din naman sya. Ilang minuto din kaming ganoon at saka ako kumalas. Hinarap ko naman sya sa akin at pinunasan ko ng kamay ko ang mga luha nya.

"Salamat Mich. Akala ko, hindi mo na ako sasagutin eh! Mahal na mahal kita.. Wag kang mag-alala, We will make our relationship happy and strong." Sabi ko at muli ko syang niyakap. I admit it, I mean every word that i said. I will try my best to make our relationship perfect although alam kong walang relasyong perpekto pero sabi ko I will try naman diba??

"Mahal na mahal din kita! Promise hindi na talaga ako magbabago, ever and ever again!" Sabi nya at tumawa naman kaming dalawa. Naalala ko tuloy yung mga pinagdaanan namin. Yung mga challenges na hinarap naming pareho bago naging happy ending ang love story namin. Dati hindi ako naniniwala sa fairytales and happy endings pero ngayon, naniniwala na ako. Siguro nga hindi lahat ng tao or relasyon nabibigyan ng happy ending pero meron pa rin naman diba?? Tulad ko, kami ni Mich. I know na marami pa kaming pagsubok na haharapin in the near future pero I know na kakayanin namin ang mga yun, I'm sure! Itaga nyo pa sa bato!

Again, hinarap ko ulit sya sa akin. Hinawakan ko naman ang magkabila nyang pisngi at unti-unti kong nilapit ang mukha ko sa kanya. Tumingin naman ako sa kanya habang magkadikit ang mga noo namin, as in eye to eye kami. She closed her eyes and so am I, magkadikit na din ang matatangos naming ilong at nararamdaman ko ang mainit nyang paghinga. And also that valentine's day we shared our first and real kiss.

~~

MICH'S POV

Eto nga ang isa sa pinakamasayang araw sa buhay ko. This is the best valentine's day for me! This is the day that me and Daniel became officially on and this is also the day that we shared our first kiss. Hindi ako nagsisisi sa mga nangyari ngayong araw, even though masyado kaming bata for this things. Pero I think kaya na naman namin pumasok sa isang relasyon ngayon and bihira na ang ganito ka bonggang lovelife noh! And i don't want to miss this chance, hindi naman kasi lahat agad-agad nakikita ang true love nila or bihira na ang mga lalaking katulad ni Daniel.

Nandito parin kami ngayon sa beach at kasalukuyan kaming nakaupo sa buhangin. Nakasandal ang ulo ko sa shoulder nya at magkahawak kami ng kamay habang nakatingin sa dagat. Nagkwentuhan lang kami ni Daniel sa buhay-buhay.

Ilang oras din ang nakalipas pero ganun parin kami. Hindi ko na din napansin ang oras, I mean namin hanggang sa dinalaw na ako ng antok. Tsk, tsk, tsk! Panira naman ng moment! -__- Gusto ko pa sanang sulitin tong moment na 'to pero di ko na talaga kaya eh! Tinignan ko muna ang watch ko and nanlaki ang mata ko! It's already past 12 midnight!! Di kaya ako ma-armalight ng nanay ko?? Psh! Alam nahh!!! XD

Batman Ko!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon