~5

102 4 0
                                    

~ Chapter 5: Big Change....~

MICH'S POV

1 week na nung nagpunta ako kina Daniel. Sembreak na nga bukas eh!! :DD Naalala nyo yung napag-usapan namin ni Daniel about dun sa 'change' thingy na yan?? Buo na ang desisyon ko na, magpapaganda ako this sembreak and I will make sure na hindi na nila ako aapihin..

*SEMBREAK*

THIRD PERSON'S POV

Sembreak ngayon nila Mich at kasalukuyan syang nagpapaganda. Nanghingi sya ng tulong sa mga close friends nya and sa mother nya. Habang unti-unti naman syang gumaganda, pataas ng pataas naman ang confidence nya sa sarili.

~~

Sa kabilang dako naman.. Si Daniel, sobra syang nag-aalala para kay Mich kasi kahit na sembreak, tuloy pa rin sya sa pagmamasid kay Mich. Nakikita nya yung malaking pagbabago sa dalaga, hindi lang sa pisikal ngunit pati narin sa pag-uugali nya. Oo, nagandahan sya kay Mich pero hindi nya nagugustuhan ang ugali nya ngayon. Naging mayabang ito dahil sa marami na ding tao ang nabibighani sa kanya. Napagdesisyunan din ni Daniel na wag nang magpakita at umiwas kay Mich kasi mukhang hindi na sya kailangan nito. Wala na talaga siguro ang mangaapi pa sa kanya ngayon dahil sa malaking pagbabago sa kanya.

Isa din sa mga dahilan ng paglayo nya ay ang pagkainis nya sa ugali ni Mich. Ayaw nya kasi sa mga katulad ni Brigitte na mayabang porket hinahangaan at maganda ang itsura na ngayon ay ugali na din ni Mich. Mukha namang marami na ang manliligaw at magkakagusto sa kanya kaya ayaw na nyang umasa pa kay Mich, hindi lang naman kasi sya ang may itsura sa mga lalaki sa school nila eh.

~~

Yan ang mga ginawa nila sa sembreak. Sa maikling panahon na iyon ay marami na din ang nagbago. Ngayong balik na ulit sila sa eskwela... Nawala na ang dating Mich na binubully, inaasar at kung ano ano pa. Nawala na din ang presence ni Batman na handang tumulong dati kay Mich kapag may nang-aapi sa kanya or ano... Nawala na din si Secret Admirer na araw-araw noon nagpapadala ng letters, flowers, chocolates etc. (Sorry kung di ko nabanggit on the previous chappy. :D) Lahat nawala pagkatapos ng pesteng sembreak na yan..

Kung meron namang nawala, syempre may pumalit. Kay Mich, as expected marami na syang 'BAGONG' secret admirers, manliligaw and whatsoever. Tapos naging katropa Nya sila Brigitte pati yung mga asong friends nya... Minsan nga napapasama na sya sa grupo nina Brigitte na nambubully sa mga kagaya nya 'dati'.

Months, weeks, days passed, hindi parin nagpapakita si Daniel kay Mich. Minsan nga nalulungkot si Mich kapag naaalala nya si Daniel. Huling pag-uusap kasi nila ay nung week bago magsembreak tapos simula nun di na sya nagparamdam sa dalaga. Minsan nga nagsisisi na si Mich sa pagbabago nya eh, kasi feeling nya dahil dun kaya di na nagpapakita ang Batman nya. Kasi wala nang umaapi sa kanya...

~~

Cutttt!!! Joke!! :DD Hanggang jan nalang po muna.. :))))

Pagod na ako mag-type!! XD

5 more chapters to gooooooo!! :PP

Sana po abangan nyo ang nalalapit na pagtatapos! XP

Thank you sa lahat, sa mga votes and reads!! :DD

I told you now ako mag-uupdate!! :))) Bukas or later ang chapter 6.... :DDD

I swear!!

~AgentYellow26

Batman Ko!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon