Batman Ko!
forgottendaydreamer••
My Secret Admirer?
Nasa school na ako ngayon. 15 minutes early ako, oh diba nag improve? Inspired kasi ang lola nyo. Shet, ang landi ko na! So ayoko muna pumunta sa room namin kasi maingay at alam nyo na naman aasarin at pagtitripan lang ako nang mga walang hiyang classmates ko. Syempre hindi belong ang exotic beauty ko dun.
Nagdecide ako na ilagay muna ang iba ko pang gamit sa locker ko. Oo, may locker ako. Pero kasama narin yun sa scholarship na nakuha ko. Swerte ko nga eh.
Binuksan ko na ang locker ko ng biglang may nahulog. Isang letter? Huh? At sino naman ang magpapadala sa akin ng letter? Hays, letter ba talaga? Baka naman death threat? Nako, mabasa na nga lang at baka importante.
Dear Mich,
Hello! Good Morning. Sorry kung ngayon lang ako magpaparamdam sa'yo. Nahihiya kasi ako na sabihin sa'yo na gusto kita baka kasi ayaw mo sa akin kaya nawawalan ako ng pag-asa sa'yo. Sana hayaan mo akong gawin lahat ito sa'yo. Sorry din kung hindi kita naipapagtanggol sa mga taong nang-aapi sa sa'yo. Balang araw babawi ako sa'yo, promise. Hindi na muna pala ako magpapakilala sa'yo, mag-iipon muna ako ng lakas ng loob para humarap sa'yo. Have a great day ahead!
-BM
Oh my gosh! Di nga? May secret admirer ako? Kahit pa ganto ang itsura ko? Seryoso ba sya? O baka naman stalker? Tapos hayaan ko daw na gawin nya lahat 'to para sa kin? Oh my baka naman may nantitrip lang sakin? Oh well, tatago ko nalang at baka sakaling totoo. Hindi naman masamang mag-assume diba?
(Kringggggg!)
Psh! Panira naman tong bell na to! Kainis nag momoment pa ako dito eh! Pero sino kaya yun?Gwapo kaya? Wag naman sanang mukhang paa hindi na secret admirer yun, stalker na ang labas nun! Pero bahala na, ako pa ba ang choosy? Para namang napakaganda ko. Sana si batman ko nalang yun! Pero ang assuming ko naman, ang gwapo gwapo nun tapos magkakagusto sa akin? Imposible. Pero think positive diba? Walang imposible. Pero salamat sa kanya at binuo nya ang araw ko. Kung sino man sya. Makabalik na nga sa room.
discuss..
discuss..
activity..
quiz..
Yan ang ginawa namin bago mag lunch break kaya larga na ulit ako sa canteen. As usual dun na ulit ako sa seat ko at kumain na ng baon ko. Thank God wala yung impakta pati na yung mga back-up nyang aso. Tapos nagpunta ako sa garden para tumambay since mamaya pa ang afternoon class namin. Nagmuni muni muna ako dun, naisip ng kung ano ano tulad ng, saan nagmula ang mundo, pano nabuhay ang kaunaunahang tao sa planeta at kung ano ano pang weird na bagay. Tapos ko tumambay, maaga pa naman mga 20 minutes pa bago kami mag klase ulit pero I decided na bumalik na sa room. Magbabasa nalang ako ng libro.
Tumakbo naman ako ng mabilis at sakto nasa hagdan ako ng bigla akong madulas. Psh, pagminamalas ka nga naman.
Ready na sana akong bumagsak sa sahig pero nagulat ako kasi hindi ako nasaktan. Bigla nalang akong may narinig na nagsalita na.. Lalaki? Pagdilat ko.. Si Batman ko! Nakakahiya naman talaga ako oh!
"Okay ka lang Mich? Nasaktan ka ba?" Tanong nya na full of worries. At alam nyo ba yung posisyon namin? He was carrying me like a bride, para kaming newly wed couple. Yung bridal style na buhat kumbaga. Nag nod nalang ako at binaba na nya ako.
"Thank you!" Nahihiya kong sabi at nakayuko ako. "Thank you talaga.. Kasi lagi ka nandyan pagkailangan ko ng tulong at pangalawang beses na 'to. Gusto kong bumawi sa'yo sabihin mo lang kung ano ang gusto mo gagawin ko." Sabi ko ng walang preno.
"No need. Okay lang, isa lang ang hihingin ko sa'yo. Mag-ingat ka na sa susunod. Wag ka na rin magpapaapi sa mga school royalties na yan okay? Hindi naman sa lahat ng pagkakataon nandito ako para protektahan ka." Sabi nya at nagnod lang ako ng bigla kong maalala yung t-shirt nya pala.
"S-sige. By the way, eto pala yung t-shirt mo. (Kuha sa bag ng t-shirt sabay abot) Thank you ulit!" Sabi ko at kinuha naman nya. "Nilabahan ko na din yan kaya hindi na yan mabaho." Pahabol ko pang sabi.
"Sige una na ako, baka malate pa kasi ako eh! Bye!" Sabi nya at tumakbo na ng napakabilis. Shet! Kainis di ko manlang natanong ang name nya! Bakit ba ang tanga ko? Alis na nga ako!Pero still kinilig ako!
Habang paakyat ako sa room, hindi ko maiwasan ang ngumiti ng ngumiti. Nung nagklase nga kami ginaanahan akong sumagot ng sumagot sa teacher ko. Shet! In love na ba ako? Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong klase ng saya. Iba talaga ang epekto sakin ng supehero ko.
••
Note:Again, revised na po ito. Sana okay parin. Votes? Comments? Thanks!
-missfdd
BINABASA MO ANG
Batman Ko!
Teen FictionWould you dare to change yourself for the better or stay the same to be able to still see your batman? All Rights Reserved 2013 ©️ forgottendaydreamer