~Chapter 6: Realize and Missing You.. :'( ~

MICH'S POV

Weekend ngayon at malamang walang pasok. Bakit?? Weekend nga kasi eh!! XD Nasa bahay lang ako nakahiga padin sa pinakamamahal kong kama. Tanghale na nga eh! Mga nasa 10:30 na nang umaga... Pero nagising ako mga 6:30 a.m. kasi may iniisip ako....

Alam nyo kung ano?? Este sino pala?? As usual si Batm-- este Daniel lang naman at wala ng iba. Iniisip ko kung kelan kaya ulit kami magkikita?? Kelan sya magpapakita sa akin?? Di ko na nga sya makita sa school eh... Di kaya galit sya sa akin?? Kasi nung huli kaming nag-usap ayaw kasi nya maging ganito ako eh... Yung Mich Cordova version 2.0 na mas sikat pa sa campus princess sa campus namin...

Aaminin ko, hindi lang sa inyo kundi pati sa sarili ko na napakalaki na ng pinagbago ko... Naging mayabang ako, minsan nanlalait na din ako yung mga bad deeds kumbaga... Nahahawa nga ako dito kila Brigitte eh! Simula nung pumayag ako na maging part ng group nila naging ganto na ang ugali ko...

Pumayag lang naman ako kasi gusto ko maging sikat katulad nila na tinitingala ng mga estudyante sa buong campus... Hindi ko talaga inisip noon kung ano ang pwedeng maging resulta ng desisyon ko, parang napaka selfish ko... Parang nagsisisi na ako na pinasok ko itong bagay na ito. Nawala kasi sa akin yung taong napakaimportante sa akin eh, yung lalaking pinakamamahal ko si Daniel...

Oo, mahal ko sya kahit pa saglit lang kami nagkakilala. Magaan ang loob ko sa kanya simula pa nung una. Hindi ko rin sya nagustuhan dahil sa looks nya, nagustuhan ko yung sya, yung totoong sya na mabait, mapagmahal, caring lahat lahat na.. Gusto ko lang namang maging karapat dapat para sa kanya eh! Ayokong pagtawanan sya dahil pangit ako 'kung' magiging girlfriend nya ako at gusto ko na magustuhan nya ako... Kaya ako nagbago, pero di ko alam na hahantong sa ganito ang lahat...

Miss na miss ko na sya. Miss ko na kapag nililigtas nya ako, miss ko na yung presence nya, yung boses nya, basta miss ko na lahat sa kanya...

Sana magkita na ulit kami... Di ko na keri maging loner eh! Masakit, kahit pa masaya na ako dahil wala nang nang-aapi sa kin at sikat na ako sa school, kapalit naman nun yung sakit na naaramdaman ko pag naaalala ko sya.

Bigla namang nagbeep ang phone ko... Tinignan ko may nagtext... Akala ko kung sino si Brigitte lang pala.. >< Nagmumuni-muni pa ko tapos magtetext?? Yung totoo, bastusan?? -___-

~~

From: Brigitte

Hey girl!! Do you want to join us?? Let's do some shopping naman, it's so boring noh!! Come on! Reply ASAP.

~~

Sus!! Shopping lang pala!! Tss.. >< Pero sige na nga! Para mabawasan na din ang pagiging depressed ko at marelax naman tong utak ko! Kaya agad akong nagreply..

~~

To: Brigitte

Okayy!! Let's meet nalang sa *insertnameofmallhere*. I'll wait for you guys!! Mga around 12 p.m, sharp.

~~

At ayun nagayos na ako at nagbihis. Syempre nagpaganda at voila. Ready na ako!!!

Pumunta na ako sa mall at hinantay sila sa Starbucks. Tinext ko na rin sila kaya bumili muna ako ng frappe kasi nakakahiya kung tatambay lang ako diba?? XD

Bigla naman akong may nakitang lalaki. Familiar sya, hindi ko makita yung mukha kasi nakatalikod sya eh! At ilang minutes pa, humarap sya sa wakas at.... O.O

~~

Nandito pala kami sa mall ngayon, kasama ko si Jannah. Nagkwentuhan kami, tawanan, asaran at kung anu-ano pa! Nabanggit ko na din sa kanya yung tungkol kay Mich. Naiintindihan naman nya ang sitwasyon ko.

Hayysss.. Naalala ko na naman sya. Angsakit lang!! Namimiss ko na sya. Yung dating sya, yung nerd, yung mabait, yung uniqueness nya kaya ko sy nagustuhan. Kahit labag sa kalooban ko na layuan sya, kinakaya ko parin kasi kung harapin ko man sya, hindi na din sya yung dating Mich na nakilala ko.

Naisip ko din na lalapitan ko na sya at tatapatin ko na din sya sa nararamdaman ko kaso nagiipon pa ako ng lakas ng loob eh! Kaya di ko magawa... >< Kaya nakipag usap muna ako kay Jannah para makalimutan ko muna sya kahit sandali...

Habang nag-uusap kami bigla nalang may kumalabit sa akin..... Pagkalingon ko.... O.O

~~.

CUT!! Bitin muna!! XD

I told yah maguupdate ako!! :D Mamaya nalang ung Chapter 7, abangan nyo po!! :D

Sino kaya ang nakita ni Mich?

Sino at ano ang role ni Jannah sa buhay ni Daniel??

Sino kaya ang kumalabit kay Daniel at nagulat sya??

Abangan sa next chappy!! :DD

~AgentYellow26

Batman Ko!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon