One

5.5K 178 25
                                    

Point of View: Jimin

After 2 years...

Nagpakawala ako ng mabibigat na hininga habang nakatingin sa lapida ng tanging babaeng aking minahal, Pinahid ko ang luhang kumawala sa aking mga mata. Hanggang ngayon sariwa padin lahat sakin. Lahat ng ala-ala at sakit ng pag-kawala niya.

I really missed her.

Napaluhod ako at nilapag ang mga rosas na pink sa kanyang lapida at pilit na ngumiti.

"Mahal ko? Bakit mo ako iniwan?" parang baliw na tanong ko sa kanyang lapida. Sa tuwing pinupuntahan ko siya dito ay lagi ko siyang tinatanong niyan, Ngunit hanggang ngayon ay wala padin akong nakukuhang sagot mula sakanya. "Bakit ka nang iwan? Dapat sinama niyo nalang ako ni Baby" sabi ko at ngumiti ng mapait. Kung sumama sana ako sa kanila, Masaya kaya kami? Buo na sana yung pamilya namin. "Oo nga pala, Mahal ko. Lumipat na kami ng paaralan nila Hyung. Yun kasi yung gusto ni Jin Hyung kaya wala kaming nagawa."

Kinuha ko sa bulsa ang panyo ko at pinunas ito sa aking mukha na ngayon ay basa na ng aking mga luha. Bading na kung bading basta iiyak ako hanggang maubos ang luha sa mata ko, Hanggang mawala ang sakit na nararamdaman ko. 

Unti-unting bumalik ang lahat sa tuwing naalala ko ang lahat ng ginawa niya saakin. Lahat ng sinayang kong panahon dahil sa lintik na galit ko sakanya. Kung alam ko lang na ganito ang kahihinatnan ng lahat sana simula palang pinaramdam kona sakanya na mahal na mahal ko siya. Ang tanga ko kasi. Nagpatalo ang sa galit ko sakanya. 

Kasalanan ko din ang lahat ng ito. Karma ko siguro ito!

"Mahal ko, Napatawad mo na kaya ako? Sana ako nalang yung namatay, Kasi ako yung mas may kasalanan satin. Ako yung masama. Sana ako nalang yung nandyan sa loob ng lapida at nakahiga sa kabaong" ngumiti ako na parang baliw habang umiiyak "Kasi kung nabuhay nga ako wala kadin naman sa tabi ko, Wala kayo ni Baby sa tabi ko para nadin akong namatay. Araw-araw akong namamatay sa sakit dahil sa pag-alis niyo. Ang daya naman kasi bakit niyo ako iniwan? Kala ko ba forever tayo? Kala ko ba walang iwanan? Hindi mo manlang ako sinama diyan sa pupuntahan niyo ni Baby. Alam mo ba noong nakaraang araw sinubukan kong sumunod sainyo diyan? Kaso ang epal naman ni Teahyung biglang dumating, Hindi tuloy ako napagbigti Haha. Sayang mag-kakasama na sana tayo ngayon" huminga ako ng malalim habang patuloy ang mga luha na tumutulo sa aking mga mata 

"Ang daya daya niyo naman kasi, Mahal ko! Dapat sinama niyo ako, Para naman hindi na ako nahihirapan ngayon dito. Alam mo ba kung gaano kasakit yung ginawa mo sakin? Parang mong giniling yung puso ko dahil sa pag-iwan mo sakin? Kala ko ba hindi mo ako sasaktan? Pero bakit parang galit na galit ka sakin at ito ang ginawa mong ganti sakin. Ganoon naba kasama ang mga nagawa ko sayo noon at ganito ang balik sakin ng karma." napayuko nalang ako habang nakaikom ang aking mga kamao "Mahal ko, Miss na kita! Kahit dalawang taon na ang nakalipas hindi padin nag-babago ang pag-mamahal ko sayo. Ikaw lang ang babaeng mamahalin ko!" napatigil naman ako sa pag-iyak at drama ko nang maramdaman ko na nag-vibrate yung phone ko. 

Tiningnan ko kung sino ito.

Calling Jhope Hyung....

"Hello! Jimin asan kana naman ba ha? Nasa bar? Nasa kanto? Nasa bangin? Saan mo naman ngayon balak tapusin ang buhay mo!" galit na sigaw niya sa kabilang linya 

"Secret no clue!" seryoso kong sabi sakanya 

"Tangna naman, Jimin! Tingin mo ba masaya si Step sa mga ginagawa mo ngayon sa sarili mo? Kahit nga maligo nakakalimutan mo na! Gago. May practice kaya tayo ngayon! Bukas kana lang mag-pakamatay!" sigaw niya sa kabilang linya. Jusko. Nakakainis tong kabayong to.

"Ayoko! Tanggalin niyo na ako sa grupo!" seryoso ko pading sabi sakanya 

"Seryoso, Jimin? Nakakatangina kana! Gusto mo bang ako na mismo ang pumatay sayo? Ngayon din papatayin na kita!" napipikon niyang sabi sa kabilang linya, Narinig ko naman na napahinga siya ng malalim "Jimin, Hindi kaba naaawa sa sarili mo? Dalawang taon na, Dalawang taon munang pinahihirapan ang sarili mo, Dalawang taon mo na sinisisi yung mga nangyari kay Step. Wala namang may kasalanan sa mga nangyari. Kung hindi ka naaawa sa sarili mo samin maawa ka, Nahihirapan din kami kapag nakikita ka naming ganyan. Hindi naman sa sinasabi naming kalimutan mo si Step, ang gusto lang namin wag mo nang pahirapan ang sarili mo dahil kahit anong gawin mo diyan, Kahit ilang beses mong saktan ang sarili mo, Hinding hindi padin babalik si Step" mahaba niyang lintanya 

"H-hyung...." pinunasan ko saglit ang mga luha ko. Oo tama nga si Hyung, Hindi na maibabalik pa ng kahit ano ang asawa ko, ang mahal ko "P-paano ko gagawin yon? K-kung sa tuwing naiisip ko si Step, S-sa tuwing naiisip ko yung nangyari sakanya, Hindi ko maiwasang hindi sisihin ang sarili ko sa mga nangyari sakanya!" 

"Aish! Alam mo ang bakla mo, Kahit sa tawagan naiyak ka padin. Mauubos ang pantawag ko sayong hayup ka! Bilisan mo nalang at pumunta kana dito. Nagagalit na si Manager Hyung!" sabi niya at pinatay na ang linya. 

Napatayo na naman ako at hinalikan ang lapida ng Asawa ko "Mahal ko, Alis na ako! Babalik naman ako" nakangiti kong sabi sa lapida

Naglakad na ako kung saan banda naka-park ang sasakyan ko. 

Siguro nga kailangan ko nalang tanggapin lahat ng nangyari. Tanggapin na wala talagang permanente sa mundo. Na kahit anong gawin ko hindi na maibabalik pa ang mga nawala at nasira na. 

"Aray!" napa-upo ako sa lupa, Hindi ko namalayan na may tao pala. Yumuko ako para hindi niya ako makita, Baka kasi makilala niya ako. Tumayo na ako at inalalayan kodin siyang tumayo ng hindi siya tinitingnan. Nang maayos na siya at pinapag-pag nalang ang dumi sa kanyang jeans ay madali na akong umalis ngunit nag salita muna ako "Pasensya na, Sorry" sabi ko at tuluyan ng umalis 

Point of View: Stephan

"Aray!" napa-upo kami pareho sa lupa napatingin ako sakanya ngunit nakayuko lang siya. Tumayo siya at inalalayan naman niya akong tumayo din. Pinag-pag ko nalang ang mga dumi sa jeans ko "Pasensya na, Sorry" matapos niyang sabihin ang mga salitang iyon ay agad na siyang umalis.

Pinulot ko naman ang bag ko na nahulog kanina. Habang inaayos ko ang mga gamit sa loob nito ay may napansin akong panyo, Sky Blue siya at may natahi na PJ, Baka doon ito sa lalaking nakabangga ko kanina, Hinabol ko naman ito ngunit huli na ako dahil hindi ko na siya makita. Ibabalik ko nalang pag-nagkita kami.

Dumaretso na ako sa aking sasakyan "Tay, tara na po" sabi ko kay Tatay/driver na kanina pa nag-aantay.

Tumango lang naman siya sakin at pinaandar na ang sasakyan. Napatingin nalang ako sa bintana at pinag-masdan ang mga puntod na aming madadaanan, Isang taon pala akong hindi nakaka-punta dito at ang dami ng nagbago. 

"Miss Stephan, Pinapasabi nga pala ng Daddy niyo na umalis na siya. Hindi na daw niya kayo naantay dahil nag-mamadali siya" sabi ni Tatay sakin. Tss.

"Nagmamadali siyang makasama ang kabit at anak-anakan niya sa kabit niya? Mamatay na sila" walang emosyon kong sabi. 

"Anak, Daddy mo padin siya. Wag mong sabihin yan" sabi naman ni Tatay na patuloy lang sa pagda-drive. Sus, Mas mukha ko pa ngang Daddy si Tatay kesa sa tunay kong ama, Simula ng bata palang ako siya na ang nag-aalaga sakin, Hindi ko nga naranasan na alagaan ng tunay kong ama, Lagi nalang busy sa trabaho at sa pag-landi niya.

"Tss, Matagal na akong walang Daddy! Patay na din siya, Matagal ko na siyang pinatay sa buhay ko" walang emosyon ko pading sabi kay Tatay, Napailing-iling nalang siya dahil sa aking ugali.

Masama ba ako? Sarili kong Daddy pinapangarap kong mamatay na? Tss. Gago kasi siya kaya gusto ko na siyang mamatay sama nadin yung kabit niya at yung anak-anakan niyang malandi. Sila ang dahilan kung bakit namatay si Mom, Dahil sa kalandian ng magaling kong ama at kalandian ng magaling niyang kabit nag-pakamatay ang Mom ko. Kasalanan nila kung bakit mag-isa nalang ako ngayon, Kaya dapat lang na mamatay din sila. 

✘ ✘ ✘ ✘ ✘ ✘ ✘

Comment & Vote!

Enjoy!

Chasing Park Jimin | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon