Point of View: Jimin
Nandito ako ngayon sa puntod ng babaeng pinakamamahal ko "Hi Mahal, Hindi mo ba ako babatiin?" parang sira kong sabi sa tapat ng puntod niya
Naalala ko na naman ang lahat, At hanggang ngayon ay nagsisisi padin at nasasaktan padin ako. Nagsisisi ako dahil sinayang ko lang ang mga panahon na kasama ko siya, Hindi ko pa alam noon kung gaano siya kahalaga sa buhay ko, hindi ko pa alam na siya pala ang buhay ko. hindi ko alam na matagal kona palang sinasaktan ang buhay ko.
"Mahal, Miss na miss na miss na miss na talaga kita. Miss kona yung mga luto mo sa umaga, yung mga ngiti mong magaganda at yung mga halik mo. Ang daya mo naman kasi eh, Iniwan mo ako agad ayan tuloy hindi kita kasama ngayong birthday ko. Masaya na sana tayong pamilya kung hindi niyo ako iniwan ni baby, Ang daya niyo naman kasi hindi niyo manlang ako sinama sa pupuntahan niyo." pinilit kong hindi tumulo ang luha sa aking mga mata, Pagod na akong umiyak at isa pa ayokong makita niyang mahina padin ako. Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko at pinunasan ang lapida niya "Ayan, malinis kana ulit. Mahal, Diba nangako ako sayong ikaw lang ang una at huling babaeng mamahalin ko? Mahal, Magagalit kaba kung masira ko ang pangako ko sayo?" parang sira ko na namang tanong sakanya. Bakit ba ako tanong ng tanong sakanya eh alam ko namang hindi na siya sasagot? Hinding hindi kona maririnig ang maganda niyang boses kailan man.
"Sana mahal hindi ka magalit kung masira ko man ang pangako ko sayo, Pero wag kang mag-alala ikaw padin naman ang pinakamamahal kong babae" nakangiti kong sabi "Mahal, Gwapo na ako ulit, Nangiti na ako at natawa nadin kahit papano nawawala nadin ang sakit at alam mo bang dahil ito sa isang babae? Sabi nila Hyung magkatulad daw kayo, Pero para saakin kaunti lang naman ang pagkakatulad niyo. Ikaw padin ang mas maganda at mas mabait para saakin"
Hialikan ko naman ang lapida niya "Paano bayan mahal, Kailangan ko nang umalis ililibre ko pa kasi sila Hyung, Alam mo naman ang mga yon namiss talaga nila ako" sabi ko
Lumakad na ako palayo sa kanyang puntod pero natigil ako sa isang puntod ng mapansin ko ang babaeng naka-upo sa harapan nito at naiyak "Stephan?" tawag ko sa kanyang pangalan
Lumingon naman siya saakin "J-jimin?"
Umupo naman ako sa tabi niya at pinunasan ang mga luha sa kanyang mukha "Siya ba ang Mama mo?" tanong ko sakanya
Tumango-tango naman siya saakin bilang sagot. Humarap naman ako sa puntod ng Mama niya at pinunasan ko ang lapida nito gamit ang aking kamay "Hi tita, Ako nga po pala si Jimin, Kaibigan ng anak niyo" nakangiti kong sabi "Wag po kayong mag-alala sa anak niyo dahil inaalagaan ko siya ako na nga yata ang bodyguard niya eh, Pero ang daya lang niya kasi hindi niya ako sinuswelduhan"
Hinampas naman ako ni Stephan "Hoy, Ano bang pinagsasabi mo kay Mama" saway niya saakin
"Tss. Totoo naman ang sinasabi ko sakanya ah. Hindi mo ako sinuswelduhan" reklamo ko
"Bakit hindi ko naman sinabi sayong protektahan mo ako at mag-mistulang bodyguard kita"
"Bakit ayaw mo ba? Sabihin mo lang madali lang naman akong kausap"
"Aish! Ayoko nga, Basta libre hindi ako aayaw"
"Paano kung sabihin ko sayong may hihingin akong bayad?"
"Bayad? Magkano ba?"
"Hindi naman pera, Marami ako non, Kailangan ko sumama ka saamin ngayon" sabi ko "Tita, Pwede ko bang mahiram ang napaka-ganda niyong anak? Birthday ko po kasi kaya naman gusto kong sumama siya."
"Para kang sira, Hindi naman sasagot yang si Mama sayo" saway niya saakin
Nginitian ko naman siya "Edi ikaw nalang ang sumagot, Sasama ka o sasama ka? Sagot na?"
BINABASA MO ANG
Chasing Park Jimin | Completed
Romancesulli x jimin ff. | bangtan series #2 Matapos siyang iwan ng kanyang pinakamamahal, Matuto pa kaya siyang magmahal muli? Kung ang ka-isa isang babaeng mahal niya ay wala na. Paano kung mabuhay ito, Ngunit sa katauhan ng iba. Married to Park Jimin b...