Point of View: Stephan
"F*ck! Damn be careful!" sigaw niya matapos kong idampi sa mga sugat niya ang bulak na may alcohol
Tss. Siya na nga ang tinutulungan siya pa ang may ganang magalit.
"Sorry na! Wag kanang sumigaw diyan! Wala kana ngang lakas sisigaw kapa, Tiisin mo nalang yung sakit" inis kong sabi sakanya at saka pinahid ulit sakanya ang bulak na may alcohol
"Damn! Sadista ka ata eh" inis niyang sabi
Pinagmasdan ko ang namumutla niyang mukha na punong puno ng pasa at sugat.
"Sigurado kabang ayaw mong dalhin kita sa clinic o hospital?" tanong ko sakanya, Dahil sa tingin ko ay masyado na siyang maraming sugat na natamo at kailangan na niyang madala kahit sa clinic manlang.
Umupo naman siya ng maayos at saka ako pinitik sa noo "Ilang beses ko ba dapat sabihin sayo na ayos lang ako, Kaya ko ang sarili ko. Sanay na ako sa mga ganitong sakit" nakangiti niyang sabi saakin.
Napahawak naman ako sa noo kong pinitik niya "Bakit kailangan namimitik ka?" inis kong tanong sakanya
Natawa naman siya at pumikit "Tss. Anong nakakatawa?" inis kong tanong sakanya
Dumilat naman siya at ngumiti sakin "Masama bang maging masaya?" nakangiti niyang tanong
Umiling naman ako sakanya bilang sagot, Inayos kona yung kit dahil mukhang ayos na naman siya. Matapos kong ayusin iyon ay tumingin ako sa aking relos "Sige mauna na ako sayo" sabi ko sakanya at tumayo
"Sandali lang... Ako nga pala si Aiden" pakilala niya sa kanyang sarili
Nginitian ko naman siya "Ako naman si Lexia Stephan, Stephan nalang. Sige alis na ako, baka gabihin pa ako eh" pag-papaalam ko sakanya
"Sige, Ingat ka Lexia, Salamat nadin" paalam niya.
✘ ✘ ✘ ✘ ✘ ✘ ✘
Agad kong pinarada ang sasakyan ko ng makita ang isang pamilyar na sasakyan. Agad akong bumaba at pumasok sa loob ng bahay. At tama nga ako ng hinala umuwi na nga sila.
"Stephan!" tawag sakin ni Tita Scarlett, Tumayo siya at lumapit saakin saka ako niyakap "I really miss you" dagdag niya pa, Agad ko namang inalis ang yakap niya sa akin.
"Bakit pa kayo bumalik? Sana doon nalang kayo tumira habang buhay! Sanay naman akong mag-isa lang sa bahay na ito" walang gana kong sabi sakanya, Napatingin naman ako sa isang babaeng papalapit saakin.
"Hi Step, Miss me?" sabi ng demonyita
Inirapan ko naman siya "Hindi" tipid kong sagot at nilagpasan silang mag-ina, Nang papaakyat na ako ay tumigil ako saglit at humarap sa kanila "By the way Skyler, Nabalitaan kong babalik kana sa University?"
Napangisi naman siya dahil sa sinabi ko "Oh, Ang bilis naman palang kumalat ng balita. Pero oo babalik na ako, Baka kasi namimiss na nila ang Queen nila, Lalong lalo na baka namimiss mo na ako"
Napairap naman ako sakanya "Oo. Kung alam mo lang kung gaano ako nalungkot nung nawala ka" sarcastic kong sabi sakanya. Narinig ko naman natawa siya ngunit hindi ko nalang iyon pinansin at nag-patuloy nalang sa pag-akyat sa kwarto ko.
Nang makapasok na ako sa kwarto ko ay agad akong nahiga sa kama ko, Bakit paba bumalik ang mag-inang iyon? Manggugulo na naman ba sila ng buhay ng may buhay? Hindi paba sapat ang ginawa nilang paninira sa buhay ko at gusto pa nilang dagdag ngayon?
Narinig ko naman mula sa baba na bumalik na si Daddy, Lalo akong nagalit ng marinig ko silang masayang nag-uusap usap, Hindi manlang niya ako naisip, Hindi manlang niya ako naalala.
Kinuha ko ang bag ko at nagbihis. Nilagay ko sa bag ko ang susi ng kotse at bumaba, Natigil naman sila sa pag-uusap ng makita nila ako.
"Oh, Stephan anak" tawag sakin ni Daddy, Seryoso ko lang siyang tiningnan at nag-daretso nalang palabas ng pinto
"Saan ka pupunta step?" napatigil naman ako at humarap kay Tita Scar
"Ano bang pake niyo?" taas kilay kong tanong sakanya, Hindi kona sila inantay pang sumagot at tuluyan ng lumabas at sumakay ng aking sasakyan.
Pupunta ako sa lugar kung saan makakalimutan ko ang lahat ng ginawa niyo sa akin.
Point of View: Jimin
"Para siyang si Bessy, Kaugaling-kaugali niya si Bessy." napahampas naman ako sa mesa dahil sa sinabi ni Wendy. Halata naman sa mga mukha nila ang pagka-gulat
"Hindi siya pwedeng maging si Step, Hindi, Dahil nag-iisa lang si Step, Nag-iisa lang siya! Kaya wag mo nang uulitin pa lahat ng sinabi mo, Dahil mag-kaibang magkaiba sila nang babaeng yon!" galit kong sabi sakanya
"Ano ba hyung! Wag mo siyang sigawan" sabi ni Jungkook habang pinapatahan ang naiyak niyang girlfriend
"Paano mo nagawang sabihin na kaparehas siya ni Step, Gayong ikaw mismo ang bestfriend niya, Paano mo nagagawa sakanya yon!" galit kong sabi sakanya, Nanatili lang naman siyang nakatungo at naiyak "Ikaw dapat ang nakakakilala sakanya dahil ikaw ang matalik niyang kaibigan, Ikaw dapat ang hindi makalimot sakanya, Pero anong ginagawa mo, Itinutulad mo siya sa kung sino lang na babaeng kakakilala mo palang. Madaming mag-kaiba sa kanila.Tandaan mo yan!" sigaw ko sakanya
"Hyung! Ano bang problema mo!? Sinabi niya lang naman ang opinyon niya, Mabuti nga siya nakakalimot na, Ikaw? Ano nang nangyayari sayo? Ano nang nangyari sa dating Jimin na nakilala namin? Dalawang taon na ang nakalipas pero ikaw hindi ka padin nakakawala sa lahat ng sakit, Kinukulong mo yang sarili mo sa sakit at lungkot, Hindi ka na nga namin nakitang tumatawa. Nawala na yung Jimin na nakilala namin, Hindi na ikaw ang Jimin na kaibigan namin!" sigaw sakin ni Jungkook
"Madali lang sainyong sabihin na kalimutan siya dahil hindi naman kayo ang nawalan, Hindi kayo ang naiwan ng mag-isa, Akala mo niyo ba gusto ko na nagkakaganto ako? Hindi ko din gusto na maging ganito ako. Pero anong magagawa ko, Kahit anong pilit ko sa sarili kong kalimutan ang lahat, Wala padin namang nangyayari" napatungo ako upang hindi nila makita ang mga luhang isa-isa ng kumakawala sa aking mga mata "Mahirap kalimutan ang lahat ng ala-ala na naiwan sakin ng kaisa-isang babaeng minahal ko, Iyon nalang ang naiwan niya sakin bakit ko pa iyon kakalimutan? Kung kayo nagawa niyo siyang kalimutan ibahin niyo ako, Hinding hindi ko siya kayang kalimutan at para saakin nag-iisa lang siya sa mundong ito!"
Nagulat kaming lahat at napatingin kami kay Wendy dahil sa napakalakas niyang paghampas sa mesa "Sa tingin mo ba ikaw lang ang naiwan? Naiwan niya din ako, Siya lang ang bestfriend ko, sa tingin mo ba ikaw lang ang nahirapan makalimot? Ako din nahihirapan, Sa kabila ng mga pagtawa ko ng mga ngiti ko, Sa loob loob ko nasasaktan ako dahil sa tuwing ngingiti ako at tatawa ako naalala ko ang nag-iisang bestfriend ko, Ang babaeng nag-turo sakin kung paano ngumiti at tumawa, Ang babaeng nag-bigay saakin ng lakas ng loob para maging masaya, Sa tingin mo ba makakalimutan ko siya? Hindi ko padin nakakalimutan, Masakit padin hanggang ngayon, Pero naisip ko, Kung magiging malungkot ba ako, Kung ikukulong ko ang sarili ko sa mga ala-ala na naiwan niya saakin, Maibabalik paba siya? Matutuwa kaya siya na makita ang mga minamahal niya na nag-aakasaya ng buhay dahil lang sakanya, Hindi! Dahil alam ko na ang gusto ni Step, Kahit wala na siya gusto niya na maging masaya padin tayo sa buhay natin." mahaba niyang litanya
Napaiwas naman ako ng tingin sakanila, Kinuha ko ang Jacket ko sa upuan at walang paalam na umalis.
Pupunta nalang ako sa lugar kung saan saglit akong makakalimot sa lahat.
✘ ✘ ✘ ✘ ✘ ✘ ✘
A/N: Sabaw! Ang drama na naman ni Jimin </3 Sorna.
Comment & Vote!
Enjoy!
BINABASA MO ANG
Chasing Park Jimin | Completed
Romancesulli x jimin ff. | bangtan series #2 Matapos siyang iwan ng kanyang pinakamamahal, Matuto pa kaya siyang magmahal muli? Kung ang ka-isa isang babaeng mahal niya ay wala na. Paano kung mabuhay ito, Ngunit sa katauhan ng iba. Married to Park Jimin b...