Point of View: Jimin
"WHAAAAAAA! MAMATAY NA KAYO! MGA WALANG HIYA!" nagising ako sa pagkakatulog ko ng marinig ko ang malakas na sigaw dito sa rooftop
Pinagmasdan ko lang siya habang naiyak siya pero nagulat ako ng unti-unti siyang naglakad papunta sa pinakadulo ng rooftop. Balak niya bang tumalon?
Napatayo ako sa kinauupuan ko at agad siyang hinigit ng isang hakbang nalang ay mahuhulog na siya pero sa kasamaang palad ay nawala ako sa balance kaya naman natumba kaming dalawa at lalo naman akong nagulat dahil bigla ko siyang nahalikan. Bale ang pwesto namin ay ako ang nakapa-ibabaw sakanya.
Agad naman ako tumayo at inalalayan ko naman siyang makatayo din "Kung magpapakamatay ka wag dito" walang emosyon kong sabi
"Bakit mo ako hinalikan?" inis niyang sabi saakin
Wow! Ako pa ngayon ang may kasalanan sakanya. "Hindi ko sinasadya iyon. Aksidente lang yon at dahil iyon sa katangahan mo" sabi ko sakanya
"Pake-elamero ka kasi! Dapat hinayaan mo nalang akong mamatay!" galit niyang sabi saakin
Ako pa talaga ngayo ang may kasalanan ah. Dapat nga hinayaan nalang kitang mamatay kung ganito lang din naman ang mangyayari. "Edi tumalon ka diyan. Imbis na magpasalamat ka panay reklamo kapa" seryoso kong sabi at bumalik sa pwesto ko at muling ipinikit ang aking mata
Sinisira niya lang ang tulog ko eh. Tsaka bakit ko ba inaaksaya ang oras ko sa kanya hindi ko nga siya kilala. Naramdaman ko naman na tumabi siya saakin "Hindi tayo close kaya wag kang tumabi saakin" sabi ko habang nakapikit
"Oo na magpapasalamat na ako. Thank you dahil niligtas mo ako sa katangahan ko" sabi niya
Dumilat naman ako at tiningnan siya ng walang kaemo-emosyon "Hindi naman kita pinipilit na mag-pasalamat ah."
Inirapan naman niya ako "Ikaw na nga ang pinapasalamatan ganyan pa ang asta mo" sabi niya
Muli ko namang ipinikit ang mga mata ko "Okay! Makakaalis kana ngayon din iniistorbo mo lang ang tulog ko. Magpakamatay kana lang diyan hindi na kita pipigilan" sabi ko
"Alam mo ang yabang mo!" sigaw niya
Irita ko naman siyang tiningnan "Pwede ba? Nananahimik ako dito ngayon kung magiingay kalang pwede bang umalis kana lang. Kung alam ko lang na bwisit ka lang sana hinayaan na kitang mamatay" inis kong sabi sakanya
Unti-unti namang tumulo ang luha sakanyang mga mata "K-kasalanan mo to, Dapat hinayaan mo nalang akong mamatay! Wala din namang nagmamahal saakin, Sabagay sarili ko ngang nanay hindi ako kayang mahalin ibang tao pa kaya. Wala din namang kwenta ang buhay ko dahil wala din namang nagmamahal saakin, Dapat hinayaan mo nalang ako" naiyak niyang sabi
Umiwas naman ako ng tingin sakanya. May umiiyak na namang babae ng dahil saakin, Gago padin ako hanggang ngayon. Nagpapaiyak padin ako ng mga babae, Wala padin akong kwenta!
Kinuha ko naman ang panyo sa bulsa ko at pinunas ito sa basa niyang mukha "Tumahan kana, Ang sakit sa tenga niyang pag-iyak mo" sabi ko sakanya
Tinabig naman niya ang kamay ko mula sa kanyang mukha "Wag kana ngang mag-kunwaring may malasakit ka saakin. Pabayaan mo nalang ako! Umalis kana dito" sigaw niya
Wow! Ako pa ngayon ang pinapaalis niya samantalang ako nga ang nauna sa lugar nato "Alam mo babaeng-madrama, Hindi ko alam kung tanga ka o bobo ka o parehas pero ako kasi ang nauna sa lugar nato kaya kung meron mang dapat umalis saating dalawa ay hindi ako iyon, Ikaw yon" irita kong sabi sakanya
Point of View: Skyler
"Alam mo babaeng-madrama, Hindi ko alam kung tanga ka o bobo ka o parehas pero ako kasi ang nauna sa lugar nato kaya kung meron mang dapat umalis saating dalawa ay hindi ako iyon, Ikaw yon" irita niyang sabi saakin
Hanga na talaga ako sakanya, Bukod sa ang gwapo niya ang cool niya pa at higit sa lahat siya pa ang saviour ko pero kaso ang sama ng ugali niya pero dahil sa ugali niya lalo kaming nagiging bagay. Diba, Parehas kaming magandang nilalang, parehas kaming sikat, parehas kaming mayaman tapos parehas kaming masama ang ugali kaya naman bagay na bagay kami.
"Alam mo baka naman matunaw na ako sa sobrang titig mo saakin. Alam ko namang gwapo ako at nagwa-gwapuhan ka saakin pero pwede ba ayoko sa lahat ay yung pinagmamasdan ako" nabalik naman ako sa reyalidad ng magsalita siya ngunit nakapakit padin siya.
Tss. Naiinis na ako sakanya, Siya palang ang taong nakakabastos saakin ng ganito sa loob ng paaralan na ito. Kundi ko lang siya gusto kanina ko pa siya sinapak o baka sinisiraan kona siya sa lahat ng tao sa buong campus nato.
"Alam mo di lang pala ugali mo ang masama pati yang mukha mo! Feeling mo gwapo ka, Oo tama ka feeling mo lang yon! Bwisit ka!" inis kong sabi at tumayo na
Bakit nga ba nandito pa ako sa lugar nato, Hindi porque pogi siya at niligtas niya ako ay hahayaan ko nalang na ganyanin niya ako. Never akong papaapi sa mga taong nasa paligid ko.
Mabait pa naman ako ng kaunti sakanya dahil nga type ko siya at nagkiss kami at niligtas niya ako kahit naman masama ang ugali ko marunong pa naman ako tumanaw ng utang na loob kaya pinipilit kong maging mabait sakanya pero siya wala yata siyang bait na sa katawan niya. Hindi yata niya ang salitang 'BAIT'
Umalis na ako sa rooftop at bumalik na sa classroom, Bakit ko nga bang naisipang magpakamatay? Syempre dahil na naman sa babaeng pinakakinasusuklaman ko sa lahat. Wala siyang utang na loob matapos siyang alagaan ni Mama at mahalin sisiraan niya lang ito sa harap ng mga tao.
Buti nalang talaga nailigtas ako ng lalaking yon kanina, Ano nga bang pangalan niya? Jimin? Gagantihan ko siya, Tingnan natin kung makakabangon kapa sa maninirang gagawin ko sayo.
Pumasok ako sa classroom namin at saktong wala namang kaming teacher kaya daretdaretso lang ako sa upuan ko pero natigil ako dahil sa mga bulungan ng mga kaklase ko.
'Tss. Kabit pala ang Mommy niya'
'Hindi lang kabit, Pokpok pa daw'
'Oo, Girl napanood niyo ba yung video? Kalat na yun sa buong campus'
'Oo napanood ko yon girl. Kaya pala namatay ang mommy ni Stephan dahil sa kalandian ng Mama niya. Kawawa naman pala si Stephan'
'Tss. Kaya nga siya pa yung hinuhusgahan natin siya na nga yung naagawan ng karapatan'
Sari-saring bulungan tungkol sa Mama ko at saakin ang maririnig mo sakanila. Okay lang saakin kung ako nalang ang pinagchi-chismisan nila pero hindi okay saakin na pati ang Mama ko ay idadamay nila.
Hinanap ng mga mata ko ang pagmumukha ni Stephan, Tuturuan ko siya ngayon ng leksyon dahil wala naman ang teacher namin ako nalang ang magtuturo sakanya ng leksyon. Hindi ako papayag na maging masaya siya habang ako at ang mama ko ay nasisira ng dahil sa kagagawan niya.
Sisiguraduhin ko na pagkatapos ng gagawin ko ay magsisisi siyang kinalaban at lumaban pa siya sa Queen ng Campus nato. At hinding-hindi niya maagaw ang titulong iyon dahil para saakin lang ito.
Lumapit ako sakanya habang naluluha ang aking mga mata "S-stephan" tawag ko sakanya habang naiyak
Mukha namang nagulat siya dahil sa itsura ko. Tss. Mas magulat ka sa gagawin ko sayo "Skyler, Bakit ka naiyak?" tanong niya
Lumapit naman ako sakanya at niyakap siya "S-sumama ka saakin gusto kitang maka-usap at humingi ng tawad sa mga nagawa ko sayo" naiyak kong sabi
Nakwento ko ba sainyo na dati kaming mag-bestfriend ni Stephan pero dahil siya ang gusto ng lahat pati ng Mama ko ay ginawa ko ang lahat para naman maiba ang tingin sakanya ng lahat at nagawa ko iyon dahil magaling ako.
✘ ✘ ✘ ✘ ✘ ✘ ✘
Comment & Vote!
Enjoy!
BINABASA MO ANG
Chasing Park Jimin | Completed
Romancesulli x jimin ff. | bangtan series #2 Matapos siyang iwan ng kanyang pinakamamahal, Matuto pa kaya siyang magmahal muli? Kung ang ka-isa isang babaeng mahal niya ay wala na. Paano kung mabuhay ito, Ngunit sa katauhan ng iba. Married to Park Jimin b...