Twelve

2.2K 106 3
                                    

Point of View: Jimin

"Bakit ganon mo nalang itrato ang pamilya mo?" tanong ko sakanya 

Hindi naman siya tumingin saakin at nanatili lang na nakatingin sa labas ng bintana "Dahil ganon din nila ako itrato" malungkot niyang sagot 

"Sa nakita ko kanina hindi ganon ang tingin ko. Meron silang malasakit sayo lalong-lalo na ang step mom mo" 

"Pwede ba? Wag kang maki-alam sa buhay ko! Hindi mo alam kung ano ang mga ugali nila. Sila ang dahilan kung bakit mag-isa ako ngayon sila ang dahilan ng pagkasira ng buhay ko!" punong-puno ng galit niyang sabi 

"Pero hindi ba pwedeng patawarin mo nalang sila? I'm sure hindi din naman nila ginusto ang nangyari lalo na ang Daddy mo" 

"Patawarin? Ikaw ba kayang mong patawarin ang pumatay sa asawa at magiging anak mo? Kaya mo ba siyang patawarin nalang? Mahirap yang sinasabi mo, Napakahirap" 

Oo nga, Tama siya! Mahirap nga ang sinabi ko. Dapat hindi kona lang sinabi iyon para hindi ko nalang naalala ang araw nayon! Ang walangyang driver ng truck nayon. Hinding hindi ko siya mapapatad at pag-nagkita kami hindi ko alam ang magagawa ko sakanya. Nang dahil sakanya naglaho ang buong pangarap ko nang dahil sakanya nawala ang buhay ko.

"S-sorry kung pinaalala ko pa sayo" 

Tiningnan ko naman siya at nginitian "Okay lang. Ako naman ang may mali hindi na dapat ako nakikialam sa buhay mo" 

Hindi na naman niya ako sinagot at binalik nalang ang tingin sa labas ng bintana. Ilang minuto din kaming tahimik sa sasakyan ng marating din namin ang bahay nila Taehyung. Napagdisisyonan kasi naming sa bahay niya nalang kami magcelebrate ng birthday ko. 

"Andito na tayo" bumaba naman ako at pinagbuksan siya ng pinto

"Kaninong bahay to?" tanong niya 

"Kay Taehyung. Tara pasok na tayo sa loob hinihintay na nila tayo" nakangiti kong sabi hinawakan ko naman ang kamay niya at sabay na kaming pumasok 

Siguro ito na ang tamang panahon para buksan ko ulit ang puso ko. Siguro siya na ang binigay ng diyos para pasayahin at bigyang kulay muli ang buhay ko, Pero natatakot ako sa pwedeng mangyari, Baka gaya ni Step iwan niya din ako. Ayoko nang maulit pa ang nangyari noon kaya hanggat hindi pa lumalala ang nararamdaman ko siguro mas maganda nang lumayo na ako.

Binitawan kona ang kamay niya ng nasa tapat na kami ng pintuan "Mauna kanang pumasok may kukunin lang ako sa kotse" sabi ko 

Mali itong nararamdaman ko sakanya, Hindi ito dapat mangyari dahil nangako ako kay Stephanie na siya lang ang una at huling babaeng mamahalin ko. Hindi ko dapat sirain ang pangako kong iyon sakanya dahil kahit wala man siya dito sa mundo alam kong nakikita niya ako at ayokong malungkot siya kapag nalaman niyang ipinagpalit ko siya.

"Birthday boy bakit nandito kapa?" napatingin naman ako sakanya, Si Jin hyung 

"Wala lang hyung"

Inakbayan naman niya ako "May problema ba?" tanong niya 

Sa ilang taon naming magkakasama kilala na namin ang isa't isa kaya kahit anong pagsisinungaling ko sakanya alam kong hindi siya maniniwala. "Wag mo nang itry na magsinungaling hindi bagay" pangunguna niya 

"Hyung... Tingin ko gusto kona siya" paninimula ko 

"Oh, Bakit di mo ligawan?"

Umiling-iling naman ako "Hindi pwede hyung, Nangako ako kay Stephanie na siya lang ang babae sa buhay ko"

Chasing Park Jimin | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon