Point of View: Jimin
"Mauna na ako sa room" bored kong sabi kila Hyung. Tumango naman sila.
Kinuha ko yung shake ko at nauna na sa room. Habang naglalakad ako ay biglang may bumangga sakin dahilan para matapon sakanya yung dala-dala kong shake. Sh*t, Yung shake ko sayang!
"F*ck!" gulat na gulat niyang sigaw, Tumingin naman siya sakin na nanlalaki ang mata "Hoy! Hindi kaba natingin sa dinadaanan mo?!" galit niyang sabi sakin
"Hindi" tipid kong sagot, Lalagpasan kona sana siya ng bigla niya akong batukan ng malakas. Kaya naman napatingin ako sakanya ng masama "Sino ka para gawin sakin yon!" galit kong sigaw sakanya.
"Lexia Stephan Jonson!" taas kilay niyang sabi sakin 'Stephanie' bigla namang nawala ang galit ko ng maalala ko ang unang beses na pagkikita namin ni Stephanie, Ng babaeng mahal ko.
Flashback....
Hinahanap ko ngayon yung classroom na sinabi sakin nila Hyung, Hindi ko kasi masyadong alam ito dahil bagong lipat lang kami ng paaralan.
Habang natingin ako sa bawat classroom na nadadaanan ko ay biglang may bumangga sakin at natapon saakin ang hawak hawak niyang starbucks. Napatingin ako sakanya ng masama. Badtrip! Kapapasok ko pa nga lang matatapunan na agad ang uniform ko.
"Naku! Sorry! Sorry! Sorry!" paulit ulit niyang sabi at kumuha siya sa bulsa niya ng panyo at pinunas ito sa uniform ko, Agad ko namang tinapik ang kamay niya dahil baka pasimpleng chansing na siya sakin.
"Tatanga-tanga ka kasi!" inis kong sabi sakanya, Habang pinupunasan ang malalagkit na kapeng natapon sakin. Kainis!
Yumuko naman siya "Sorry talaga! Nagmamadali kasi ako"
"Ano pa bang magagawa ko? Natapon na naman diba? Alangan namang padilaan ko sayo yung mga natapon" inis kong sabi sakanya at nilagpasan siya. Ngunit bago pa man ako makaalis ay muli siyang nag-salita
"Salamat! Ako nga pala si Stephanie Paula Choi! Ikaw anong pangalan mo?" sigaw niya
Humarap naman ako sakanya "Jimin, Park Jimin" sabi ko at tinalikuran na siya ng tuluyan.
End...
"Hoy! Natulala kana diyan" napatingin naman ako sakanya habang pinupunasan ang sarili dahil sa shake na natapon sakanya.
"Pasensya na, Hindi ko sinasadya" walang emosyon kong sabi sakanya
"Tss. Ano pa nga bang magagawa ko, Natapon na! Alangan namang padilaan ko sayo itong uniform ko para mawala yung shake na natapon. Kainis" inis niyang sabi
Napansin ko naman na natigil siya sa ginagawa niya, Kaya naman napatingin ako sa paligid at nakatingin na samin yung mga tao. Kanina pa nga pala kami nandito sa gitna.
'Tss. Malandi talaga'
'Pasimpleng landi'
'Si Jimin talaga ang balak niyang landiin? Gusto niya bang makalbo ng fangirls ni Jimin. Landi landi kasi'
'Kunyaring nagagalit pero sa loob loob niya tuwang tuwa siya dahil nalalandi na niya si Jimin'
Napatingin naman ako sakanya na ngayon ay nakatungo. Hinigit ko naman siya paalis sa mataong lugar na iyon dahil halata naman sakanya na iiyak na siya ilang sandali nalang kapag tumagal pa kami doon.
Nang wala nang masyadong tao sa napuntahan namin ay binitawan ko na siya, Kinuha ko ang Jacket ko sa bag ko at binigay sakanya "Isuot mo muna yan. Balik mo nalang sakin" sabi ko sakanya
BINABASA MO ANG
Chasing Park Jimin | Completed
Romancesulli x jimin ff. | bangtan series #2 Matapos siyang iwan ng kanyang pinakamamahal, Matuto pa kaya siyang magmahal muli? Kung ang ka-isa isang babaeng mahal niya ay wala na. Paano kung mabuhay ito, Ngunit sa katauhan ng iba. Married to Park Jimin b...