Thirteen || Epilogue

2.9K 133 47
                                    

Point of View: Jimin

After 3 days....

"Ayan na siya, I-ready niyo na yung mga itlog"

"Mukhang magiging masaya to ah" 

"Humanda siya" 

"Hyung, Hindi mo ba sila pipigilan sa gagawin nila?" tanong saakin ni Jungkook 

"Bakit ko naman gagawin yon? Wala akong pake kung ano mang gawin nila sa babaeng yan" malamig kong sagot sakanya 

"Sama mo talaga, Ako nalang ang tutulong sakanya" sabi ni Wendy 

"Sige, Kung gusto mong madamay tumolong ka sakanya" malamig ko pading sabi 

Simula ng iwan niya ako, Wala na akong pake sakanya! Siya naman ang may kagustuhang wag siyang protektahan at madali naman akong kausap kaya ngayon hahayaan kona siya. 

Bumukas na ang pinto at iniluwa siya nito, Sunod sunod naman siyang binato ng itlog ng mga kaklase namin, Hindi sila nagsawa hanggang sa maubos na nila ang mga itlog na binili nila. Hindi mo nadin makikilala ang binato nila ng itlog dahil balot na balot na siya ng pula ng itlog. Kawawang babae.

"Kawawa naman siya" malungkot na sabi ni Wendy 

"Dapat tinulungan natin siya" sabi naman ni Suga 

"Hayaan niyo nga siya, Diba nga hindi niya kailangan ng tulong natin. Dapat lang yan sakanya" 

Pumalakpak naman ang loka-lokang si Skyler at lumapit kay Stephan "My poor step sister! Kawawa ka naman! Hahahaha!" 

Kung hindi lang masamang pumatol sa babae matagal konang pinatulan ang babaeng yan, Sa tuwing nakikita o naririnig ko lang ang boses niya nasisira na ang araw ko. 

Meron naman siyang hawak na isang itlog at hinulog niya ito sa ulo ni Stephan. Tumayo naman ako sa upuan ko "Saan ka pupunta? Wag mong sabihing makiki-alam ka sa kanila" tanong ni Rapmonster 

Seryoso ko naman siyang tiningnan "Hindi. Ayoko sa lugar na to kaya aalis muna ako" 

Nang madaanan ko siya ay hindi ko mapigilan ang sarili kong tulungan siya, Pero hindi yon pwede mas maganda nang hindi kami nagpapansinan at napapaki-alamanan para hindi na kami mahulog sa isa't isa. Tama naman kasi siya hindi pa ako handang saluhin siya.

Lalagpasan kona sana siya ng biglang may humawak sa aking kamay "Hey Babe, Saan ka naman pupunta?" landi talaga ng babaeng to. 

"Skyler, Bitawan mo nga ako" punong-puno ng awtoridad kong sabi 

Nginisian lang naman niya ako at hinigit papunta sakanya "May ilan lang akong katanungan sayo kaya wag kang masyadong high blood" 

"Tss. Ano ba yon?" irita kong tanong

"Okay, Kilala mo ba ang babaeng nasa harapan mo ngayon?" sabi niya at hinarap ako kay Stephan 

Napatakim naman ako ng ilong dahil ang langsa lang ng amoy niya "Sh*t! Ang baho!" irita kong sabi 

Nagtawanan naman silang lahat dahil sa naging reaksyon ko at doon ko lang narealize na si Stephan nga pala ang babaeng nagmamay-ari ng amoy nayon "Opps! Sorry sinabihan ka niya ng mabaho kasi naman ginagawa mong pangligo ang itlog. Hahaha" natatawang sabi ni Skyler

Hindi naman siya nagsalita at umalis nalang. Gusto ko man siyang ipagtanggol pero pinipigilan ako ng katawan kong gawin yon dahil mali iyon "Kawawang Stephan!" masayang sabi ni Skyler 

Chasing Park Jimin | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon