Nagdaan ang mga araw at nagpatuloy sa normal ang pamumuhay ni Ziporah.Trabaho sa bahay,asikaso sa salbaheng ama at ang walang katapusang pangugutya ng mga tao sa kanya.Isang araw ay nagbubungkal sya ng lupa sa likod bahay para taniman ng mga talbos ng kamote ay may tumawag sa kaniya.
'Ziporah,psst! Ziporah!
Paglingon ng bata ay nabitawan nya ang palang dala ng si Niko pala ang tumatawag sa kanya.Dali dali stang tumakbo papasok sa kanyang bahay at sinara ang pinto.
Sumunod naman sI Niko at tinawag syang muli.
'Ziporah,bakit ka tumatakbo sa akin?Mabait naman ako ah.Gusto ko lang sanang makipagkaibigan.' ng batang lalaki.'Bakit ka ba makikipagkaibigan sa akin?Eh ang dami mo ng kaibigan tsaka pagtatawanan ka lang ng lahat ng mga tao dahil makikipag kaibigan ka sa isang pangit.'
'Oo totoo,hindi nga normal ang hitsura mo Ziporah pero hindi ibig sabihin ay hindi rin magiging normal ang takbo ng buhay mo.Kailangan mo nang karamay at nandito ako'.
Naawa ang batang babae kaya lumabas na ito ng bahay at may telang nakatalukbong sa ulo para itago ang nakapangingilabot na hitsura.Lumapit si Niko at ibinaba ang telang bumabalot sa pagmumukha nito.
'Hindi mo kailangang gumamit pa nito Ziporah dahil ang tunay na kagandahan ay makikita dito.' sabay turo sa puso nyaSimula noon ay naging matalik silang magkaibigan.Si Niko ang kanyang tagapagligtas sa mga batang nang aapi sa kanya ang kanyang napagsasabihan sa lahat ng sama ng loob at nagpapangiti sa kanya.
Palagi silang pumupunta sa ilog at tinuturuan sya ni Niko na lumangoy.Umaakyat din ito sa puno ng mangga at nangunguha ng hinog para may makain sila.
Minsan din ay binigyan sya ni Niko ng pagkain luto ng kanyang nanay at masaya nyang inihain iyon sa kanyang ama.
'Oh,saan naman galing to?Bat parang masarap?Ninakaw mo? tanong ng kanyang ama.
'Hindi po itay,galing iyan kay niko,yung bago kong kaibigan.'Luto ng nanay nya iyan.
'Aba,at may makikipag kaibigan pala sa iyo ha?Biruin mo nga yun..Oh baka nananaginip ka lang at talagang nibakaw mo ito.Hala sya! kakain ako at kumuha ka ng tubig.
Iniintindi na lang ni Ziporah ang kanyang ama dahil mahal na mahal nya ito.Sya lang ang pamilya meron sya.Kahit palagi sya nitong sinasaktan ay nagtitiyaga pa rin itong nagtatrabaho araw araw bilang driver ng truck ng mga gulay para may makain sila.Sa isip nya ay sa puso ng ama ay mahal talaga sya nito.Siguro ay hindi lang maipakita dahil sa sakit na iniwan ng kanyang mama Isabel.
Ang kanyang ina,na kailanman ay hindi nya nasilayan.Kahit larawan ay wala.Minsan nasabi ng kanyang ama na napakaganda ng kanyang ina. Pero palagi nyang iniisip kung bakit ganoon ang hitsura nya samantalang normal ang kanyang ama at ina.At dumating sa puntong hindi na nya iyon iniisip dahil wala rin namang kasagutan makukuha sa kakatanong nya sa isip.
Halos isang taon ding naging magkaibigan sina Ziporah at Niko ng isang araw ay hinintay nya ito sa ilog dahil napag usapan nilang magkita doon.Natapos na lang ang buong maghapon ay walang Niko na dumating.Naisip nya na baka may inuna lang itong ginawa..
Ngunit lumipas ang mga araw,linggo ay hindi talaga nagpapakita si Niko sa kanila.Kaya naglakas loob sya na puntahan ito sa kanilang bahay..
May nakita syang isang babaeng nagwawalis sa tapat ng bahay nina Niko pero alam nyang hindi naman iyon ina o kamag anak nina Niko.
'Ale,ale,nasaan po si Niko? tanong nya dito.
'Hesus ko aswang!. sabay tapon ng walis sa kanya. 'Sinu ka? Huwag kang lalapit sa akin!! takot na takot na ang babae
'Kaibigan po ako ni Niko,gusto ko lang tanungin kung nasaan po sya.'
'Si Niko ba kamo yung anak ng may ari ng bahay na ito?Isang buwan na silanh wala dito.Lumuwas ng Maynila atat doon na sya mag aaral.Kami ang nakabili ng bahay ay lupa na ito at dalawang linggo na kaming nakatira dito..' sagot ng babae
Hindi makapaniwala si Ziporah at patakbong tinungo ang ilog at doon binuhos ang lahat ng kanyang luha..
Wala na ang kanyang kaibigan,ni hindi man lang nagpaalam.Ang lalaking kanyang tagapang tanggol,ang lalaking tanging kanyang minahal...

BINABASA MO ANG
Matakot ka sa IMPAKTITA!!
HorrorSa isang babaeng pinagkaitan ng kagandahan ay magpapatuloy ang isang sumpa. Sa kanyang taglay na alindog ngayun ay ilang lalaki kaya ang mapapasakanya? Uhaw sa dugo at laman at uhaw sa pagmamahal. Sabay sabay nating tunghayan ang storya ng babaeng I...