Dedicated to @iamsohappee
Ngayon,akoy isang ganap na pulis.Sa tulong ng aking sundalong ama ay mabilis akong natutu..Maagang nakapagtapos sa edad na dise nueve..Ka gra graduate ko lang noon dakawang taon.At ngayon Pulis na nga..Bago pa lang pero marami na rin akong naitulong sa bayan..
Aaminin ko..Sa aking biglaang pag uwi dito sa aming probinsya ay hindi ko rin alam ang dahilan.Kahit sina Ama at ina ay nabigla rin sa aking biglaang pag file ng leave..
Isa lang ang dahilan kung bakit ako nandito..
Si Ziporah....
Halos ilang gabi akong hindi makatulog dahil ibang iba ang aking nadarama.Hindi ko mawari sa anung dahilan..Hanggang sa isang araw ay parang may bumulong sa aking puso kung anu ang dahilan ng mga kakaibang gabi at araw na iyon..
Si Ziporah..ang aking kaibihan..Kailangan nya ako..
Mag a alas dose na at pinuntahan ko ang aking lolo at lola..Kalapit lang iyon ng bahay namin..
Nagulat sila sa aking pagdating..Umiiyak pa sila sa sobrang kasayahan..Kay tagal na nga pala..Kay tagal nang akoy mawala.
Nagpa ihaw ng maraming manok at kinatay pa ang isang baboy.Sobrang tuwa ng aking mga Kapamilya ng marinig nila na akoy dumating..Nagsidatingan din sila.Ang aking mga tito..mga tita.. mga pinsan at dala ang mga supling..Nakakatuwa..sobrang saya ko..buong maghapon kaming kumain ng kumain at nagkantahan dala ang gitara ng aking tiyo..
Mag a alas otso ng isa isang nag siuwian ang aking mga kapamilya..Ang ibay sobrang lasing na at doon na lang sa balkonahe ng lolo natulog..At sina lolo..ayun..lasing na lasing..
Ibang iba pala talaga ang naidudulot na saya ng iyong kapamilya..
Apat na lang kaming natira sa lamesa..Ang mga pinsan kong masasayang nag inuman ay wala pa yatang balak umuwi..
Hanggang sa umabot kami sa mga kwentong buhay namin..
'Ay pinsan,huwag kang mabibigla ha?Siguro hindi mo pa alam.. sabay tapik ng kanyang pinsang lalaki sa kanyang likod..
Agad akong natakot sa kanyang sasabihin.Anung hindi ko alam?Anung hindi ko dapat ikabigla?
'Bakit pinsan?Anung sasabihin mo?Tungkol saan ba iyan..
Alam kong marami na akong nainom pero biglang nawala ang lahat ng iyon sa isang iglap.'Pinsan,si Ziporah kasi'.. hindi nya natapos ang kanyang sasabihin dahil bigla akong napatayo..
'Huwag kang mabibigla pinsan..si Ziporah...diba naging matalik kayong magkaibigan nun..Wala na sya pinsan..patay na sya..
Agad akong nabigla sa sinabi niya..At gusto kong itanong sa kanya kung totoo ba ang kanyang sinasabi o dulot lang iyon ng kalasingan at nag tri trip lang.Pero hindi ko maibuka ang bibig ko sa pagkabigla..Ito na ang pinakamatinding sakit,pagkalito at habag na nangyari sa buong buhay ko..
Naintindihan siguro na aking pinsan ang aking pagkabigla at kanyang pinagpatuloy ang pagsasalita.
'Hinalay sya pinsan ng higit pa isang lalaki daw at binaboy..Pagkatapos ay punong puno ng saksak ang katawan.Halos hindi na nga makilala ang kanyang mukha noon.Tinapon pa sya sa ilog..At hanggan ngayon..hindi pa rin nahuhuli ang mga salarin'
Hindi ko na alam pa ang mararamdaman sa mga sandaling ito..
Lahat yata ng luha ko sa buong buhay ko ay uma agos na..Galit na galit ako at nakakuyom ang mga kamay..sa isang iglap ay sumuka ako at umiikot na ang aking paligid..At nawalan ng malay...

BINABASA MO ANG
Matakot ka sa IMPAKTITA!!
HorrorSa isang babaeng pinagkaitan ng kagandahan ay magpapatuloy ang isang sumpa. Sa kanyang taglay na alindog ngayun ay ilang lalaki kaya ang mapapasakanya? Uhaw sa dugo at laman at uhaw sa pagmamahal. Sabay sabay nating tunghayan ang storya ng babaeng I...