VII

3K 104 0
                                        


Bago sumikat ang araw ay nagising ang dalaga.Para syang naalimpungatan sa napakasamang panaginip.Agad syang tumayo at nilinis ang sarili dahil puno sya ng lupa.Nang bigla syang natigilan dahil sa nakita kung saan sya naroroon..

'Minteryo??Anung ginagawa ko dito?Bakit ganito ang suot ko?Sa patay?' bulong ng dalaga sa sarili..

Bigla nyang nilingon ang kinatatayuan nya at namilog ang mata sa nakita.Lapida!Lapida ng kanyang pangalan!

Ziporah Galvez
April 7, 1997 - July 30, 2015

Nangilabot ang dalaga sa nabasa at namutla.Pinagpapawisan at halos hindi na makahinga.

'Patay na ba ako?Multo ko na ba ito?Bakit wala akong maalala?' ng dalaga sa sarili

Agad syang tumakbo palabas ng burol na syang kinaroroonan ng sementeryo at dali daling tinuon ang tahanan.

Sa isip ni Ziporah ay ang kanyang ama.Nag alala ba ito?Hinanap kaya sya nito?
Natatakot sya na baka galit na galit na ito sa kanya.Baka wala itong makain sa almusal dahil hindi sya, nakapaghanda.Kailangan nyang magmadali para maka abot sa pagluluto bago lumakad ang kanyang ama.

Sa wakas ay narating din nya ang tahanan.At nakita ang ama sa labas ng bahay na nagsisibak ng kahoy na syang trabaho nya at natakot nana naman dahil imbis trabaho nya ayat ginawa ng kanyang ama.

'Tay' sambit ng nakayukong dalaga sa ama. 'Tay,patawad po,nakatulog po yata ako sa sementeryo'.

Natigilan si Miguel sa narinig at nakita.Isang napakagandang babae ang nasa harapan nya.Kay kinis at pino ng kutis..Magandang hugis ng kilay,matangos na ilong,magagandang mata,at maininipis na labi.
Katawang sobrang hubog at mataas na kulot kulot na buhok.

Isang Dyosa!

Ngunit anu nga ba ang tawag sa kanya?Itay?Patay na ang kanyang anak at iyon ay si Ziporah!

'Sinu ka?Bakit mo ako tinatawag na itay?Patay na ang nag iisa kong anak! At hindi ikaw iyon!!Huwag mong paglaruan ang namayapa kong anak babae.Umalis ka ngayon din sa harapan ko! galit na sigaw ni Miguel.

'Itay?Anu ho bang nangyayari sa inyu?Ako to si Ziporah,ang anak nyo.Bakit nyo ako tinataboy?Ayaw nyo na ba sa akin? huhuhuhu.' timpi ng dalaga

'Hindi ikaw ang anak ko,patay na sya.Anu bang problema mo?Bakit mo ginagambala ang tahimik kong buhay?Kung ano ang plano mo..maaari ba..huwag mo akong idamay.Mahirap lang akong tao at kamamatay lang ng anak ko.Umalis ka na..bago pa magdilim ang paningin ko.' ni Miguel

'Itay..huhuhu..Hindi nyo ba ako nakikilala?Bakit mo ako tinataboy?Ayaw nyo na ba sa akin?Isang gabi lang akong nawala ay ikinakaila mo na akong patay?Buhay ako tay buhay!!! Humihinga! Bakit sinasabi mong patay ako eh nasa harapan nyo ako??huhuhu

Masakit ang ulo ni Miguel at gusto ng magpahinga kaya iniwan nya ang dalaga na umiiyak sa labas at sinara ang pintuan.

Sigaw ng sigaw ang dalaga sa labas na kumakatok upang pagbuksan ay hindi magagawa ni Miguel.
Matagal ding hindi tumigil ang babae at siguroy napagod na ito at biglang natahimik at umalis.

Isa lang ang ipinagtataka ng lalaki at ikinalito.
Bakit suot nya ang suot ni Ziporah sa kabaong nito??


Samantala ay napagod na sa kaiiyak ang dalaga at pinili na lang pumunta sa ilog kung saan naiilalabas nya ang lahat ng hinaing sa mundo..Babalik na lang siguro sya kapag humupa na anglang galit ng ama.Natakot sya sa sinabi nitong patay na sya.Siguro ay sa galit nito kaya nakapagsalita ito ng ganoon..

Kitang kita nya ang linaw ng ilog sa di kalayuan at patakbo syang tinungo ito.Parang kaytagal nyang hindi ito napuntahan at gigil na gigil na magtampisaw dito..

Nang makarating sya ay agad yumuko para kumuha ng tubig at ihilamos ng matigilan sya sa nakita..

Isang repleksyon ng napakagandang babae.Sa pagmumukha nya?
Umatras sya at natakot..
Ibinalik muli ang paningin sa tubig at ito pa rin ang nakikita nya...

Mukha ng isang napakagandang babae...

Matakot ka sa IMPAKTITA!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon