'Niko!!!
Napabalikwas si Ziporah matapos ang isang napakahabang panginip.Nakita nya si Niko.Iyon lang ang naalala niya at wala ni isang detalye pa.
Nagtataka ay iginala nya ang paningin sa paligid.Nasa gitna sya ng mga kakahoyan..Mga nagsisitaasang punongkahoy..At bigla nyang naalala ang lahat lahat..
Lahat ng kanyang natuklasan.Sumasakit na naman ang kanyang ulo sa natuklasan.Pero wala syang magawa kundi tanggapin ang kanyang kapalaran..
'Bakit ko ba napanaginipan pa sya?Ilang taon na ang nakalipas..kumusta na kaya sya' pakikipagusap ng dalaga sa sarili habang naghahanap ng daan pauwi..
Mga ilang minuto pa ang lumipas ay iginala nya ang kaniyang paningin..at kanyang napagtanto na nawawala sya..hindi nya alam kung nasaan sya..saan sya uuwi at anu ang uuwian nya sa kanyang tinutuluyan..
Sa isip ng dalagay ayaw na nyang bumalik sa motel na kanyang tinutuluyan.Siguroy may makakapagturo na sya ang may kagagawan ng lahat ng patayan..
Sobrang taas na ng sikat ng araw ng matanaw nya ang sementadong daan.Dali dali nya itong tinakbo at nakalabas din sya sa wakas..
Nakapaang naglalakad sa daan at nagbabakasakaling may sasakyang magpapasakay sa kanya at madala sya sa kung saan man sya dalhin..Nang di umanoy...
Isang truck ng mga gulay ang paparating..Pinara nya ito at huminto naman..
Bumaba ang lalaking nasa edad trenta..Tiningnan syang mabuti mula ulo hanggang paa.Paulit ulit pa itong lumulunok at alam na alam nya ang dahilan..
Tatakbo sana sya palayo para iwasan ang isang trahedyang mangyayari pero biglang uminit ang katawan nya..
'Saan ka ba nanggaling miss at bakit ganyang ang hitsura mo?
Sinuri nya ang kanyang sarili at oo nakapaa lang sya at nang makita ang damit na sobrang nipis at bakat na bakat ang hubog ng katawan,alam nya ang ibig sabihin ng malalagkit na tingin ng lalaki.
'Bakit mo ako pinara? Sasakay ka ba? ng lalaki na may malademonyong ngiti..
'Sa langit.Sasama ka?
Panlilinlang ni Ziporah.Hindi na agad sumagot ang lalaki dahil dali dali nyang sinunggaban ng halik ang dalaga at naglalakbay na ang mga kamay.Hindi naman ipinagkait ng dalaga ang init na nadarama at nakipagsabayan din ito..Hayuk na hayuk..Laman sa laman..
Dinala nya ito sa loob ng gubat at doon pinatikim ang pakikipagniig na walang katulad at ilang minuto lang ang nakalipas ay isang nakakagulantang na sigaw ang umalingawngaw..
Nilinis ng dalaga ang sarili..Humayo at bumalik sa kalsada upang makakita ng masasakyan..At sakto namang may dumaang bus at agad syang sumakay..
Nakatulog sya sa sobrang pagod na nararamdaman at iisa ang nasa isip ng dalaga...
'Niko' habang nakapikit

BINABASA MO ANG
Matakot ka sa IMPAKTITA!!
HorreurSa isang babaeng pinagkaitan ng kagandahan ay magpapatuloy ang isang sumpa. Sa kanyang taglay na alindog ngayun ay ilang lalaki kaya ang mapapasakanya? Uhaw sa dugo at laman at uhaw sa pagmamahal. Sabay sabay nating tunghayan ang storya ng babaeng I...