This chapter is dedicated to @SaeRivera
Thank you kasi na a appreciate mo yong work ko.. :)
Nagkagulo ang mga tao ng isang umaga ay nakita nila ang katawan ni Ziporah na nagpalutang lutang sa ilog.Walang saplot at tadtad ng saksak.Gumuhit sa mga mukha ng lahat kung sino ang gumawa nito sa dalaga.Oo nga at pangit at kamuhi muhi ang itsura nito pero wala naman itong nagawang masama.Naging mabuti itong tao sa kabila ng pang aaping natatanggap nito sa mga tao.Agad na tinakbo ng isang lalaki ang ama ng dalaga saat kubong tinutuluyan nito.
'Manong,manong.Si Ziporah,patay na.Nandoon sa ilog,may nakakita sa kanyang katawan na nagpalutang lutang' sigaw ng binata sa ama ni Ziporah.
Biglang natigilan ang lalaki..Oo..maghapon ngang hindi umuwi ang kanyang anak at kataka takang hindi rin ito umuwi kagabi.Hindi nga nya pinag aksayahang hanapin ito kahit ni isang sigundo.Inisip pa nyang mas mabuti pang hindi na ito magpakita kailanman.
Pero ang marinig na patay na ito at nagpalutang lutang sa ilog ay ang mga salitang ayaw nyang tanggapin.Hindi sya makapaniwala.Alam nya sa sarili nya na hindi nga nya naipakaita sa anak ang isang pagmamahal ng isang ama.Palagi nya itong sinasaktan at minamaltrato.Pero ang malamang wala na itong buhay ay labis labis sa kanyang pandinig.
Agad nyang tinakbo ang ilog para makumpirma kung totoo nga ang sinabi ng binata..
Pagkatapos ng ilang minuto ay nakita nga nya ang walang buhay na anak.Walang saplot sa katawan at puno ng saksak..
'Hindi!!! Sino ang gumawa sa iyo nito anak..Sino... huhuhu' hagulgol ng kanyang ama.
'Anak,anak ko..anak ko.'
At nawalan ng malay ang ama ng dalaga.Ibinurol na nga ang labi ng dalaga sa maliit na kubo nila.Maraming dumalo dahil nakiki usyoso lang at hindi naman talaga nakiki dalamhati.Siyam na araw din ang lumipas at hinatid na rin sa kanyang huling hantungan ang dalaga.Nireport ng kanyang ama ang nangyari sa mga kunauukulan pero walang balita.Wala raw nakakita at walang ebidensya.Masakit man tanggapin sa isang ama ay tinanggap na lang nya na sa ngayon ay hindi pa uusad ang kaso.
'Patawarin mo ako anak.Sa mga kasalanang nagawa ko sa iyo.Mahal kita.Hindi mo man narinig ay maririnig mo rin sa langit.Mahal kita anak at patawad kung naging malupit ang mundo sa iyo.Patawad kung hindi mo man lang nasilayan ang iyong ina.Patawad kung pinaglupitan ka ng mga taong lumapastangan sa iyo..Pangako,ipaghihiganti kita.Mahal na mahal kita'
bulong ng ama ni ZiporahAt doon sa ilalim ng lupa ay nakahimlay na ang katawan ng dalaga.
Tahimik.Walang nang aalipusta.Walang ingay,walang gulo at wapang manlalait.Pero hindi alam ng dalaga o nang sinu man na ang kanyang kamatayan ay isang simula ng walang hanggan.
Isang sumpa,isang pamana na magpapabago sa kanyang buhay ...

BINABASA MO ANG
Matakot ka sa IMPAKTITA!!
HorrorSa isang babaeng pinagkaitan ng kagandahan ay magpapatuloy ang isang sumpa. Sa kanyang taglay na alindog ngayun ay ilang lalaki kaya ang mapapasakanya? Uhaw sa dugo at laman at uhaw sa pagmamahal. Sabay sabay nating tunghayan ang storya ng babaeng I...