Nagkagulo ang mga tao ng malamang patay na si Mang Kanor.Napag alamang may pumasok sa pamamahay nito matapos may maamoy na hindi kanais nais.
Maraming naki usyoso at nakinig ng siyasatin ng isang pulis ang taong syang nakakita sa bangkay.
Walang nakuhang impormasyon ang mga ito dahil wala namang nakita ang lalaki kundi bangkay lamang na laspag na laspag.Pero ang mga kasama ni Mang Kanor sa palengke ay sinabi sa mga pulis na ang huling kasama nito ay isang napakagandang babae.
Idinitalye nila ang pisikal na anyo nito at ito na nga ang naging pangunahing suspek.
Samantala
Nagising si Ziporah sa tinig ng kundoktor dahil ginigising na sya.Napasarap ang tulog nya dahil ilang oras din na byahe ang tinahak ng sinasakyan nyang bus na hindi nya alam kung saan tutungo.Matapos mapasarap sa buong engkwentro nya kay Mang Kanor ay kinuha nya lahat ng pera nito at iyon nga ang ginamit pambad sa bus.
'Saan po ito mama? Mahina nyang tanong na parang naalimpungatan pa.
'San Bartolome na' sabay kindat ng binatang kundoktor.
Dali dali syang tumayo para bumaba pero pinigilin sya ng lalaki.
'Mukhang hindi mo ata alam ang lugar,gusto mo samahan kita?
'Huwag ngayon,hindi pa ako nagugutom' singhal nya sa lalaki sabay patakbong bumaba.
Nabigla man ang lalaki sa sagot nito ay hindi na nya ito napigilan pa..
'Sarap talaga ng babaeng iyon..nakakagigil'.
Naghanap si Ziporah ng isang motel na matutuluyan dahil hapong hapo na sya..Ngayon lang nya naramdaman ang sobrang pagod..
Nakakita naman sya ng momorahin at deretso na sya at inilapag ang katawan sa maliit na higaan..
Ziporah's POVE
Hapong hapo ako at gustong ipikit ang aking mga mata pero hindi ko magawa..Nakatutok lang ako sa kisami ng aking silid na inupahan sa isang maliit na motel.
'Anu ba ang nagawa ko?Anung nangyayari sa akin?Impakta na ba talaga ako??
Mga katanungang namutawi sa aking bibig.
Hinaplos ko ang aking mukha na napakakinis pababa ng pababa sa katawan,sa hita at tuhod.Tumayo ako at tiningnan ang sarili sa salamin..
Hinubad ang bistidang nakabalot sa aking katawan..
Nakakamanghang pagmasdan.Napakaganda ko..Ang mala porselana kong kutis..Ang bilugan kong dibdib..
Perpektong perpekto sa aking mala anghel na mukha..
'Anghel nga ba?O impaktita...Sugo ng kadiliman..Bakit ko ito nakamtan???
Pero ang isiping nakapaghiganti ako sa isa sa mga bomaboy sa akin ay walang kapantay na kaligayahan.Gusto ko ito..Gustong gusto..
Tuminigin ako ng madiin sa aking mga mata sa salamin..Puno ng galit at hinanakit..kuyom ang mga palad..
'Ngayon,ikaw naman ang sasaya Ziporah..Panahon mo na!!! hahahaha
Bumalik ako sa aking higaan at dahan dahang pumikit..
'Ziporah,Ziporah..Masarap ba?Masarap ba ang pumatay at tikman ang katawan nila?
Apo nga kita..Kay dali mong malaman ang angking galing na aking ipinagkaloob..
Uhaw ka na ba?Pumatay ka na naman!!
Maghasik ka ng lagim! Patayin mo lahat ng nang alipusta sa iyo!! Lahat lahat!!! Hahahahahahaaha!!!!
Kay lakas ng kabog ng aking dibdib sa aking paggising.Panaginip..Ang tinig na naman nya. Lola ko nga ba sya?Bakit nya ako tinatawag na apo?
Uhaw na uhaw na ako..
Nag iinit ang katawan ko..
Gusto kong tumikim ng walang hanggang kaluwalhatian..
Gusto kong uminon ng dugo...
Tumayo ako at lumabas ng aking silid...
Oras na naman..Kay sarap isipin..at napangiti na lang akong kumaway sa babae ng front desk na nakangiti sa akin..
It's Showtime...
BINABASA MO ANG
Matakot ka sa IMPAKTITA!!
HorrorSa isang babaeng pinagkaitan ng kagandahan ay magpapatuloy ang isang sumpa. Sa kanyang taglay na alindog ngayun ay ilang lalaki kaya ang mapapasakanya? Uhaw sa dugo at laman at uhaw sa pagmamahal. Sabay sabay nating tunghayan ang storya ng babaeng I...
