Matapos ang buong araw na pagtatrabaho at kayud kalabaw na ginawa ni Ziporah samahan pa nang maga sa mukha dahil sa mga sampal na natamo sa ama ay nahiga na sya sa kanyang kama.Sa ilalim ng kanyang unan ay kinuha nya ang nag iisang litrato ng kanyang natatanging pinakamamahal na lalaki,si Niko.
At lumuluha ang kanyang mga mata habang naaalala ang kahapong kay saya.
Flashback xxxx
'Pangit! Pangit! sigawan at hiyawan ng mga bata habang sya ay naglalakad bitbit ang isang supot ng bigas na binili nya sa tindahan.
Binato sya ng kahoy ng isang batang lalaki at sapul sa kanyang noo.Sa edad na Sampu ay wala syang magawang panlalaban sa kanila.Kinapa nya ang kanyang noo at nahintakutan sya sa dugong nakita nya at aka sya nawalan ng ulirat.
'Bata, bata gising.Hoy gising ka.' yugyug ni Niko sa kanya.
'hmmmm, mmmm'. ungol bi Ziporah habang minumulat ang mga mata.Napabalikwas sya ng makita ang isang gwapong bata sa harapan niya.Sa tantya na ay lamang ito ng dalawang taon sa kanya.Ang kapal ng kilay, magagandang mata, matatangos na ilong at manipis na labi ay nakapagbibigay nito ng napa ka among mukha.'Ito na yata ang napaka gwapong bata na nakita ko sa tanang buhay ko' sa isip ni Ziporah.
'Sinu ka? tanong nya
'Ako nga pala si Niko,nakita kitang nakabulagta sa may daan kanina at duguan ang noo mo.Dinala kita dito sa bahay ginamot ka ni nanay.Anu bang nangyari sa iyo?' tanong ni Niko kahit alam na nya ang nangyari dito na kinukutya ng kanyang mga batang kapitbahay at tinapunan ng kahoy at natamaan sa noo.
Parang isang anghel ang nagtanong sa kanya.Kaysarap pakinggan.Unang taong nagtanong sa kanya kung ok lang sya.
At bigla na lang naalala ni Ziporah ang kanyang hitsura.Pangit.Sobrang Pangit.At bigla na lang syang tumakbo palabas ng bahay ng makita nya ang pintuan.Nang makalabas na sya ng bahay ngT batang lalaki na tumulong sa kanya ay lumingon sya..at nakita nya ang bata na nakatayo sa pintuan.Tiningnan nya ito sabay agos ng kanyang mga luha at patakbong umuwi.
Nang marating ang tahanan ay agad pumasok ni Ziporah sa kanyang kwarto at doon nag iiyak.
Bakit nga ba sya nag iiyak tanong nya sa sarili nya..Bakit ba ang laki ng epekto ng batang iyon sa kanya.Dahil ba ito lang ang una at tanging nagtanong sa kanya kung okay lang sya?
O dahil nahihiya sya sa kapangitang taglay nya...
Nakatulog ang bata sa hilong nararamdaman dahil sa sugat na natamo pero dala dala nya sa pagtulog ang gwapong mukha na taglay ni Niko...

BINABASA MO ANG
Matakot ka sa IMPAKTITA!!
TerrorSa isang babaeng pinagkaitan ng kagandahan ay magpapatuloy ang isang sumpa. Sa kanyang taglay na alindog ngayun ay ilang lalaki kaya ang mapapasakanya? Uhaw sa dugo at laman at uhaw sa pagmamahal. Sabay sabay nating tunghayan ang storya ng babaeng I...