Love
When things got rough on my end, I didn't realize I'd reach such a low point where all I could think about was money...
I was never the type to be desperate in life, not even before. I might have a short temper when things don't go my way, but I've always known how to put in the effort and get what I want. I don't rely on luck or shortcuts. I believe in working hard and proving to myself that I deserve the things I achieve.
Pero simula nang magkanda-letse-letse ang buhay namin at mawala sa amin ang lahat, araw-araw ko nang hiniling na sana isang araw, swertihin ako— na baka sakali, makapulot ako ng isang bag na punong-puno ng milyon. Na sana, magkaroon ako ng instant na pera, kahit papaano, para lang maipambayad sa mga utang namin, matapos lang ang lahat at makabalik na sa Pilipinas.
Oo aaminin ko, umabot ako sa punto na naging desperado ako sa pera. Ang laging laman ng utak ko ay paano magkapera. Kasi ubos na ubos na ako, pagod na akong mag-isip kung saan pa kukuha noon at anong paraan pa ang gagawin ko.
Ilang beses akong nagtangkang magsabi kay Siris tungkol doon. Ilang beses akong sumubok na humingi ng tulong sa kanya kasi siya lang naman ang gusto kong takbuhan sa lahat ng bagay, dahil sa kanya ako nakakapagpahinga. Ilang beses na akong mangiyak-ngiyak sa tuwing magkakausap kami, kahit sa simpleng chat lang. Halos palaging nanginginig ang kamay ko tuwing sasagot ako sa mga tanong niya— kung maayos ba ako. Dahil gustong-gusto kong sabihin na hindi. Na simula nang pumayag akong umalis at iwan siya, hindi na talaga ako naging maayos. Na hindi ko na kaya rito. Na sana, dumating na lang siya rito at sunduin ako. Na handa akong iwanan ang mga responsibilidad ko sa pamilya namin, kahit isa ako sa inaasahan nina Lola.
Pero palaging may pumipigil.
Palagi na lang hindi pwede.
Kasi isa siyang Rios...
"Hindi puwede, Lohan."
"Bakit hindi? Ipaunawa n'yo sa akin kung bakit, dahil hindi ko maintindihan kung bakit takot na takot kayong humingi ng tulong."
"Anak, makinig ka na lang sa Papa mo..."
Tiim-panga akong nag-iwas ng tingin at mariing pumikit. Huminga ako nang malalim bago muling bumaling sa kanila.
"Mga Rios 'yon. Matagal nang kaibigan nating mga Elizondo. Manghihiram lang naman tayo ng pera, hindi manghihingi. Magkaiba 'yon, Papa."
Alam kong hindi ako ganito, hindi ito ang ugali ko. Kung maririnig ng dati kong sarili ang mga sinasabi ko ngayon, baka nasuntok ko na ang sarili ko. Pero iba na ngayon. Napakababa na ng sitwasyon namin para mag-inarte at pairalin pa ang pride.
"Kahit na, Lohan. Hindi tayo hihingi ng kahit anong tulong mula sa kanila. Makinig ka sa sinabi ng Lola mo. Huwag mo nang ipilit ang gusto mong mangyari."
"Bakit nga? Dahil ano? Dahil sa putang-inang pride ng pamilyang 'to? Papa naman!"
"Lohan... kumalma ka muna, anak..." sabi ni Mama na agad na dinaluhan si Papa, na napahawak sa kanyang dibdib.
Napahilamos ako ng palad sa mukha, pilit pinipigil ang luhang nagsisimula na namang mangilid sa mga mata ko.
Palagi na lang ganito!
"Kaibigan natin ang mga Rios, pero hindi ibig sabihin ayos lang na humingi tayo ng tulong sa kanila. This isn't about pride, Lohan, it's about boundaries. There are things we shouldn't cross, no matter how difficult our situation is."
Agaran ang pag-iling ko sa kalagitnaan ng sinabi ni Papa.
Tangina naman! Pinapaganda pa, ganoon din naman iyon.

BINABASA MO ANG
Meeting in the Purple Afterglow (Out Of My League Series #1)
General FictionOsiris Tevian Seo Rios A story of two lovely souls; one who has never been in love and the other who's waiting for him to fall. Will these two meet in the purple afterglow?