Dennise's POV
Nakakainis! Ang tanga-tanga mo Den! Paano mo nasabi kay Alyssa yun? Wala syang ibang ginawa kundi ang ipagtanggol ka tapos sasabihan ko pa sya ng mga masasakit na salita. Nakakainis talaga! Naiinis ako sa sarili ko! Ugh! Hindi ko man lang sya pinag-explain.
Kinausap ako ni Ate Dzi kanina, may pinakita syang video. Video yun ni LA na nakikipaghalikan sa isang babae, yun din yung video na sinapak sya ni Alyssa..Flashback..
"Den." tawag sa'kin ni Ate Dzi.. "Kasi.."
"Ate, ano yun?" sabi ko, pinapakalma ko na yung sarili ko..
"Dapat pinag-explain mo muna si Aly.." sabi nya.
"Explain? Para san pa Ate? Sinaktan nya si LA ate. Ang kapal ng mukha nya!" galit na sabi ko.
Huminga muna sya ng malalim.. "Alam mo Den, ang tanga-tanga mo! Bakit ba napaka-obsess mo dyan sa LA na yan? Ilang beses ka na naming pinagsabihan na ginagago ka lang nya! Pero wala, yang pugong yan pa rin ang pinaniniwalaan mo!" galit na sabi ni Ate Dzi. "Yan! Panuorin mo yan nang matauhan ka!" sabay abot nya sa'kin ng phone nya. "And yan din, pinabibigay ni Alyssa." abot nya sa'kin ng paper bag.
Pinanuod ko yung video and it's LA, kissing another girl! Fuck him! Gago sya! Teka.. Si Alyssa yun ah. Sinapak nya si LA. Nakakainis! Kasalanan ko lahat nang to. Hindi ko sya pinag-explain, nasaktan ko pa sya. Siguradong galit na galit yun sa'kin. Tinignan ko yung paper bag.. Yung fave kong chocolates yung laman. Ly, I'm so sorry.. Please come back..
End of Flashback..
Eto ako ngayon, nasa sala, hinihintay si Aly, magsosorry ako sakanya.
"Oh Den, ba't gising ka pa?" halos mapaiktad ako sa boses na nanggaling sa likod ko. Paglingon ko, si Ate Dzi pala.
"Ahm.. Hinihintay ko po si Alyssa.." nahihiyang sagot ko.
"Ah. Matulog ka na Den. Hindi sya uuwi ngayon.. Nagtext kasi si Nacachi, andun daw sila sa condo ni Alyssa ngayon.." nanlumo naman ako sa narinig ko.
"Sige po Ate, akyat na po ako." paalam ko kay Kap at umakyat na din ako. Ang tanga ko kasi e. Please Alyssa, bumalik ka na. Sorry..
Alyssa's POV
Yo! Good Morning! It's good to be back! Yeah, back to the old Alyssa.. Naalala ko yung mga nangyari kagabi at sobrang laughtrip sila. Hahaha! Umiyak si A kasi ang sakit-sakit daw pag nakikita nyang magkasama si Kap at Jeriel! Haha! Tawa kami ng tawa nina Marge at Gretch. Lalo pang lumakas yung tawanan namin nung dumating sina Kim, Ara at Mika! Kumpleto kami! Wow! At ayun, yung mga ugok, tulog pa rin. Pagtingin ko sa relo ko, shit! 6am na pala, may training kami ng 8 am. Ginising ko na sila kasi baka ma-late kami. Patay kami kay Kap. Ayun, dali-dali silang nag-ayos. Dadaan pa kasi kami ng dorm, andun pa kasi yung mga training gears namin. Umalis na din pala yung Wafs kasi may training din sila. Nako! Lagot sila kay Ate Aby! Hahaha.
Nagdrive na ako papuntang dorm.. After ilang minutes, nasa dorm na din kami.
"Good Morning guys!" sabay-sabay naming bati sa mga teammates namin..
"What's good in the morning?" pairap na sabi ni Jirah. Uh-oh! Lagot ka Margarita! Haha
"H-hi B-besh.. G-good M-morning." utal na sabi ni Marge. Haha. Ano ka ngayon Margarita? Haha.
"Good morning your face! Tss." lagot na talaga tong si Marge. Konte na lang, uusok na yung ilong ni Bebe Ji.
"Ah.. Sorry Bebe Ji ah. Hiniram ko lang yang girlfriend mo. Haha. Dun kami natulog sa condo ko, at wala kaming ginawang masama. Promise!" tinaas ko pa yung kanang kamay ko.
"Ok lang Ate Aly. Tsaka di ko naman girlfriend yan no. Tsk. Kaya I don't care kahit anong gawin nya." nagulat ako sa sinabi ni Jirah. Pagtingin ko kay Marge, parang naiiyak na. Ouch mga pre. Una si A, ngayon naman si Marge. Grabe na ituu! Friendzoned!
"A-ah.. G-guys, akyat lang ako, kunin ko lang yung bag ko." cold na sabi ni Marge. Tsk. Pagkatapos ay dumiretso na sya sa may hagdan.
"Teka nga Margarita.. You have some explaining to do!" sigaw na sabi ni Jirah.
"Na-explain na ni Dude Aly diba? And why would I explain myself to you? Hindi naman kita girlfriend." and boom! Tumalikod na si Marge at iniwang tulala si Jirah. I know nagtataka si Jirah kung bakit ganun si Marge. Nasaktan e. Tsk.
"Uhm.. Mauna na yung iba sa gym. Baka mapagalitan tayo.. Alyssa, A, Gretch, sunod na lang kayo nila Marge ok?" basag ni Kap. The tension is heating up na kasi.
"Sige." cold na sabi ni A. Yeah, cold. Nagdecide na din kasi syang mag-move on na lang at i-let go si Ate Dzi. Tsk. Puro broken.. Happy.. Unity.. Heart..broken!
"A-ah.. A-aly.." pagtingin ko, si Den pala. Tsk. "S-sandwich n-nga pala. B-baka k-kasi di ka p-pa nag-breakfast.." sabay abot nya sa'kin nung sandwich. Hindi naman ako ganun kabastos kaya kinuha ko na lang.
"Thanks." cold na sagot ko.
"S-sorry p-pala dun sa kagabi.." sabi nya pa.
"It's ok. Kasalanan ko naman e." sagot ko.
"No. No! P-pinakita kasi sa'kin ni Ate Dzi yung video." naiiyak na sabi nya. "Sorry.. Hindi kita pinag-explain.." tuloy nya.
"No, it's ok. Really. Ok na 'ko kasi nasapak ko na yung gagong yun!" sabi ko sakanya.
"Alyssa.." sabay hug nya sa'kin. Heaven mga pre! "Salamat kasi naging bestfriend kita." then it hit me. Yung kaninang cloud nine na feeling, ayun, nawala. Bumagsak ako. Ang sakit!
"Y-yeah.. Bestfriend mo ako.." may halong bitterness sa boses ko. Bahala na kung mapansin nya.
"I love you bestfriend.." masayang sabi ni Den.
"I love you too.. Bestfriend.." haaay! Why life is so unfair?!
-------------
Note:
Here's the update guys.. Hehe. Bitin po ba? Sorry po.. Pero bawi ako bukas. Update ko bukas yung Chapter 8. Hehe. Please bear with me, medyo nagugulo po ako sa plot e. By the way, thanks for reading and voting and commenting. Hehe.. Happy weekend guys.. xx
BINABASA MO ANG
Three Perfect Days (SLOW UPDATE)
Fanfiction"The Casanova has fallen.. But no one's there to catch me." -Alyssa Valdez AlyDen story guys! Haha. Never shall we sink nga e, kahit forever hopia na tayo! Hahaha. First time to write a story so no high expectation guys. Ginawa ko lang to as stress...