CHAPTER 11

1.6K 33 10
                                    

Note: Hi guys. It's been a looooong time.. Hehe. Sorry sa paghihintay and to tell you honestly. Sobrang lame ng Chapter na to. Yan ah. Binalaan ko na kayo. Haha. It' s more on ADzi and FilleGretch. Wala nga atang AD moments dito. Haha. Sorry na. My brain's not properly working these past few weeks. I mean, it's not properly working naman talaga eversince. Haha. Ok. So kahit lame to, enjoy reading pa rin guys..
Here goes nothing.

-------------

Dzi's POV

Hahaha! Nakakatuwa si Gretch at Fille. Infairness ah, bagay sila kahit na para silang aso't pusa. Tawa kami ng tawa nina Marge at A. And speaking of A, buti naman at andito to ngayon, puro kasi si Aia yung kasama nya nitong nakaraan e. Nakakainis na nga e. Don't get me wrong ha, pero kasi parang wala na syang time sa'kin, I mean, sa amin pala. Para kasing sobrang layo na ng loob nya, though lagi naman syang nakikipagkulitan kina Marge, Gretch at Aly. Minsan nakikipagkulitan din sya kina Bea at Mich, sumasama na din kasi sila minsan dun sa apat e. And balita ko din na nakikihangout din sila kina Ara, Kim, Mika and Riri. Diba? Tapos sa'kin hindi! Hello! Ako kaya ang bestfriend!

"Ehem Kap! Baka matunaw." bulong ni Marge sa'kin. Ugh! Nakatitig na pala ako kay A! "Nako Kap ah.. Iba na yan. Tsk! Tsk!" pang-aasar pa nya ulit.

"Nako Marge! Tigilan mo ako ha!" masungit na sabi ko. "Nagtatak lang ako kung bakit andito yan. Buti walang lakad." sabi ko pa. Totoo naman e.

"Dude! Tinatanong ni Kap kung wala ka daw bang lakad ngayon?" nako! At tinanong nya pa talaga huh! Tsk!

"Huh? Wala naman.. Tsaka alam ko naman na pag may ganitong bonding, dapat kumpleto tayo. Ang saya kaya nun. Bakit?" nakangiting sabi nya. Ghad! Those smiles!

"Ewan ko Dude. Baka aayain ka magdate. Haha!" aba! Gago talaga tong si Marge! Akmang babatukan ko sya nang bigla syang tumakbo at nagtago sa likod ni A. Nasa kabilang side kasi sya ng mesa.

"Hoy Tejada ah! Wala akong sinasabing ganyan ha!" sigaw ko. E wala naman talaga akong sinasabing ganun e.

"Nako! Alam ko namang nahihiya ka lang magtanong e." nako talaga tong si Marge. Lagot sa'kin to. Tsk!

"Haha! Ok. Wala akong lakad bukas. I'm free the whole day except na lang kung may emergency." natatawang sagot ni A. How I miss her laugh..

"Oh! Free daw Kap! Ano na?" nako! Masasapak ko talaga to!

"Oo! Narinig ko! Lumayas ka nga muna dito!" tsk! Nakakainis e!

"Ok Kap!" aba! At sumaludo pa! Tapos umalis na.. Haaay.. Buti naman.

"So.. Ano na?" sabi ni A.. Hala! Dalawa na lang pala kami ni A dito. Wrong move ata na pinaalis ko si Marge. Pumanhik kasi si Fille para magshower. Parang awkward tuloy.

"Ah.. Eh..." di ko na natuloy yung sasabihin ko nang may biglang sumigaw sa sala..

"Guys! Magdedate si Kap at Dude A bukas!! Yieeeh!" nako! Tejada naman talaga! Humanda ka talaga sa'kin!

Pupunta na sana ako sa sala nang bigla akong harangin ni A..

"Haha. Chill ka lang. Kung inaakala nilang date yun, let them be. Date it is. And besides.. I miss you.." nakangiting sabi nya. Shits! Miss nya daw ako. Iihh!

"Miss mo ako? Totoo? Parang di naman e." masungit na sabi ko. Bakit ba? Feek ko lang tarayan sya para lambingin nya ako. Hehe.

"Asus! Miss talaga kita! Promise! Di ako nagbibiro! Pa-hug nga!" tapos hinila nya ako ang hi-nug! Oh how I miss this! I feel so safe in her arms. Sakanya ko lang nafifeel yung ganitong feeling. My heart is pounding hard and I don't know why.

Three Perfect Days (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon