CHAPTER 9

1.5K 41 4
                                    

Note:
Hello guys! Hehe. Dedicated po pala tong Chapter na to kay pinkyjheweliiiiii . Pinilit nya daw po kasing magbasa ng ganitong genre kahit di naman sya nagbabasa ng ganito. Haha.

-------------

A's POV

Naks nemen! May POV na din ako. Haha. Well, ayun, nakakatuwa si Den kanina si Den kanina. Parang bulkang sasabog na. Haha! Napag-usapan na din namin ang "Operation AlyDen" kanina. Buti pa si Dude Aly no, improving na. Ako kaya? Haaaay..

Andito ako sa may sanctuary ko. Yung malaking puno malapit sa field.. Nakahiga.. Nakatingin sa langit. Dzi.. Lagi na lang si Dzi ang laman ng isip ko. Sya kaya? Hmm.. Siguradong si Jeriel lang laman ng isip nun. Kelan kaya magiging ako? Inaamin ko, I was badass dati. Pero nung nakilala ko sya, pinilit kong magbago. Iniwan ko ang drag racing. Hindi na ako nakikipagbasag-ulo. Itinigil ko na ang halos gabi-gabing pag-inom. Nagbago ako.. Nagbago ako para sakanya, kasi ayaw nya yung ugaling gangster. Pinigil ko naman yung nararamdaman ko para sa kanya kasi alam kong hindi pwede, pero wala e. Lalo akong nahulog.. I fell so deep and right now, I can't get up. Hindi nya napapansin lahat ng efforts ko. Ang alam nya, ako si Nacachi na basagulero, si Nacachi na walang sinusunod. Si Nacachi na sakit ng ulo.. Nakakapagod din pala. Pagod na akong humabol. Mas maganda na rin siguro tong ganito.. Magmove on.. Yes, magmove on pero hindi naging kami. Mahirap, oo pero kelangan e. Ngayon, sarili ko naman iisipin ko.

I was in the middle of my moment when something hit me on my abs! Wow! Abs talaga ne? Haha. Parang nakakahiya nga gamitin yang word na yan, kasi parang si Baldo lang may karapatang gumamit ng word na yan. Hahaha.

"Sorry! Hindi ko sinasadya.. May masakit ba?" sabi ng anghel na nasa harap ko. Wow..

"Ang alam ko tinamaan lang naman ako ng bola. Ang saklap naman ng pagkamatay ko." wala sa sariling sabi ko.

"Huh?" confusion was written all over her face. Woah. What a cutie..

"Patay na ako diba? Nasa langit na ako. Anghel ka diba?" sabi ko na ikinapula nya. Nagbablush din pala ang mga anghel..

"Haha.. No.. No.. Hindi ako anghel. I'm Aia by the way.. Aia Arce.." pakilala nya sabay abot ng kamay nya.

"Oh.. I thought you were an angel. I'm A.." pakilala ko din! Shit! Ang lambot ng kamay nya.

"A? Nacachi? You're the bassist of the school band?" oh.. So kilala nya pala ako.

"Uhm.. Yeah!" nagulat na lang ng biglang may sumigaw..

"Arce! Get back to work!" coach ata nila yun. So she's part of the soccer team pala..

"Oh. I have to go. Nice meeting you personally, by the way.." ngiti nya sa'kin. Woah there! She's pretty but she's prettier when she smiles.

"Nice to meet you to Ms. Arce.." sabay killer smile at tumakbo na sya pabalik sa field. Ako naman tumayo na naglakad pabalik ng dorm. Wala na din naman akong klase.. Hmm.. Andun na kaya si Dzi? Haaay! Bahala na nga..

Dzi's POV

Ang weird ni A netong nakaraan. One day she's sweet, then after that, she's this cold-hearted human being! I thought nagbago na sya. Yes, napansin ko yung unti-unting pagbabago nya. Pero these past few days, umuuwi sya na putok ang labi, andaming pasa! Ano bang ginagawa nya sa sarili nya? Hindi ko na talaga sya maintindihan..

Well, enough of that. I'm kinda pissed right now kasi hindi na naman ako sinipot ni Jeriel. It's our third date na hindi nya ako sinipot. Something came up daw and it's an emergency. Hindi naman sya ganyan nung nanliligaw pa sya sa'kin e. Walang palya.. Pero nung sinagot ko na sya, he kinda become distant and cold. Well, baka naman busy lang talaga sya talaga. Hayaan na nga. Babawi naman sya for sure..
I was back to my senses nang sumigaw si Marge..

Three Perfect Days (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon