Note: Pasensya na po sa paghihintay ng matagal.. But to tell you guys, not all things are worth waiting. Ok. Medjs hugot yun. Haha.
Anyways, happy reading guys.-------------
Gretch's POV
Haaay nako! Ang gulo-gulo ng buhay nila! Si Marge, nawawalan na ata ng pag-asa kay Baby Jirah kasi naman may Cedric na umaaligid. Tsk. Tapos si A, ayun, itinuloy na ata talaga nya yung pagmomove on kay Kap. Tapos itong si Kap, hindi ata sanay na di sya pinapansin ni A. Si Aia kasi laging kasama ni A ngayon. Kung makikita nyo lang kung paano umusok yung ilong ni Kap everytime na sasabihin naming wala si A at si Aia ang kasama. Akala mo sya yung girlfriend e. Haha nagseselos nga ata si Kap. Hay nako talaga! At ito namang si Aly at Den, grabe! Parang sila pero hindi.. Ang gulo nila! Wala silang label pero ang sweet nila. Magbestfriends lang daw sila.. May magbestfriends bang ganun? Nagkikiss sa lips? Natutulog ng magkayakap? Holding hands, at kung anu-ano pang sweet na bagay na ginagawa ng magjowa! Nung kinausap ko si Aly kung ano talaga yung status nila ni Den, sabi nya natatakot daw sya magtanong kasi baka wala lang daw to kay Den at sya lang nagbibigay ng meaning.
"Ok lang kung gamitin nya akong rebound, basta makalimutan nya lang ang gagong LA na yun!"
Yan yung sabi nya. Oh diba? Bagong bayani tong kaibigan ko! Tsk. Buti pd ako, chill lang. Wala naman akong kaagaw kay Fille my loves e. Pero yun nga lang, Bestfriendzoned din ako. Pero atleast, nakakayakap pa rin ako. Libre chansing! Haha!
-------------
Andito ako ngayon sa Dorm, hinihintay yung tatlong ugok, may practice kasi kami ngayon para sa band, yung school band. Ako yung may hawak ng rhythm guitar, minsan kumakanta rin. Si A naman yung bassist namin and kumakanta rin. Si Marge, sa drums naman sya and kumakanta rin sya. Lahat kami kumakanta. Tapos si Alyssa ang bago naming lead guitarist at lead vocals! Graduate na kasi si Kara kaya si Alyssa yung pumalit. Nung una, ayaw pa nya pero kinausap namin si Den at sya yung kumumbinsi kay Alyssa! Haha! Under kaya yang si Aly kay Den kaya wala din syang nagawa at pumayag din. Kung tatanungin nyo kung ano yung name ng band namin, The VLAD, *insert british accent here* at kung tatanungin nyo kung anong meaninin nun, Valdez-Lazaro-Alyssa-Dennise daw. Corny ng kaibigan namin! Kainis! Haha! Si Aly kasi nagpangalan. Ayaw nya daw kasi yung Ateneo Band kaya yun! Haha!
-------------
Grabe antagal nilang tatlo! Kanina pa ako dada nang dada dito at hanggang ngayon, naghihintay pa rin ako. Lagi na lang bang ako yung maghintay? Ok. Hugot yun pre! Hmp. Antagal kasi nila e. Hindi dapat nila pinaghihinta ang pinakapogi sa grupo!
"Kelangan ko na ba ng life vest?" si A! Sa wakas!! Pero anong life vest sinasabi neto?
"Huh?" tanong ko.
"Ang lalim kasi ng iniisip mo, baka malunod ako! Haha!" sige! Tawa pa Nacachi!! -.-
"Tarantado! Sige tumawa ka pa! Hindi mo alam,ilang beses ko na kayong pinatay sa utak ko!" nakakainis kasi e.
"Oh. Chill Dude! Di pala life vest kelangan ko e, bulletproof vest pala dapat. Haha!" taena talaga netong Nacachi na to e. May saltik!
"Ulol! Corny mo! Asan na ba yung dalawa?" tanong ko. Wala pa kasi si Marge at Aly.
"Malapit na yun. Hinarang kasi ng mga fangirls si Alyssa. Nyemes! Buti nakatakbo ako agad. Naiwan dun si Marge kasama si Alyssa! Haha!" tignan mo to, sarili lang iniisip. Haha. Pero fangirls? Nako... Lagot na naman si Alyssa kay Den! Haha!
*BLAAAAAAG*
OA ng sounds. Haha! Yung pinto kasi bigla na lang bumukas sabay pasok ni Marge at Aly na hinihingal pa.. Haha! For sure, tumakas tong mga to sa fangirls!
BINABASA MO ANG
Three Perfect Days (SLOW UPDATE)
Fanfiction"The Casanova has fallen.. But no one's there to catch me." -Alyssa Valdez AlyDen story guys! Haha. Never shall we sink nga e, kahit forever hopia na tayo! Hahaha. First time to write a story so no high expectation guys. Ginawa ko lang to as stress...