4

147 1 0
                                    

" Pia nabalitaan mo ba?" Napatingin kami kay Karen ng bigla ito sumulpot sa pwesto namin. Oo nga pala hindi na dito ang pwesto ni Karen lalo nasa kabilang team na sya.

Umiling naman si Pia sa tanung ni Karen.

" ikaw Talie?" baling nya sakin

Umiling din ang tugon ko sa tanung ni Karen

Parang nadismaya naman si Karen saamin.

" ano ba naman kayong dalawa.. Puro trabaho lang ba ginagawa nyo?"

Binaba ni Pia ang hawak nyang ballpen at tumingin kay Karen.

" alam mo Karen, wala kami pakealam sa tsismis o usap usapan dito sa opesina. Lalo na busy kami sa trabaho ni Talie.." mataray na saad ni Pia

Tumango naman ako sa sinabi ng kateam ko.

Inirapan naman kami ni Karen na para bang boring is life kami.

" okey fine. Ito ang bali-balita sa HR.." Tumingin tingin si Karen sa paligid bago nagsalitang pabulong.

" alam mo ba na biglang nawala sa venue ang CEO ng Montero Corp sa party noong isang gabi?"

Nawala? Bakit? Teka Launch ng commercial namin yun.

" and? Ano naman kung nawawala sya sa party? Anong pake natin sa ganap na yun?" Maarteng saad ni Pia

" Ano ba naman kayo.. Hindi ba ninyo alam na dahil nawala ang CeO walang launch na naganap sa ginawang commercial ninyo."

Seryosong napatingin ako kay Karen.

" Ano? Bakit wala samin sinabi?" Tumingin sakin si Pia na nagtatanung

Wala din ako alam. Napatingin ako sa pwesto ni Ma'am Sophia. Wala ito doon.

" Talie tawag ka sa conference room ni sir Pat" napatingin ako kay Joe ng bigla itong dunating. Teka, bakit ako ang tawag?

" a-ako? Bakit daw?" Kinakabahang Tanung ko

nagkibit balikat lang si Joe.

" Talie tingin mo dahil ito sa ginawa nating project?" Nag aalalang tanung ni Pia

Hindi ko masagot tanung nya. Inayos ko muna gamit ko at sarili ko bago tumayo.

Kinakabahan ako sa pagtawag nila sakin sa conference room. Kung totoosin si Joe talaga ang dapat naroon at si ma'am Sophia, hindi ako. Pero heto ako papunta saan naroon ang big boss namin.

Nakakapasok lang ako ng conference kapag may project kami at kapag may report sa Team Leader. Ngunit ang kasama ang mga big boss hindi ko pa nararanasan.

Napatigil ako sa mamahaling glass door ng conference room..

My gad. Sobrang kinakabahan na ako.

Huminga muna ako malalim bago binuksan ang pintoan.

" Good morning po" bati ko sa marami.

Napatingin ako kay Ma'am Sophia na seryosong nakatayo sa unahan habang nasa harapan nya ang mga shareholders.

" Ms. Rio dito" tawag sakin ni Sir Pat na katabi ni Ma'am Sophia.

Tumango ako at naglakad papunta sakanila. Tumayo ako ng matuwid katabi ang dalawa at humarap sa shareholders.

" Ms. Rio Do you know what happened to Montero Corp on Saturday night? You are the Marketing Strategy and Marketing Planner of your team" saad ni Sir Gomez, isang shareholders.

Lihim na tiningnan ko si Ma'am Sophia bago tumingin kay sir Gomez.

" actually sir, no. Alam ko palang po na hindi nalaunch ang commercial na ginawa namin. " saad ko

Long Lost MEmoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon