9

95 1 0
                                    

Bumaba ako sa van na sinakyan namin papunta sa Montero Corp.

Ngayon namin ipipresent ang ginawa namin plot ng gagawing Short film.

Napatingin ako sa malaking building. Nandito si Mr. Motero sa loob ng malaking building na ito.

Magkikita na kami.. 

Teka.

Bakit nakaramdam ako ng excitement?

Napailing ako at tumingin sa mga kasamahan ko na busy ilabas ang mga gamit nila.

Huminga ako ng malalim at kinuha ang gamit ng modelo namin.

Si Melody ang gagamitin naming modelo lalo na bata ang mukha nya kesa kay Ms. Catherine. Si Ethan Gil ang lalaking napili namin gamitin. Hiniram namin si Ethan Gil sa team nila Karen muna.

" Ms. Melody tara na po" saad ni Carla.

Kinuha ni Lara ang gamit ni Ms. Melody.

" ikaw din Mr. Ethan" saad ni Berry

Sabay na bumaba ang dalawang sikat na modelo sa van na sinakyan nila.

" Montero Corp." Nakangising saad ni Melody

Hindi ko nalang sila pinansin dahil lahat ng modelo namin mayabang. Wala kang pipiliin sakanila.

" Talie ako na nito" saad ni Mike ng inagaw ang kukunin kong gamit.

Nginitian ko sya at tumango

" Ms. Talie, I need you to come here" pasweet na saad ni Ethan

Sumunod naman ako sakanya

" discuss mo ulit sakin ang presentation" saad nito sakin na nakangiti

" may crush ba sya kay Talie?" Mahina lang pagkakasabi ni Pia pero narinig ko parin.

" pansin ko din. Lagi nya tinatawag si Talie para paulit ulitin ang gagawin." Saad din ni Beth

Sinamaan ko ng tingin silang dalawa para manahimik. Baka ano isipin ni Mr. Ethan kapag narinig nya ang bulongan ng dalawa.

" sa loob ko nalang ipapaliwanag" saad ko

Papasok na kami ng building ng nagring ang phone ko.

" Mico" saad ko ng sinagot ko ang tawag

" Talie nasa trabaho ka?" 

" ay oo. Nandito kami sa Montero Corp para sa trabaho bakit?" Tanung ko

" w-wala naman..." Napahinto ako ng mapansin parang may mali kay Mico.

" may problema ka ba?" Tanung ko kay Mico

Nakunot ang noo ko ng marinig ang hikbi ni Mico.

" umiiyak ka ba?" Nag aalalang tanung ko

"S-si mommy.... Wala na sya" bigla ako natigilan

Napatingin ako kay ma'am Sophia na nakatingin din sakin.

" hindi ko alam ano sasabihin ko Mico. Pupuntahan kita Mico. Taposin ko lang presentation ko dito" saad ko

" salamat Talie... I need you badly"

Inoff ko ang phone at nagpatuloy sa paglalakad.

" Talie may nangyare ba?" Tanung ni Ma'am Sophia

Buti nalang nauna na sila Ethan at Melody sa elevator kasama sila Berry.

" namatay mommy ni Mico.." Saad ko

Long Lost MEmoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon