Midterm ng malaman ko ang school ni crush. Hindi ako makapaniwalang nakikita ko si crush ngayon na naglalaro ng basketball kasama ang iba kong kaklase. Kahit taga ibang school sya wala parin makakapigil sakin magustohan sya.
Araw araw pagdumadaan ako sa court at hinahanap ng mata ko si crush. Araw araw din ako na sasaktan tuwing nakikita ko syang may kasamang iba babae.
Feeling ko pinagtataksilan nya ako. Funny right?
Feeling ko din kilala ako ni crush kahit hindi naman. Hindi nga nya ako mabigyan ng konting pansin sa dami ng mga babae na nasa paligid nya.
Kahit ganun, hindi ako sumukong alamin ang mga ginagawa nya, mga paboreto nyang puntahan, gawin at pagkaabalahan..
Mukha na akong stalker sa kakasunod sakanya. Nababaliw na ako kakaalam ng mga paboreto nyang kulay, ulam, laro,subject, at kung ano ano pa.
Sumali na din ako sa fan club nya, kahit sa fan club ng mga bakla para sakanya sumali na din ako para malaman ko lang mga ginagawa nya.
Ngunit heto si bestfriend ko, kontrabida sa ginagawa ko. Lahat kinukontra nya, kesyo kabaliwan lang ginagawa ko, tama naman sya. Desperada na daw ako para mapansin ni crush..
Ganun talaga kapag nagmahal ka nagiging desperada haha
Pero isa lang hindi ko nakakalimutan ang mag aral ng maigi para sa mga magulang ko.
Naupo ako sa bench malapit sa malaking puno sa school. Ito ang fav kong spot kapag nagpaparelax at nag iisip ako. Tumingala ako sa langit at itinaas ko ang isa kong kamay na waring nagsusulat ako sa hangin..
Lagi ko nalang sinusulat sa langit ang pagmamahal ko sakanya araw araw.
Hindi ko kailan man hiniling kay papa God na mapansin at mahalin ako ni crush. Ang hinihiling ko lang kay papa God ang hayaan nya ako mahalin sya at makitang masaya..
" wow" napatingin ako kay Joe at Pia ng sabay ito nagcomment
" maganda sya para sa isang short film" nakangiting saad ni Ma'am Sophia.
" paano papasok sa kwentong ito ang product ng Montero Corp?" Tanung ni Beth
" new product nila camera, ipapakita natin sakanila gaano kaganda at high quality ang camera ng Montero Corp."
Napaupo si Ma'am Sophia sa upoan ni Beth.
" galing mo Talie.. Kahit medyo ordinary ang kwento papatok parin ito sa mga kabataan na mahilig magpicture."
Tumango ako.
" paano ang mga ibang potential buyer natin?" Saad ni Beth
" kaya nga ipapakita natin sa lahat kahit ilang taon na dumaan hindi parin mababawasan ang high quality ng larawan kapag ang gamit nila ang camera ng Montero Corp. Ang balak ko from first camera na nagawa ng Montero hanggang sa modern ang ipapakita natin. " Saad ko
" and? "" ipapakita natin ang pag improve ng item ng Montero sa magandang quality to the best in the higer level quality. "