" ano nangyare sa meeting?" Bungad sakin ni Pia.
Si Ma'am Sophia at sir Pat pinatawag sa office ni CeO.
" nabungangaan kami" saad ko
Naupo ako sa pwesto ko at nagkwento ako sa nangyare.
" ay grabe sila ah" saad ni Joe
" oo nga hon. Sobra naman ang mga sinabi nila sainyo. Bakit kasalanan ba natin hindi sumipot ang ceo ng montero?"
" at isa pa, ginawa natin ang lahat para maging maayos ang project na hawak natin." saad ni Denny
" okey na.. Hihintayin nalang natin ang mangyayare sa pagpunta ng cEo ng Montero." Saad ko
" pero girl next time wag mo ipapahamak sarili mo. Kaya naman ni Mam Sophia yun." Saad ni Pia
Napapangiwi ako tuwing naalala ko ang nangyare sa conference room.
" sabi nga ni Sir Pat" saad ko at bumalik na kami sa kanya kanyang trabaho.
Napatingin ako sa mag asawang busy sa trabaho na nila. Binalik ko ang mga mata ko sa computer na nasa harapan ko ngunit ginugulo ako ng puso ko.
Kanina ng sinabi ng secretary ni Ceo na narito ang Montero biglang kumalabog ang puso ko. Napahawak ako sa dibdib ko. Ito na ba ang kinatatakotan ko? Magbaback out kaya sila?
Kaba siguro nararamdaman ko ngayon.
" Talie?" Napataas ang ulo ko ng bumungad sa harapan ko si Emily. Isa sa katrabaho ko.
" may naghahanap sayo sa baba" napakunot ang noo ko sa sinabi ni Emily.
" sino?" Tanung ko
" Mico daw ang pangalan."
Mico? Nanlaki ang mata ko. Wala akong ibang Mico na kakilala kundi ang ex ko lang.
" may boyfriend ka Talie?" Tanung ni Pia
Nakangising nakatingin sakin si Joe.
" naku Talie maraming boys dito ang magiging sawi ngayong araw" napakunot ako sa sinabi ni Joe
" sawi,bakit naman?" Tanung ko
Natawa ang mag asawa at kasama ng mga kasamahan namin na nakikinig
" manhid si Talie hindi nyo ba pansin?" Nakangiting saad ni Emily
Lalo sila nagtawanan
Napanguso ako sa sinabi nila. Paano ako naging manhid? Tsk.
Tumayo ako at nagmamadaling pumunta sa lobby.
Malaki ang building namin. Sa baba ang lobby mga security, second floor ang clinic, canteen sa dulo at ng HR departtment, sa third floor ang office nila Karen at iba pang team. Forth floor ang office namin ng team at ng iba ding team. Sa five floor ang Accounting at iba ding department. Sa Six Floor ang conference room, document at office ng mga big boss namin at sa seven floor ang office ng CEO.
Pababa palang ako ng hagdan ng makita ko si Mico na may hawak na bulaklak. Napahawak ako bigla sa buhok ko at nanlalaki ang mata ko sa nakita.
Seryoso Mico? Bakit may pabulaklak pa, nakakuha tuloy sya ng atensyon sa iba.Napatingin ako sa paligid. Ito ang ayoko nakakaagaw ng atensyon sa ibang tao.
Aatras na sana ako ng humarap sa kinaroroonan ko si Mico at kumaway.
Shit naman nakita pa ako.
Huminga muna ako ng malalim bago naglakad ulit palapit sakanya.
Habang naglalakad halos itago ko na sarili ko sa buhok ko sa sobrang kahihiyan.