1

276 4 0
                                    

Muntik na ako mabilaokan sa biglaang pag upo ng best friend ko. Umiinom pa naman ako ng coffe ng bigla itong naupo at nakabusangot na nakatingin sa cheese cake na inorder ko.

" this coffee shop so cheap" maarte niyang saad

Nagpunas ako ng table napkin at tumingin sa paligid baka may nakarinig at magkaroon kami ng kaaway.

" aba bes, kelan ka pa naging maarte sa pinupuntahan natin?" Nakataas ang kilay ko sakanya. Sa pag kakaalam ko hindi naman maarte at richkid ito. Anyare?

" ngayon lang" walang gana niyang sabi at kinuha ang tinidor ko. Napailing nalang ako ng lantakan ng kaibigan ko ang cheese cake.

Hindi naman ako cheese cake lover, ewan ko ba lung bakit tuwing nakakakita ako ng cheese cake napapangiti ako.

Napatingin ako sa kabilang table saan nanggaling ang magaling kong best friend.

Parang anime na may biglang lumitaw na ilaw sa utak ko ng makita ang pinanggalingan ng kaibigan ko.

" badtrip ka kase pangit ang blinddate mo" pang aasar ko sakanya

Masamang umangat ang ulo nya sakin at inirapan lang ako ng best friend ko.

Bingo

Natawa ako ng bahadyang

Sabi na badtrip siya dahil pangit ang blinddate niya ngayon.

Ewan ko ba kase dito sa best friend ko. Magandang babae naman sya ngunit atat magkajowa. Mahilig makipag-date kaninong lalake pero na uuwi naman sa wala. Yan tuloy pangit ang binagsakan niya ngayong gabi.

" ewan ko ba. Sa dami ng mga lalake sa mundo sa kamukha pa ni Sun ng ML pa ako nakipag- date ngayon." naiinis na saad ni Maila


Sya si Maila Cruz, best friend ko since college. Marami akong kaibigan ngunit si Maila lang ang pinakamalapit sakin. Dahil siguro parehas ang mga gusto at ayaw namin sa buhay. Mabait ngunit spoiled brat si Maila. Kahit ganyan sya, tuwing kailangan ko ng tulong bigla nalang sya darating at tutulongan ako. Karamay kami sa lahat ng bagay kaya nagkakasundo kami.

Natawa ako. Kamukha nga naman ni Sun ang kadate niya, kulang nalang apoy sa ulo at costume.

" anyway, umalis na tayo dito bago pa lumapit si Sun satin." Saad nito

Natatawa habang kinukuha ko ang bag ko sa kabilang upoan at tumayo.

" hindi ptt- ka ba magpapaalam" natatawang saad ko

" hindi na no. Bahala siya"

Nakangiting nakasunod ako kay Maila palabas.

" buti hindi siya sumunod satin" saad ko ng lingoin ko mula sa labas ng coffe shop ang kadate ni Maila na nakatingin din saamin.

" kapal niya para sumunod. Buti sana kung okey ang ngipin niya kaso hindi eh. Ang bantot pa ng hininga."

Binalik ko ang tingin sa kaibigan kong mapanglait.ptt..

" grabe ka sa tao"

Masamang tinignan ako ni Maila

Long Lost MEmoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon