6

116 1 0
                                    

Naglalakad kami sa hallway para bumalik sa mga pwesto ng tumigil si Ma'am Sophia at tumingin samin ng seryoso.

" ako lang ba nakakapansin? He look deadly serious" saad nito na inaalala ang nangyare sa conference room. 

" oo nga" sangayon na saad ni Pia

" matanung ko lang... Magkakilala ba kayo?" Napatingin ako sakanila at biglang napakunot ang noo ko..

Bakit nakatingin sila sakin?

" oo nga Talie napansin ko din ang mga titig nya sayo. Kung hindi kita kilala iisipin ko na kasintahan mo sya?" komento ni Pia

Napahawak ako sa dibdib ko ng bigla na naman ito kumalabog.

" you know him, Talie?" Tanung ni Ma'am Sophia

Kilala ko ba sya? Agad na umiling ako.

" No. Hindi kami magkakilala.. Bakit nyo naman yan naitanung? First time ko sya makita in person." Nakangiting saad ko

" kanina kung makatingin sya sayo at sa bulaklak na dala mo parang pinagtaksilan mo sya." dagdag na saad ni Pia

Yun din naramdaman ko kanina. Ngunit hindi ko talaga sya kilala.

" baka naman badmood lang si Mr. Montero" saad ni Joe

" baka nga" saad nila Pia at Ma'am Sophia.

Hindi na ako nagsalita at sumabay sakanila maglakad.

Pagkabalik namin ng pwesto, hindi ko na magawang magtrabaho kaya umuwi na ako, total oras na ng uwian.

Habang naglalakad ako papunta sa elevator hindi ko maiwasan maalala ang nangyare kanina.

Huminga ako ng malalim at nakisabay ako sa mga kawork ko sumakay sa elevator.

Pagkalapag ng elevator sa ground agad na lumabas ako at naglakad sa hagdang pababa.

Napahinto ako ng makita si Ms. Catherine paakyat ng hagdan. She so happy na nakikipag usap sa manager nya.

" hi Ms. Talie" nakangiting bati nito sakin

Sarap nyang sakalin. Kanina sa meeting hindi nya magawang ipagtanggol kami samantalang nakita nya ang paghihirapan namin..

Ngumiti nalang ako kesa maasar sa babaeng ito. Pagkalagpas ko sakanila narinig ko ang mga sinabi ng manager nya kay Ms. Catherine.

" so ipapalabas na bukas ang commercial mo?"

Teka anong sabi nya? Ipapalabas na ang commercial namin? Wow. Ang saya naman.

Makikita na nila ang pinaghirapan namin.

" oo, may emergency lang daw noon si Kingston"

Kingston? Close sila? Kelan pa?

Hindi ko na nagawang marinig pa ang kwentohan ng dalawa dahil malayo na ito sakin.

Kinuha ko ang phone ko sa bag ng bigla ito nagring.

" Ma'am Sophia?" Basa ko sa tumatawag sa phone ko

Bakit naman kaya ito tumatawag? No choice naman ako, sagotin ang tawag nya.

" hello po?"

" Talie We need you here at the back office. Lahat kami nandito ikaw lang wala."

" ah-kase- uuwi na po sana ako. Nastress ako sa nangyare maghapon" saad ko

" but we need you here, Talie"

Napakamot ako sa ulo ko.

"Sige po pabalik na ako dyan" saad ko at pinatay ang phone. No choice.

Long Lost MEmoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon