" Talie tapos mo na ba report mo?" Napalingon ako sa nagsalita sa bandang likoran ko. Bumungad sakin ang katrabaho ko na nakaupo sa kabilang side.
Si Karen pala, ang kawork ko sa loob ng isang taon. Dito sa Modeling Advertise Agency. Kami lang naman may hawak ng napakalaking agency para sa mga modelo ng bansa at Commercial. Kilala ang company namin sa paggawa ng magagandang commercial at saamin din kumukuha ng magagaling na modelo at artista. Kumbaga 3 in 1 ang company namin. Fashion show planner kilala din kami dahil sa naggagandahang mga modelo na meron kami.
Bawat team all in package na.
Team Leader— Sophia Reyes
Photographer and director/camera man—Joe Besmonte
Fashion designer— Pia Besmonte / Ynna Hermosa
Marketing Strategy/ Planner — Natalie Raine Rio and Lara Garcia
Organizer— Beth / DennyMake up artist— Carla and Berry
Sikat na mga modelo ang hawak namin, kaya kinikilala din ang company sa buong bansa.
" yes kahapon pa" nakangiting saad ko
Napanguso naman si Karen.
" buti ka pa. Hindi ko pa tapos ang akin kase sa pasaway na si Ethan Gil."
Pinaikot ko ang upoan paharap kay Karen.
" Ethan Gil? Diba matagal na modelo natin sya? ." Saad ko
Tumango si Karen bilang sagot sa tanung ko
" yes, super tagal na ni Sir Ethan saatin. Isa sya sa mga modelo nating bigatin at isa sa dahilan bakit kinikilala tayo ng buong bansa." malumbay na saad ni Karen
Actually hindi ako mahilig sa showbiz life o sa mga sikat na modelo. Hindi ko din alam bakit tumagal ako sa trabaho ko basta ginagawa ko nalang ang lahat ng kaya ko para manatili sa trabaho. Malaki ang sinasahod ko sa ganitong trabaho at ito lang ang tumanggap sa kalagayan ko.." problema nga yan.. Mahirap sa matatagal nating modelo mga pasaway na talaga.." Komento ko.
" hay naku tama ka. Diba ang team namin may hawak kay Sir Ethan at lahat ng project nya hawak din namin. Ang kaso si sir Ethan ilang araw na hindi umaattend ng photo shoot. So ano ilalagay ko sa report ko, diba wala? At hindi yun pwede satin. Dapat kaya natin e manage ang mga modelong hawak natin kung hindi, we are not fit to our work."
Naawa naman ako kay Karen lalo na kakapromote lang nya bilang team leader.
" nareport mo na ba yan kay sir Pat?" Tanung ko
Malungkot na umiling si Karen." bakit hindi mo reneport?"
" alam mo repotasyon ni sir Ethan sa company..., tingin mo hindi ako papagalitan kapag nalaman nila hindi ko kayang hawakan ang project nya? Baka mawala pa sakin ang posisyon ko at madamay pa si sir Pat sa kapalpakan ko" naiiyak na saad ni Karen
Hinawakan ko ang kamay nito.
" ano ka ba!? Kaya mo yan.. Tandaan hindi ka ilalagay sa ganyang posisyon kung hindi ka nila nakitaan ng potential" pag iingganyo ko kay Karen
Ito ang mahirap sa trabaho namin. Kapag ang mga modelong hawak namin matitigas ang ulo o pasaway. Kami pa ang sisisihin ng management. Para sa lahat, kailangan namin magmakaawa sa mga modelo para lang maging maayos ang lahat.