Pagdating ko sa hospital nakita ko si Mico sa area ng garden na nakaupo at nakatingala sa langit.
Tumabi ako sakanya at tahimik na nakatingin sa paligid.
Hinayaan ko lang si Mico sa ginagawa nya.
" kanina ka pa?" Sinulyapan ko si Mico na nakatingin na sakin.
Marahan na tumango ako.
" kamusta ka?" Nag aalalang saad ko
Malungkot na ngumiti sya sakin.
" wala syang sakit o ano pa man. Biglang nahagip ng truck ang sinasakyan nya"
Nagulat ako sa kwento ni Mico
Napayakap sya sakin
Hinayaan ko umiyak si Mico para mabawasan ang hinagpis sa puso nya.
Ilang oras ang tinagal namin sa hospital bago pumayag si Mico at Lely na umuwi muna.
Papa nila ang naiwan sa hospital para asikasohin ang mga papeles na kailangan.
Natanggap ko ang message sakin ni Pia na approved ang presentation namin. Need lang ng kunting pagbabago at pwede ng gawin.
Buti nalang. Akala ko pahihirapan pa ako.
Sinulyapan ko si Mico natutulog sa kama nya. Kitang kita napagod ito ngayong araw at sobrang lungkot.
Dahan dahan ko kinuha ang bag ko at naglakad palabas ng kwarto.
Binilin ko sa katulong na pakainin ang dalawa ng dinner at saka ako umalis.
Magtataxi nalang ako para makadaan sa Montero Corp. Naiwan ko sa lobby nila ang ilang gamit na hindi ko madala sa hospital. Sana bukas pa building nila.
" bayad po." Abot ko sa driver ng taxi
Pagkababa ko agad na pumunta ako sa receptionist nila.
" Ms. Kukunin ko na gamit na iniwan ko." Saad ko
" please wait, madam" nakangiting saad ng receptionist
Nakangiting tumango lang ako
" Natalie?" Napatingin ako sa bandang likod ko ng may tumawag sa una kong pangalan.
" yes?" Tanung ko sa lalakeng nakatayo sa harapan ko
Umayos ako ng tayo at hinarap sya ng maayos.
" wow small world nga. Tama nga sinabi sakin ni Aprille your here"
Aprille? Si Ms. Parella ata sinasabi nito.
Teka, base sa mukha ng lalakeng ito isa syang palekorong lalake. Joyful at mapagbiro.
" don't tel me hindi mo ako matandaan? Sabagay, heartbroken ka noon ng nagkita tayo at nagkakilala" nakangiting saad ng lalake
Heartbroken? So kilala nga nila ako.
Nasaktan ako noon? Kanino? At bakit?
Maliban kay Mico may naging kasintahan pa ako?
" Yael"
Ms. Parella.
Gulat na nakatingin sya saamin ng tinawag nyang Yael.
" Oy Aprille, your besty is here"
Napatingin ako kay Yael sa sinabi nya.
Besty?
Tinignan ko si Aprille na seryosong nakatingin sakin.
" its very long long years.. My dear besty" napalunok ako sa narinig