Chapter 10

110K 2.3K 116
                                    

Chapter 10

"Congrats Nigel. Ang galing mo talaga!"

"Congrats dude!"

Simula pagpasok ay puro pagbati na ang naririnig ko. Si Nigel ay napalilibutan ng aking mga kaklase at nakikibalita tungkol sa tournament na sinalihan niya. Kilalang-kilala na siya at ang paghanga sa kanya ng mga tao ay mas lalong tumaas dahil sa galing niya sa sports na table tennis.

I'm happy for him. Sa lahat ng mga lalaki sa school ay sa kanya lang talaga ako humanga nang ganito. He has the face and attitude to be admired. He has the talent to flaunt and to be proud of. Lahat na yata ng katangian sa isang lalaki na gusto ko ay nasa kanya na. Idagdag pa ang katotohanang hindi siya tumitingin o nangmamaliit ng ibang tao. Hindi siya namimili ng taong kakaibiganin.

"Thanks, but I think that was just luck." Kibit-balikat niya.

"Sus, pa-humble pa! Tigilan mo nga ako Nigel!" Sabi ng isa sa mga kaibigan niya.

Nagtawanan sila. Ngumiti ako at inalis ang tingin sa kanila.

"Millie..." It was Geneva.

Nilingon ko siya. Hindi ko malaman kung ngingitian ba siya o ano. Hanggang ngayon ay hindi pa kami nagkakausap nang maayos. I wanted to say sorry pero nahihiya ako.

Seryoso ang kanyang mukha habang nakatingin sa direksyon nila Nigel.

"Malapit na ang Christmas party." Bumaling siya sa akin at tipid na ngumiti. "You'll attend right?"

Tumango ako. Sa pagkakataong ito ay kailangan kong umatend dahil required ito. School related naman ang party kaya alam kong hindi ako mahihirapang magsabi sa mga magulang ko.

"So... may isusuot ka na?" Ngumuso siya at nag-iwas ng tingin.

Ramdam ko ang pag-aalangan niya sa kanyang tanong. Kilala ko siya, alam kong ginagawa niya ito para maputol ang kung ano mang tampuhan na namagitan sa amin. She's really sweet and this is one of the reasons why I like her. Hindi ko ikakailang sa ilang araw na hindi kami masyadong nagpapansinang apat ay namimiss ko sila. They are my only friends here. At syempre, si Nigel.

"Wala pa."

Ibinalik niya ang tingin sa akin. Kita ko sa kanyang labi ang pagpipigil niya sa pagngiti.

"Pero madali na iyon. Bibili na lang ako sa biyernes. Sa tiangge."

"Sayang. I was just about to ask if we can shop together. Tayong apat-"

"Hi Millicent." Biglang dating ni Nigel.

Sumeryoso ang mukha ni Geneva. Umikot ang mga mata niya at walang paalam na umalis sa harap ko. Umupo siya sa tabi ni Cassia at kinalbit ito.

"Aren't you gonna give me even just a bit of your attention?"

Nagulat ako sa tanong ni Nigel at sa hindi maipagkakailang tono ng pagtatampo sa kanyang boses. Nilingon ko siya, nakatitig siya sa akin na para bang kanina pa naghihintay na harapin ko siya. Nakonsensya ako.

"Uh... sorry." Ngumiti ako at hinaplos ang aking buhok. "A-anong kailangan mo Nigel?" Kahit anong pigil ko sa pagkautal ay nangyari pa din. Naiilang ako dahil hindi man lang niya tinatanggal ang mga mata sa akin.

"Ganyan ba ang ibubungad mo sa akin?" Naghalukipkip siya. "Two days tayong hindi nagkita Millicent."

Kumunot ang aking noo. Saka lang siya nag-iwas ng tingin.

Kinalbit ko siya. "C-congrats." Ngumiti ako. "Ang galing mo."

Nagkamot siya ng ulo. Mahina akong natawa dahil sa ikinilos niya. Lalo na't kita ko sa kanyang mukha na pinipiit niya lang ang sarili sa pagngiti.

SurrenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon